"Nanaginip ba ako?"
Nandito parin kami sa burol. Nakaupo siya't nakasandal sa puno. Habang nakahiga ako at nakaunan sa kanya.
Abot tenga ang ngiti namin dalawa. Hindi narin namin alam kung ilan minuto na kami nakatitig sa isa't isa. Walang may gustong bumitaw.
I can hear her chest drumming.
Our hearts were beating as one. The sunset, the view, everything was just so perfect.
Hinaplos niya ang mukha ko at dinampian ng halik. "Hindi ka nananagip. Totoo na mahal kita, Alexa."
Ramdam ko yung bawat salitang pinakawalan niya. Kita ko sa mga niya mata na totoo ang lahat ng 'yon.
Ganun pa man, nandoon parin yung takot sa puso ko na paano kung nabibigla lang siya.
Ayaw ko maipit o mas mahirapan siya dahil sa papasukin namin relasyon. Dahil alam ko na hindi biro ang galit niya kay lolo.
Pareho lang kami masasaktan. Pareho kami magiging luhaan kung dahil lang sa nangyari sa'min kaya mahal niya ako ngayon.
"Bakit parang lumungkot ka?"
Umiling ako. "Si lolo." nasabi ko nalang.
Sumeryoso yung mukha niya. "Hindi ako mag sisinungaling, Alexa. Nandito pa yung sugat mula sa mga pinag daaanan ko dahil sa kanya. At buong buhay ko na siguro yon daldalhin sa puso ko. Pero ano ba ang gagawin ko kung mahal kita? Pinigilan ko naman eh. Hindi lang isa o dalawa o tatlong beses ko pinigilan. Pero ikaw talaga yung laman ng lintik na puso na ito." sabi niya bago ilipat ang tingin sa kulay kahel na langit. "Mas higit ang pag mamahal ko sayo kesa sa galit ko sa kanya. At alam ko na mas pagsisisihan ko kung mawala ka isang araw dahil pinigilan ko itong sabihin lahat sayo. Mas mag sisisi ako kung hindi ko ipararamdam sayo kung gaano kita kamahal."
Kusang umangat ang magkabilang dulo ng labi ko dahil sa sinabi niya.
She loves me. She really does.
"Mahal rin kita Malia. Mahal na mahal." Buong puso na sabi ko.
Itinaas ko yung katawan ko sa pag kakasandal sa kanya. Yakap na niya ako ngayon sa likuran habang pinanood namin yung pag baba ng haring araw.
Hindi nga ito panaginip. Totoo ito. Totoong totoo!
• • • • • 🦋 • • • • •
"Ate Lexa!" Rinig namin hiyaw ni Danielle habang papasok kami sa hasyenda. Hininto ko yung sasakyan at bumaba para lapitan ito.
Pero bago palang ako nakakatapat sa lupa ay nasunggaban na niya ako ng yakap. "Mabuti naka-uwi na po kayo! Nag-aalala po kaming lahat sa inyo." Anito.
Umupo ako para lumebel sa kanya. "May pinuntahan lang si ate. Kaya wala ka dapat ipag-alala." Tinapik ko yung ulo niya tapos hinagod yung likod niya. Humagulgol sa pag iyak ang batang paslit. "Shhh tahan na. Wala naman nangyaring masama kay ate Lexa e. In fact masaya ako doon sa pinutahan ko." Paninigurado ko sa kanya.
Tumango naman siya at pinunasan yung luha niya. Bumaba rin si Malia at inabutan ako ng panyo pang punas. Basang basa talaga yung buong mukha niya dahil sa pag-iyak.
Maya maya tinaas niya yung plastik na hawak niya. "Pinabibigay po nila Nanay. — Maraming salamat raw po sa lahat." Nakangiti ko 'yon tinggap. Mukang naibalik na nga ang sweldo nila nang mahanap si Carding at maparusahan si Nathan.
"Walang anuman. Salamat rin Danielle." sabi ko.
Tumango tango siya at ngayon ay nakangiti na ulit. "Sige po. Aalis na ako. Wag na kayo bigla bigla aalis ah! B-Bye ate Lexa! B-bye ate Camille." paalam nito bago kumaripas ng takbo pauwi. Napapa-iling ko siya tinanaw. Ang kulit nya pero napaka sweet rin talaga.
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)