TWENTY

914 49 15
                                        

MALIA

Wala ako maintindihan. Para akong musmos na iniwan nalang sa kawalan.

"Hindi." Hindi ito maaari. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa buhay ko.

Tumayo ako at muling tumakbo para habulin siya.

Pinutahan ko siya sa mansyon, sa ospital kung saan naroon daw si don Alberto pero hindi ko na siya naabutan pa. Umalis raw ang mga ito at walang nakakaalam kung kailan babalik.

Lumipas ang mga araw.

Araw araw ako pabalik-balik sa mansyon para hintayin siya. Nag babakasakali makita siya at magkausap kaming dalawa.

"Iya, tigilan mo na yan! Sinisira mo ang buhay mo!" Suway sa'kin ni Nathan. "Sa tingin mo matutuwa siya kung makikita ka niya nag kakaganyan?"

Hindi ko siya pinansin o kahit tinignan man lang. Hawak ko ang bote ng alak habang nag hihintay parin sa bukana ng hasyenda nila.

Hindi ko kailanman nagustuhan ang lasa nito. Pero ito ang hinahanap hanap ng katawan ko ngayon. Hindi man nito nabubura ang sakit, pero nagagawa nito ako pagpahingahin kahit sandali lang.

"Malia umuwi na tayo!"

Umiling ako. "Umuwi ka na. Hihintayin ko pa siya." Nawawalan na ako ng pag-asa pero ayaw ko parin sumuko.

"Paano kung hindi na siya bumalik?"

"Babalik siya." Protesta ko agad. "Alam ko na babalik siya."

Hahawakan sana ni Nathan ang braso ko para pilitin ako papasukin sa loob ng kotse nang makarinig kami ng mga sasakyan na paparating.

Nauuna ang isang van na sinusundan ng kotse ni William.

Sa loob ay nakita ko ang babae na araw araw ko hinintay sa loob ng dalawang linggo.

"Alexa" Tawag ko sa kanya pero para lang akong hangin na dinaanan at nilagpasan nila.

Nahihilo man, tumakbo ako para habulin sila. Pero guwardya sa mansyon ang pumigil sa'kin para makapasok sa loob.  "Pasensya na talaga Camille, bawal ka na raw pumasok dito." Anito.

"Sige na. Sandali lang talaga." Pakiusap ko sa dati kong katrabaho na inilingan lang ako. "Alam mo ang patakaran dito sa loob. Siguradong masesesante ako sa trabaho kung hahayaan kita."

Hindi ko na ito inimikan pa. "Alexa! Parang awa kausapin mo ako!" Hiyaw ko. Pero nag bingi-bingihan lamang siya. Kasama niya si nanay Lurdes na tinalikuran lang ako nang mag tama ang mata namin dalawa.

Nakakapangliit. Ganon pala ang pakiramdam ng talikuran ng mga tao na akala mo nag mahal sayo.

Dumaan ang mga araw, hindi ako tumigil. Hindi ako huminto sa pag-asa na lilingunin niya muli at titignan.  Kakausapin.

Araw-araw ko siya pinuntahan. Maabutan man ako ng init ng araw o mabasa ng ulan. Naroon ako. Nag hihintay lang sa kanya.

Syam na araw ako pabalik-balik sa mansyon at sa planta. Syam na araw narin niya ako dinaraanan na parang hindi man lang niya nakikita.

Pahapon na at malakas ang ulan ng matanaw ko siya lumabas sa opisina niya sa planta mag-isa.

Para akong basang sisiw pero wala akong pakialam. Mabilis humakbang ang mga paa ko papunta sa kanya upang yakapin.

"Huwag mo naman gawin sa'kin ito. Nadudurog ako sa tuwing binabaliwala mo." Pag mamakaawa ko.

Ramdam ko ang pagmamatigas niya. Kaya ihinarap ko siya sa'kin para hulihin ang mga mata niya na ilan linggo na niya ipinagdadamot ipakita.

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon