TWENTY ONE

807 52 20
                                    

ALEXA

It's official.

We are one of the Queens' E-Cigarette International Inc. suppliers!

I looked myself in the mirror for the very last time.

Gusto ko masigurado na maayos ang itsura ko bago kami pumunta sa inauguration party.

Naglagay ako ng konting lip stain sa labi at blush on sa pisngi. Tapos eye mascara naman sa mga mata.

I was wearing a black spaghetti strap halter dress that elegantly highlighted my hourglass body. Naka french twist ang buhok ko na may konti hiblang nakalugay. Making my face a little more seductive.

I put my heels on and I was good to go.

Dumaan muna ako kay lolo para mag paalam.
Kahit pa wala naman ito isinagot kahit tingin man lang.

William amazingly looked at me. Tumayo ito sa sopa at nakangiti akong pinanood na papalapit sa kanya.

"Ready?"

I slightly nodded my head.

Lumapit siya sa'kin. "You look stunning as ever." Napaka amo ng tono niya. Kung sa ibang babae niya siguro sinabi 'yon ay sadyang kikiligin. Not for me, though.

Inawang niya ang braso para hawakan ko at saka kami nag lakad papunta sa kotse.

Hanggang ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na kami ang napili ng Queens na bilang supplier nila. Napakalaking tulong ito para sa akin at sa hasyenda.

Sila narin ang bumili ng natitira namin mga stuck na hindi naibigay sa Glik noon nakaraan na anihan.

Nasa daan kami ng may matanaw akong ilaw ng kotse sa taas ng burol kung saan kami palagi ni Malia noon.

Nakakapagtaka.

Wala naman ibang pumupunta roon kundi ako lang mula ng umalis ito. Nakasanay ko na doon huminga pag marami akong iniisip.

"May nakalimutan ka?" Tanong ni William ng lingunin ko ang dinaanan naming burol. Hindi ko makita kung sino ang naroon dahil sa sobrang layo. Idagdag pa ang pagtatakipsilim ng hapon na  'yon.

But my heart kept pounding fast and it was telling me it was her. Na narito na siya at nakabalik na.

Magkasamang lungkot at saya ang naramdaman ko. May takot rin dahil hindi ko alam ang ikikilos ko o magiging reaksyon kung sakaling makaharap ko muli siya.

Ilang oras rin ang byahe bago namin narating ang establisimyento ng Queens.

Hanggang ngayon ay patuloy ang pagku-kwento ni William. Ito man ay hindi makapaniwala sa oportunidad na dumating sa'amin at sa mga nalaman niya tungkol mga ito.

Ganon pa man. Di mawala ang isip ko sa nakita ko kanina sa burol.

"We are finally going to meet her tonight." ani William.

He is right. Ngayon rin namin makikilala ang tao sa likod ng pag bangon ng hasyenda ni lolo.

"Hey! Good evening!" bungad ni Georgina ng salubungin niya kami sa entrance. "I'm glad you made it!" bumeso siya sa amin.

"We won't miss this for the world." Sagot ni William.

Nakangiting tumango si George. "Thank you guys."

Umiling ako. "Kami ang dapat magpasalamat sayo at sa kaibigan mo. — And congratulations Miss Diaz." Bati ko naman sa kanya.

"This is for all of us." her smile never faded. "Come, this way." ineskortan niya kami hanggang makaupo sa reserved table namin.

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon