ALEXA
Nag hihitay si lolo sa labas ng mansyon ng dumating kami. Nakaupo ito sa rocking chair habang nakikinig sa paborito niyang istasyon sa radyo. Napaka oldie. "Kamusta sa isla?" Bungad niya sa 'akin pagkababa ko sa sasakyan.
"It was beyond my expectation lolo. Sayang lang at umulan kagabi hanggang kanina tanggahali."
"I know... Are you okay though?" Nag aalalang tanong nito. Alam ni lolo ang phobia ko sa kulog at malakas na ulan. Bagay na hindi na nawala sa akin ilan man therapy sessions ang pinuntahan ko.
"Camille stayed with me. Mukhang napasarap nga po ang tulog ko kagabi." I assured to stop him from worrying.
Bahagya ito natawa na para bang nag nagbibiro lang ako. "Oh siya. Magpahinga ka na at maaga ka raw susunduin ni William bukas. Gusto niya makita mo kung paano iprepare ang idedeliver na tabacco sa Golden corp."
Sila ang natitirang client ni lolo at ilang dekada nang kami ang manufacturer ng cigar factory nila; kaya naman sinisigurado namin ang quality ng bawat ibinibigay namin produkto sa kanila. There is no room for mistake in this transaction, kung ayaw namin sama sama lumubog sa putikan.
"Sige po. — E kayo lolo? Kamusta po kayo habang wala ako?"
"Nandito si doctor Alvarez kanina. Okay naman ng results ko ng blood chem ko. Mukhang matagal tagal pa ako mabubuhay."
"And you have to! Hindi pwede na mag papatalo ka sa sakit mo."
"I don't know hija. Hindi na ako katulad ng dati, at saka wala naman nakaka alam kung hanggang kailan tayo dito sa mundong ibabaw."
"I know but you have to think and act positively. Laban lang okay?"
"Of course..." natutuwang sabi nito. "Sige na, eat and have some rest."
Tumango ako at umakyat para maligo ako at mag bihis. Tapos bumaba narin ako kaagad para mag hapunan kasama si lolo. Pero nakasalubong ko ito sa hagdan at papunta na kwarto niya.
"Hindi po kayo sasabay?"
"It's late Alexandra and I had to take my medications earlier kaya nauna na ako bago ka pa dumating."
Tumango tango ako. "Okay — Good night then, lolo."
"Hoog night, hija." I kissed him on his cheek before dining.
Wala na ata ako maiitutulog mamaya. I slept all night last night, tapos nakatulog rin ako sa sofa at sa bangka habang papabalik dito kanina.
Habang kumakain, isa-isa ko binasa ang notifications ko mula kay Maxine, Leon, at mom.
Walang internet sa isla kaya hindi ko kaagad na recieve ang messages nila. Kahit nga sms messages ay pahirapan isend doon.
"Hey mom; I'm doing fine here. Don't worry about me. I miss you so much too! Please take care of yourself. Hug and kisses." I sent her. Tapos pinagpatuloy ko ang pag kain.
Nang matapos ay nag lakad lakad muna ako sa garden para matunawan.
I saw Camille there. Naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina. I told her that I want to be friends with her. At hindi 'yon tanong kundi ipinaaalam ko sa kanya, sa ayaw man niya o gusto.

BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)