EIGHT

625 33 4
                                    

ALEXA

Wala na ako sa pamilihan nang magkaroon muli ng malay. Wala na yung ingay sa paligid at hindi ko narin ramdam yung init dahil sa napaka raming tao.

The scent and ambience is familiar. Alam ko kung nasaan ako kahit hindi pa ako dumidilat. I was lying on my bed in my room.

"Good morning princess. You are finally awake." Nag pantay ang kilay ko nang makita ang isang lalaki sa loob ng silild ko.

Pumapalantik ang mga daliri nitong ibinaba ang hawak bulaklak sa lamesa at nag mamadali ako nilapitan.

"Who are you?"

"I'm Rudolfo but you can call me Daphne, princess. I am your private nurse."

What the!? Kumindat pa ito bago at humalik sa hangin. "Mamaya ka na mag react. — Sandali lang at tatawagin ko sila."

Hindi na ako nakapag salita dahil dinaig pa nito sa flash na mabilis pa sa alas kwatro lumabas ng silid.

Maya maya ay bumukas ang pinto. Unang pumasok si lolo, na sinundan ni William — tapos ni manang Lurdes.

"Who are you Alexandra?" Rinig kong tanong nila.

Pero hindi ako sumagot at nakahaba parin ang leeg na nag hihintay sa susunod na papasok loob.

"Hija..." tawag ni lolo.

"P-Po?"

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Bumukas ulit ang pinto. Is it finally her?
Napapapikit ako sa sakit nang ayusin ko ang pagkakahiga para presentable niya ako makita.

Pero bumaba ang balikat ko nang si nurse Daphne lang ang nakita kong pumasok sa loob. Di katulad kanina, lalaking lalaki na ang tindig at galaw nito.

"Lolo, si Camille? Si Danielle? Nasaan po sila?" Hindi na ako nakapag pigil na itanong 'yon sa kanila.

"Don't worry, they are safe — Naihatid na rin si Danielle sa bahay nila."

Marahan ako tumango. "Mabuti naman." But where is Camille? Hindi man lang ba niya ako dadalawin?

"Alexandra..." Napatingin ako kay lolo nang hawakan nito ang kamay ko. He is now sitting beside me.

"Lo?"

Humuhot ito ng paghinga. "How are you? May masakit ba sayo?"

"I'm fine lolo... Medyo kumikirot po pero kaya ko naman..." Wala sa loob na sagot ko habang nag aabang parin sa pag bukas ng pinto

"Namukhaan mo ba ang gumawa nito sayo?" Si William. Nakatayo ito sa bandang paanan ko.

I shook my head. "Naka cap siya at may suot na face mask sa mukha."

Napailing silang dalawa. "This is absurd! Ano pa ba ang gusto nila!?" si lolo.

Inabot ko ang kamay niya at hinagod yon. "Im sorry lolo." Hindi ko alam kung paano mapapagaan ang loob niya. Wala man lang ako mapagkilanlan sa taong sumaksak sa 'kin, kundi ang mata nito. "But if there's one thing that I am sure of, ayaw niya ako dito sa San Crisostomo."

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon