CHAPTER 119

146 5 0
                                    

"WITH YOU IN MY PERFECT WORLD"

Part 119

Lea POV*

Nasa loob ako ng kwarto ni freen na hinintay sila saint at nicole. Lubos ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil gising na ang anak ko, sa 2taon na nakaratay sa ospital ay hindi ko mapagkakaila na magising pa ito.

Minsan ay nawawalan na kami ng pag asa pa na gumising ito. Pero palagi kaming pinapaalalahanan ng doctor na wag sumuko ng lahat ng pagsubok,tibain ang nararamdaman para sa anak ko. Kaya kahit minsan ay nawawalan na kami ng pag asa, pag naiisip namin ang sinabi ng doctor ay nabubuhayan kami ulit at lumalaban para sa kaniya.

Habang pinagmamasdan ko siya ay bumabalik ang alala noong araw na accidente siya.

Masaya ako nun na umuwi dahil alam kong andun siya, marami ang ibinili kong pasalubong para sa kaniya at para kay Rebecca. Bumili din ako para sa kanila ng couple bracelets, para naman May remembrance ako sa kanila. Alam kong nandun siya at ipinagbilin Koring isama si Rebecca kasi gusto ko ding makita ang batang iyon, gusto ko siyang kachikahan. Natutuwa ako pag nakakausap ko ang batang iyon, sobrang gaan ng loob ko dun. Pero hindi daw ito sumama dahil daw maraming projects ang gagawin nila kaya si freen nalang ang umuwi ng mansion.

Masaya ako habang tinitignan ang mga regalo ko sa kanila, at masaya rin dahil makikita ko ang anak ko.

Hanggang sa nakarating na kami sa mansion, pagbungad ko ay agad kong nakita si freen na papalabas ng bahay. Curious ako kung bakit parang umiiyak ang anak ko, dahil yata nainip sa kakahintay sakin kaya nagtatampo ang anak ko.

Dali² ko naman tong sinalubong na Naka ngiti.
Bigla nalang akong nagulat ng humarap sakin at para bang galit ito. Hindi ko lubos maisip kung bakit.

Hanggang sa mag salita ito at naguguluhan ako kung anong pinagsasabi nito. Mabilis siyang nag lakad papuntang kotse nito at naiwan naman ako sa labas ng bahay. Hindi pa tlga nag si sink in sa utak ko kung anong nangyayari sa loob.
Hanggang sa itinanong ko ang si yaya kung anong ganap.. sumagot naman ito na May bisita daw si dad at parang ipapakasal daw si freen dun.

Nang marinig ko iyon ay kinakabahan ako at dali daling sinundan si freen sa labas ng mansion na nagmamaneho na.

Na tiguk pa ang isa kong heel dahil sa paghabol sa anak ko. Takot ako baka maong mangyari sa kaniya sa daan dahil panay iyak ito.

Hanggang sa hindi kona naabutan, nag sisigaw pako upang ipara niya ang kotse pero wala, mas nilakasan pa ang pag harurot nito ng kotse.

Dalig ko namang itinungo si dad.

Nabigla ako kung sino ang nandun, ang family leem. Isa na mga kasosyo ni dad sa business nito. Samang tingin ang iginawad ko kay dad. Hanggang sa iniwan ko sila, panay text ako at tawag sa anak ko pero ayaw nitong sagutin.

Nagaalala nako sa kaniya, tinawagan ko din si saint na baka andun pero wala daw. Hanggang sa sila ay nagaalala din kay freen.

Nang makaalis na nag bisita ni dad ay dali² kong itinungo si dad upang kausapin.

Lea: dad! Ano nanaman ba to? Hindi na kayo na hiya man lang ang apo niyong babae ay ipagkakasundo sa anak ng ka business partner niyo! Babae pa naman!
-bulyaw ko kay dad habang panay upo ito.

Alfonso: why? Ano namang masama dun? Apo ko so freen at kapakanan naman niya ang iniisip ko diba?
-saad nito na mas lalong nagpapainit sakin.

Lea: dad naman...! Respect naman po sa nararamdaman ng apo niyo!
-bulyaw ko dito.

Alfonso: ah basta! Ang kasunduan ay kasunduan!

Lea: sge dad! Kung yan ang gusto niyo! Pero ito ang tatandaan niyo! Kung May masama mang mangyari sa anak ko! Ikaw ang sisisihin ko dad, kakamuhian ko kayo, pag nagkataong May mangyayaring masama sa anak ko, hindi ko kayo mapapatawad.

-sambit ko saka umalis na sa kinaroroonan niya.

Rinig ko pang tinatawag ang pangalan ko pero hinayaan ko nalang iyon. Ang kailangan kong gawin ay kausapin ang anak ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan sa kaka kontak kay freen ay siyang malakas na pag buhos ng ulan sa labas ng mansion. Iniisip ko ang kalagayan ng anak ko dahil baka anong mangyari sa kaniya dahil sa lakas ng ulan sa labas ng bahay.

Balisa ako at hindi mapakali. Ilang minuto lang ako sa ganung sitwasyon ng May tumawag sakin.

Nang magsalita ang nasa kabilang linya ay bigla akong Napa upo dahil sa nararamdaman ko.

Hindi kona pinatapos pa ang sasabihin ng nasa kabila ay pagapang gapang akong itinungo ang sala na umiiyak. Tinawag ko si dad at ibinalitang na aksidente si freen.

Habang baybay namin ang kinaroroonan ng anak ko, ay sising sisi ako sa sarili ko. Umiiyak akong papalapit sa anak kong duguan ang ulo, inaawat pako ng ibang pulis pero anak ko iyon, kailangan ako ng anak ko,hinirapan ko si dad at tinitigan ng masama na panay punas ng mga luha.

Hanggang sa idinala na namin siya dito sa America.
Dito namin siya pinagamot sa sikat na hospital sa America. 2 taon din kaming nag hintay sa kaniya na sana ay gumising na siya.2 taon din kaming nagdarasal na sana ibigay pa siya ng diyos samin, hanggang sa wakas, ngayon ay ibinigay din ng diyos siya samin.

TO BE CONTINUE........

TITLE: WITH YOU IN MY PERFECT WORLDWhere stories live. Discover now