CAMILLE
2015Sinag ng araw mula sa nakabukas kong bintana sa kwarto ang gumising sa 'kin. Napagaka ganda ng langit at naririnig ko ang mga huni ng ibon sa labas. Nag-inat ako. Kinusot ang magkabilang mata saka tumaba sa kama.
Birthday ko kahapon kaya napakaraming regalo saan man sulok ng malawak kong silid.
Pero hindi 'yon ang gusto ko.
Tumakbo ako papunta sa salas. Naroon si papa kausap ang ilang mga trabahador. Nag tatawanan sila at masayang nag k-kwentuhan.
Maya maya ay dumating si mama dala ang tray ng sari-saring pagkain para sa kanila.
"Oh Iya gising ka na pala" nakangiting bati nito nang makita akong pababa.
Tipid akong tumango at umupo ako sa dulo ng hagdan. Nakapangalumbaba pa ako habang nakasimangot silang tinitignan.
Nakakaselos na talaga ang mga ito. Palagi na nga si papa sa farm tapos nakasunod parin sila hanggang dito sa bahay.
Napataas ang tingin ko nang lumapit sa akin si mama. "Wag ka na mag tampo dyan. Mamaya, lalabas tayo ni papa. — Pupunta tayo sa amusement park tapos kakain tayo sa labas at pupunta sa favorite place mo." Bulong nito na para bang nabasa ang nasa isip ko.
Nanlaki at lumiwanag ang mga mata. "Talaga po?!"
"Opo. Kaya wag ka na sumimangot dyan." Nakangiting sagot nito habang hinahaplos ang ulo ko.
Ilang ulit ako tumango bago muling pinanood sila papa. Sa pagkakataon 'yon, malawak na ang ngiti ko habang nakatingin ang mga ito. Ilang minuto pa sila nag usap bago mga nagsipaalam.
Kaagad ako tumayo at tumakbo papunta sa papa ko. "Papi!"
"Baby girl." Masayang bati niya sa akin. Kinarga niya ako at kinalong sa binti niya. "I saw that baby girl. Bakit ka nakasimangot kanina ah?"
"Sila e. Palagi ka nalang nila inaagaw sa akin." Nakanguso kong sagot.
Bahagya ito natawa na ikinasimangot ko ng sobra. "Hindi naman nila ako inaagaw sayo Iya." Maamo niyang sabi.
"Kung ganon bakit palagi mo sila kasama?"
"Malaki ang parte nila sa hasyenda natin.
Sila ang nag aalaga sa mga tanim para magkaroon tayo ng masaganang ani.
Kung wala sila, wala tayo, anak. Kaya dapat lang na bigyan natin sila ng panahon at oras.""Pero ikaw yung boss nila?"
Natawa siya. "But that doesn't means I only have to I give them orders. Para lang yan bangka Malia. Hindi siya aandar kung walang sasagwan. At sila? Sila ang sagwan natin. Our land is just a land without them.
"Hindi ko parin maintindihan."
Hinagod ni mama ang likod ko habang kinuha ni papa ang kabilang kamay nito para hagkan.
"One day, pag ikaw na ang nag namamahala ng mga ito, maintindihan mo sinasabi ko. Pero isa ang ipapakiusap ko sayo. Saan ka man mapunta, gaano man kataas ang marating mo, palagi mo babalikan kung saan ka nanggaling. Kung sino ang mga kasama mo para maabot ang kinatatayuan mo. Always use your heart Malia. Dahil madalas mas matalino yan kaysa sa utak natin."
![](https://img.wattpad.com/cover/364329143-288-k850028.jpg)
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)