"Maxine!" Pareho kaming napalundag ni Malia sa kama para puntahan si Maxine. "Sira ulo ka talaga! Tumayo ka nga riyan!"
Tinapik ko siya at sinampal. Inalog-alog ko rin pero "Nahimatay nga talaga ang gaga."
"Tulungan mo ako dali. Dalhin natin siya sa sofa." Utos ni Malia na animo nakagawa kami ng isang krimen.
Ayaw ko maging masamang kaibigan pero biglang sumabog yung tawa dahil sa itsura namin ngayon.
Maxine really passed out and Malia is creeping out.
Lalo tuloy akong na convince na hindi kaya pumatay ng kahit na lamok itong girldfriend ko. Pawis na pawis na siya.
Pero imbis na tumulong ay hinagilap ko yung phone ko para picturan si Max. "Sorry not sorry bitch." Alam ko na magagamit ko ito pang bawi sa kanya sooner or later.
I took a few shots. Kumuha narin ako ng video para sigurado. Tapos hinawakan ko na yung magkabilang paa niya para tulungan si Malia. "Ay wait!" Pigil ko. "Wag sa sofa!" I've seen this in too many movies. May mabilis na paraan kung paano siya gigisingin. And knowing Maxine, mabubulabog ang buong mansyon kung hahayaan namin siya magising dito sa kwarto.
"Nasa tapat rin naman siya ng banyo dito na natin siya dalhin sa loob."
"Alexa" suway agad ni Malia. "Ano nanaman yan nasa isip mo?"
"Trust me. I know what I'm doing." Sagot ko sabay kindat sa kanya.
Tutol man siya pero ako parin naman ang nasunod.
Magkatulong namin inilagay si Maxine sa loob ng bathtub at isinarado yung pinto. Tapos kinuha ko yung shower hose at inisprayan siya ng tubig. Konti lang. Promise.
Mukang effective naman dahil nagising siya agad. "Ahhh!" Hiyaw niya na akala mo sinabuyan ko ng isang drum na tubig. "See, this is what I'm saying." Nakangisi kong sabi kay Malia.
Edi nagising na sana ang lahat sa hiyaw niya kung nandon kami sa labas.
Nangangatal pa siya e halos hindi nga nabasa yung blusa niya. "You! And you!" Turo niya sa amin with matching pangangatal ng bibig at kamay. "Both of you! ano yon ah!? Anong ginagawa niyo kanina?! Why the hell you were on top of her!?"
I rolled my eyes. "Oh c'mon, Max. We were just about to have s*x" burgar na sabi ko na ikinalaglag ng panga nung dalawa. "Kaso istorbo ka e." Nainis tuloy ako dahil bigla ko naramdaman yung sakit ng puson ko.
"Sira ulo ka ba?! E pareho kayong babae diba?!"
"And?" Taas kilay kong tanong.
"Alexa!" Bulyaw niya sabay iling ng paulit ulit. "No no no! Hindi ikaw to! My goodness!" Para siya famas actress na maluha-luha pa habang nakatingin sa'min. Luminga pa siya na akala mo may hinahanap na ibang tao sa paligid. "Nasaan yung kaibigan ko?!"
Oh god, Maxine. Napasampal ako sa noo ko.
"You!" Turo niya kay Malia "What did you do to my bestfriend!?"
Napapailing akong itinutok ulit yung shower sa kanya. Tapos binuksan ko muli 'yon.
Sumingap siya ng malakas na akala mo nilulunod. "Wag ka ngang oa, okay?" Medyo naiinis na talaga ako sa ka-artehan niya. Kaso nananalo parin yung tawa na hindi ko mapigil-pigilan. Para na siyang basang pusa ngayon.
"Alexandra ano ba!? Malamig! — Okay! Fine! Oo na! Titigil na!"
Pinatay ko yung tubig tapos tumayo na siya dahan dahan. Feel na feel parin niya yung pag acting na akala mo tinorture siya. Yakap niya yung sarili niya habang panay ang irap sa'min dalawa.

BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)