CHAPTER 76

188 9 0
                                    

"WITH YOU IN MY PERFECT WORLD"

Part 76

Rebecca POV*

Ako na yata ang pinaka ma swerteng tao sa mundo. Ang swerte swerte ko tlga sa family ko, plus dinagdagan pa ng isang freen Cwente-bela sa buhay ko.

Masaya akong ipinahayag sa parents ko ang tungkol saamin ni freen, nung una kinakabahan akong sambitin iyon. Buti nalang tlga ay andun si nani na pinapalakas ang loob ko, humawak pa ito sa isa kong kamay upang ipahiwatig na andun siya sa tabi ko upang damayan ako.

Buti nalang tlga ay open minded ang family, una ay nalungkot ako sa reaction ni dad, hindi ko inaasahang matataggap parin niya ako. Ang saya² lang na taggap kayo ng family niyo both side. Hanggang sa magsalita ulit si mom upang ipahayag kung ano ang pagmamahal na dapat.

Alexa: alam mo anak,  masaya kaming nakikita kang masaya, ito lang ang maipapayo ko sayo. dapat sa pag ibig dapat maging maingat kayo ah? Palagi ninyong intindihin ang isa't isa, sa pag ibig kasi diyan mo makikita kung gaano niyo ka mahal ang isa't isa, lalo na kapag sinubok kayo ng panahon, pero mas pipiliin niyo parin ang isa't isa kasi iyon ang dapat. Tignan mo kami ng dad mo? Ipinaglaban namin ang lahat, sinubok din kami ng panahon, pero mas pinili namin nag isa't isa, kahit ang kapalit nun ay ang pamilya namin. Kaya eto kami ngayon, umayon din samin ang panahon at kayo nag naging bunga ng pagmamahalan namin.-payo nito sakin at ngumiti.

Rico: anak, eto LNG ang mapapayo ni dad ah? Dapat matapang sa lahat ng bagay ah? Kahit mundo pa ang kalaban ninyo, dapat laban lang.. wag niyong sayangin ang meron kayo, kung alam niyo sa sarili niyo na mahal niyo nag isa't isa. Anak alam kong hindi ka papabayaan ni freen, alam kong mabuti siyang tao anak, kaya kung dumating man ang panahon na susubukin kayo, mas piliin niyong unawain ang isa't isa, at lalong lalo na ipaglaban niyo kung anong meron kayo ngayon, alam kong hindi madali ang stado niyo sa buhay, alam naman natin ang kahihinatnan nito sa mga mata ng mga tao, pero anak kung mahal mo ang isang tao, handa kang hamunin ang lahat, maging masaya LNG kayo, handa kang magtiis sa sasabihin ng ibang tao dahil sa taong mahal mo, maging masaya kayo anak kung ano man ang meron sainyo, at wag na wag ninyo tlga ipagpapalit ang pagmamahalan na binoo niyo dahil LNG sa isang bagay na hindi naman sigurado. Anak maging payapang lang ah? Alam mo naman ang pinag daanan ng mommy mo dati. Pero kahit pilit nilang paghiwalayin kami ay hindi nila nagawa dahil mas pinilit naming piliin ang isa't isa. Sundan mo kung anong nasa puso mo anak, proud si daddy sayo..-pahayag nito na siyang paglumo ng puso ko.

Buti nalang tlga ay natanggap nila kung anong meron samin ni freen, buti nalang tlga ay open minded ang parents ko pati Nadin si nani.

Ang saya lang nang malaman mong taggap ng family ang stado mo sa buhay, sa wakas ay malaya na akong ipakilala si freen kila mom and dad, bukas na bukas ay yayayain ko tlga siyang mag dinner dito.

Masaya kaming nag kukwentuhan habang kumakain. Ikinwento ko ndin sa kanila kung paano ang una naming pagkikita ni freen, at paano naging kami.

Hanggang sa umakyat nadin ako sa kwarto ko upang magpahinga ndin. Tinawagan ko na muna si freen upang kamustahin ito, at ibinalita kona din sa kaniya kung anong nagyari kanina, natuwa naman ito dahil taggap KMI ng parents ko, at ibinilin kona din na May dinner kami with my family, dahil gusto siyang makausap ni dad and mom.

Pumayag naman ito na pupunta daw siya bukas ng hapon sa bahay.

Ilang minuto din kaming nag usap sa phone ng mapagpasiyahan Nadin naming matulog na muna, kasi May klase pa kami bukas.

Masaya akong ipinikit ang mga mata at iniisip kung anong magaganap bukas ng hapon, ang saya LNG sa feeling na taggap ang both sides niyo pareho.

Naka ngiti akong pumikit na di ko namalayang Naka tulog nadin ako.

TO BE CONTINUE........

TITLE: WITH YOU IN MY PERFECT WORLDWhere stories live. Discover now