CHAPTER 118

149 6 0
                                    

"WITH YOU IN MY PERFECT WORLD"

Part 118

Lea POV*

Nasa hospital ako, binabantayan ang anak ko.
Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit sa dinami-dami siya pa, kung bakit sakniya pa.

Habang pinagmamasdan ko ang anak ko, hindi ko mapigilang umiyak. Nasasaktan ako, at kinamumuhian ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang nakipaglaban ang anak ko. Hindi ko man lang naipagtanggol ang anak ko.

I'm so disappointed sa sarili ko, sana ako na lang ang nasa kalagayan niya kasi wala naman akong kwentang Inah para sa mga anak ko, hindi ko man lang kayang ipaglaban sila kay dad. I hate my self!.

"Dapat ako ang Naka hilata diyan sweetie.. hindi ikaw. I'm sorry kung naging duwag si mama ah? I'm sorry kung hindi ka naipagtanggol ni mama kay lolo, I'm sorry sweetie"

Sambit ko habang hinahawakan ang mga kamay niya at panay sapo² ng mga buhok nito.

"Alam mo baby, hinihintay Kana ng girlfriend mo. Alam mo bang hinahanap ka niya! Hinihintay ka niya,kaya gumising kana dyan,para mag kita na kayo ulit at magkasama.. alam mo bang hindi namin sinabi sa kaniya kung anong kondisyon mo ngayon? Diba yun naman ang gusto mo, yung wag ipaalam ang kalagayan mo sa ngayon. Mabuti yung ganun baby,yung ikaw mismo ang mag sabi sa kaniya kung ano ang lahat nangyayari sa buhay mo. Inilihim namin iyon kay dad na May naghihintay sayo sa Pinas. Mas mabuti kasing ikaw na mismo ang mag sabi sa kaniya, baka pagnagkataong malalaman ni dad ang totoo e. Kung ano pa nag gawin niya sa family ng girlfriend mo. Basta pag gising mo dyan baby, pupunta tayo ng Pilipinas at hahanapin natin siya. Wag kang mag aalala baby sa knya,nasa mabuting kalagayan siya. Balita ko ay nagtatrabaho siya sa Isang pinakasikat na company, yun yung company ng kaibigan ng papa mo. Alam mo bang proud² sila sa girlfriend mo, ubod sa ganda e matalino daw ito at pursigidong magtrabaho. Basta pag gising mo pupuntahan natin siya, kaya magpagaling ka ah? At kapit lang kasi maraming nag hihintay sa'yo sweetie.."

Sambit ko habang panay punas ng mga luhang kanina pangumaagos.

Ilang minuto lang ako sa ganung sitwasyon ng nahagilapan kong kumurap kurap ang mga nito.

Nabigla ako at dali² inilapitan ang mukha nito.

"Sweetie! Gising Kana?! Hahaha! Baby! Hey! Hey! Si mama to!"

Sambit ko at dalidaling itinungo ang pintuan upang tawagin ang doctor.

"Doc!? Doc?! Ung anak ko gising na ata!?"

Hanggang sa bumalik ako sa kinaroroonan niya, kita kong tumulo ang mga luha nito pa tungong tainga nito.

Rinig ang mahina niyang sambit, na para bang May tinatawag siyang pangalan.

"Re-Rebec-cca.... Re-Rebec-cca...."

Sambit nito at pinikit ulit ang mga mata nito at kita ko ding nangunot ang mga kilay nito, dahil yata sa sugat nito sa ulo. Hanggang sa nawalan ulit ito ng malay, at dumating narin ang mga doctor at nurses nito.

"Mrs Cwente-bela, labas na muna po kayo.." sambit ng Isnag nurse sakin.

Hanggang sa itinungo ko ang labas. Masaya ako dahil sa wakas ay nagising na ang anak ko. Dali² ko namang tinawag si saint at Nicole upang ibalita na gising na si freen.

Ring..... Ring....!

Lea: hello saint anak?
-mangiyak ngiyak kong sambit dito.

Saint: po? Tita?

Lea: saint! Gising na si freen..!
-masaya kong saad sa kaniya.

Saint: po! Tita! Hahaha! Sge² tita punta kami dyan! Salamat naman sa diyos!
-sayang sambit nito.

Lea:opo anak, mag iingat kayo..
-pahabol ko at ibinaba na ang phone.

Na sa labas ako na hindi mapakali, excited ako, na takot din baka mag ka deperensya ang utak niya.

"Sana! Sana, ok lang ang lahat.!"

Takot kong sambit habang balisa na sinisilip sa pintuan ang anak ko.

"Diyos sana maging maayos ang anak ko, pangako kapag gising na siya ang lahat ng pagkakamali ko ay itatama ko lahat, ibigay niyo napo muna sakin to, wag niyo Pong pababayaan ang anak ko Lord, pakiusap.."

Mangiyak-ngiyak na sambit ko habang pinagmamasdan sa kalayuan ang anak ko.

Hanggang sa humakbang papunta sa labas ang isang doctor.

Dali² ko naman tong itinungo upang tanungin kung ano na ang kalagayan ng anak ko.

Lea: doc? Kamusta po anak ko? Gising napo ba siya?

Doctor: yes mrs Cwente-bela, gising napo ang anak niyo, finally ay sinagot narin ng diyos ang panalangin niyo. But this time ay kailangan pa niyang magpahinga. Binigyan na namin siya ng gamot upang mag pahinga na muna, kita na nasasaktan siya, dahil yata sa kumikirot na sugat sa kaniyang ulo, hintayin na muna natin siyang gumising, mamaya ay ok na nag kalagayan niya kapag dadaloy na ang pain relief na tinusok namin sa kaniya.

-mahabang paliwanag ng doctor sakin.

Lea: salamat doc kung ganun. Doc ok lang po ba nag memorya niya?
Tanong ko, at huminga ng malalim ang doctor.

Doctor: sa ngayon ay hindi pa natin alam kung anong kahihinatnan nito, baka sa paggising niya ay malalaman natin yan.

Lea: ganun ba doc, sge po doc salamat.

Doctor:wag panghinaan ng loob Mrs Cwente-bela.btw I have to go Mrs, fighting lang.

Sambit nito at nag paalam na saakin. Humugot ako ng malalim na hininga at itinungo ang anak ko.

TO BE CONTINUE........

TITLE: WITH YOU IN MY PERFECT WORLDWhere stories live. Discover now