ALEXA
Hindi na kami nakapag-usap pa ni Camille mula ng makabalik kami sa mansyon. Pinili ko muna mapag-isa para makapag-isip ng tama.
I saw lolo almost killed someone with my own eyes.
Pinag bibintangan siya ni Camille na isang mamamatay at gusto siya nito ngayon paghigantihan.
That Nathan! It took me awhile to remember where I saw those eyes.
May kinalaman rin ba ang lahat ng ito sa nangyari sa akin noon!?
"Ugh!!!"
Parang sasabog ang utak at dibdib ko.
Naparaming tanong.
Unti-unti ko napapagtagpi-tagpi ang mga bagay bagay pero natatakot sa katotohanan
This is too much!
May araw na nang mag pasya akong lumabas sa kwarto. Nag babasa si lolo ng libro ng datnan ko ito sa sala.
"Alexa..."
"Lolo..." matamlay kong bati sa kanya. Mula kahapon ay hindi ko parin siya nakakausap. "Aalis po muna ako..."
"Hindi ka man lang ba mag uumagahan?" Alam kong ramdam niya ang pag iwas ko.
"Hindi na po." Sagot ko. "See you later lolo."
Umiling ito at tumayo. "Sundan mo ako." Aniya. Tumango lang ako at sinunod ang utos nito. Nag lakad kami papunta sa opisina niya. Naupo siya sa swivel chair at bumuntong hininga. "Alexandra... Talk to me. Sabihin mo kung anong bumabagabag sayo."
Nagtatangis ang panga kong umupo sa may harapan niya at deretso siya tinignan sa mata. "Lolo, I've never thought you are capable of doing such thing... Hindi ko po matanggap na ilalagay ninyo ang batas sa sarili ninyo mga kamay."
Lalong sumeryoso ang tingin niya. Napasandal siya at inilagay ang kamay sa batok niya.
"Iyon ang paraan ko para ma protektahan ang hasyenda at maparusahan ang tao na gusto ako kalabanin, apo. — Kung hindi ko gagawin yon ay iisipin nila na mahina ako. Kung hindi sila matatakot sa'kin ay aabusihin lang nila ako at patuloy gagawan ng masama. We lost a lot of money because of that bastard."
"Alam ko po. Pero tao parin ang pinarusahan ninyo."
"Tao na gusto ako gawan ng masama. Like I told you before, kung hindi mo sila uunahan ay ikaw ang lalapain nila."
"Pero napaka raming paraan para maparusahan siya lolo. Hindi ninyo kailangan dumihan ang mga kamay ninyo sa taong tulad niya."
Tumayo ito para maupo mas malapit sa akin. "May nakuha ka na bang sagot sa paraan na ginawa mo?"
Umiling ako. Gusto ko man sabihin sa kanya ang mga nalaman ko pero pinigilan ko ang sarili. Gusto ko muna kausapin si Camille. Gusto ko muna siguraduhin na totoo ang lahat.
Lolo sarcastically smiled. Na para bang expected na niya ang isinagot ko. "You have to learn a lot of things if want to run this business, hija. Dapat ikaw ang hari. Dapat ikaw ang batas. If you have to get your hands dirty, so be it."
"I will never do that." Protesta ko. "Hindi ko dudumihan ang kamay ko para may mapatunayan. Lalong hindi ko ilagay ang buhay ng ibang tao sa sarili kong mga kamay. If that's how you want me to run your business then I'm sorry to disappoint you but I can't do that." Siguro nga hindi ako ang nararapat dito.
Sandali siya nakatitig bago muling tumango. Alam kong napipilitan lang siya dahil kita ko ang disappointment sa mga mata niya. I can see in his eyes that he thinks I am too weak for this job.
![](https://img.wattpad.com/cover/364329143-288-k850028.jpg)
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)