Alam namin ni Alexa na hindi madali ang relasyon na pinasok namin dalawa. Araw-araw ay nasa pagitan kami ng pamilya at pag-ibig namin para sa isa't-isa.
Alam namin na kailangan namin maging handa sa mga darating na pagsubok. At maging matatag sa daan na kailangan pa namin tahakin.
Pero kakaiba ang takot na nararamdam ko ngayon habang kaharap si tito Julian.
Malakas na suntok sa mukha ang ibinigay nito para tumambad ako sa lupa. "Kaya pala walang nangyayari sa pag tira mo sa mga Gallardo dahil iba na ang inaatupag mo! Isa kang inutil, Malia!" Nalilisik ang mga mata niya at labis-labis ang galit sa akin.
"Kinalimutan mo na ba ang ginawa niya sa mga magulang mo?!" Tuluyan na kinain ng puot at galit ang puso niya. Naiintindihan ko siya, dahil ganon rin ang galit na nararamdaman ko noon. "Pati sarili mong kaibigan ay kinalimutan mo!"
Paulit-ulit akong umiling. Binaliwala ang hilo na nararamdaman mula sa suntok nito. "Hindi ko yon nakakalimutan, tito Julian."
"Sigurado ka?!"
Tumango ako at naka tiim ang panga na itinaas ang tingin sa kanya. "Pero hayaan ninyo ako gawin yon sa tamang paraan."
Natawa siya sa sinabi ko. "Naririg mo ba ang sarili mo, Malia? Siya ang dahilan ng pagkamatay ng mama at papa mo. Ang kapatid ko!" Lumapit siya sa akin at hinablot ang buhok ko para hilahin pataas hanggang mapaluhod ako sa harapan niya. "Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa. Kung ayaw mo sa tapusin ko, ako ang tatapos. Ako na ang gagawa ng paraan." Anito bago ako sikmuraan at itulak sa lupa saka naglakad palayo.
Para akong nasimyento sa sinabi niya. "Paraan niya?" Alin doon? Ang pagtangkaan muling patayin si don Alberto at Alexa?
Umiling ako at binalewala ang mga natamo mula sa kamay ng sarili kong tiyuhin. Hindi ko papayag na manganganib muli ang buhay ni Alexa ng dahil sa galit nito.
"P-Pinatay ni don Alberto ang mga magulang mo?! —- I-Ikaw ba ang anak ni Romeo Santiago?"
Napahinto ako sa pagtayo. Hindi ko pa man nakikita ang pigura nito pero kilala ko na kung kanino ang boses na 'yon.
"William."
Habol niya ang hininga habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa'kin nang itaas ko ang tingin sa kanya.
"K-Kaya ka ba narito para mag higanti? I-Ikaw ba ang dahilan ng lahat?" Hindi malaman ni William kung saan uumpisan ang pag tatanong.
Kung paano at saan niya nakuha ang impormasyon meron siya ngayon ay wala narin akong pakialam.
Kailangan ko puntahan si Alexa. Kailangan ko siya mailayo kay tito.
"C—Camille sandale!" Pigil sa'kin ni William.
Pero nagbingibingihan lamang ako. Pilinit ko lakihan ang bawat hakbang. Lalo nang matanaw silang magkaharap dalawa.
"Kilala mo siya?" Tanong sakin ni Alexa ng makaalis si tito Julian.
"Wag na wag mo siya lalapitan, Alexa." Tuluyan na bumagsak ang luha ko na kanina pa nag babadyang pumatak sa mga mata ko.
Alam kong nahulog na ako sa kanya. Pero hindi ko akalain na ganito ko na siya kamahal. Na parang malalagutan ako ng hininga kung sakaling may mangyari sa kanya na masama.
"Bakit?" Naguguluhan niya na tanong.
"Siya si tito Julian." — Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko. Sumabay kasi ang pag lingon niya ng may marinig kaming yabag papalapit.
![](https://img.wattpad.com/cover/364329143-288-k850028.jpg)
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomansaShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)