SIX

570 32 5
                                    

CAMILLE

Kalalabas ko lang sa kwarto nang maramdaman ko ang pag vibrate ng telepono. Kinuha ko 'yon sa bulsa ng uniporme ko para tignan kung sino ang tumatawag. Nathan. Mabilis ako nag tungo sa tagong lugar kung saan wala makakakita o makakarinig sa pag uusap namin.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na 'wag mo ako tatawagan sa oras ng trabaho."

"Alam ko, pero may magandang balita ako sayo."

Ipinikit ko ang mga mata para magpakalma at ihanda ang sarili ko sa sasabihin nito. Sana ay tama ang hinala ko.

"Sumabog na ang bomba. Nag kakagulo na sa plantasyon ngayon."

Kusang gumihit ang ngiti sa mga labi ko sa narinig.

"Mag-iingat ka dyan." Rinig ko pang sabi niya bago patayin ang tawag.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa ibinalita nito. Natatanaw ko narin sa wakas ang hustisya na ilang taon nang ipinagkait sa akin.

Bukod doon, kailangan ko narin madaliin ang pakay ko sa lugar na ito. Masyado na nagiging maliit ang mundo namin ni Alexa, lalo na't umbensido ito na ako ang nagligtas sa kanya noon. Bagay na hindi ko na dapat ginawa. Hinayaan ko nalang sana siya mamatay para wala akong pino-problema ngayon.

Ibinalik ko ang telepono sa bulsa. Sigurado ano mang minuto ay makakarating na sa matanda ang balita. At gusto kong masaksihan ang magiging reaksyon nito sa sarili kong mga mata. Gusto kong makita ang takot na mawala sa kanya ang bagay pinagkakaingat ingatan niya.

"Camille, halika na at sabayan mo kami mag almusal." Aya ni ate Eva nang makita akong pumasok sa kusina.

Nag bigay naman si Marian ng espasyo para makaupo ako sa tabi nito. "Ito oh... Paborito mo." Sabi pa niya bago lagyan ng tocino ang plato ko.

"Salamat."

Matamis siya ngumiti sa akin pero hindi ko 'yon sinuklian.

Matapos namin mag umagahan ay nagsimula na ako sa sala. Pinapagpagan ko ang mga unan ng sofa nang may nag mamadaling pumasok sa pinto. Si Sandro.

"Magandang umaga Sandro. — Anong kailangan mo?" Tanong dito ni nanay Lurdes.

"S-Si Don Alberto po — K-Kailangan ko makausap."

Saktong pababa si William kaya yon na ang sumalubong dito.

"Anong nangyayari, Sandro?"

"A-Ang mga tanim po..." habol hininga nitong sagot.

"Anong nangyari sa mga tanim?!" Umalingawngaw ang boses ng matanda sa bawat sulok ng mansyon kaya lahat kami ay napatingin sa dereksyon nito.

Lumunok ang pobreng lalaki. "P-Pine-peste po, D-Don A-Alberto."

ALEXA

Boses ni lolo ang gumising sa akin. Masakit ang ulo ko dahil sa ininom ko kagabi. Wala ako halos kinain mag hapon kahapon kaya siguro mabilis tumalab ang alak sa sistema ko.

Hawak ko ang ulo nang nagmamadaling lumabas sa kwarto. "What is happening?"

"May peste raw ang mga tanim." Sagot ni William. Seryoso ang mukha nito, galit si lolo habang pawisan at namumutla sa takot si Sandro na nasa harapan ng dalawa.

"Peste?" Hindi ako makapaniwala. "H-Hindi ba tayo nag p-pest control?"

"Oo... Kaya nga nag tataka ako kung paano nangyari ito."

I took a gasp of air. I did some research about tabacco farming. Alam kong pwede pa pakinabangan ang mga dahon nito kahit na peste na. Pero dipende parin kung gaano kakarami ang inatake para ma calculate ang damages.

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon