CHAPTER 112

143 6 0
                                    

"WITH YOU IN MY PERFECT WORLD"

Part 112

Freen POV*

Kulob at kidlat ang tanging karamay ko sa ngayon. Maging ang ulan ay sumasabay din sa agos ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako tutungo sa mga oras nato.

Hindi ko mawari na magiging ganun ang kahantungan ng lahat.

"Paano nako? Paano na si Rebecca? Paano na ang kami? Sh*t!

-bulyaw ko habang panay maneho ng sasakyan.

Nakita kong panay tawag ni mama sakin. Si ateh Nicole ay tumatawag ito.
Pero hindi ko ito sinasagot. Hinahayaan ko lang.

Habang punas ko ang mga luha at siya namang pag tunog ng phone ko ulit. Kita ko ay Si Rebecca tumatawag.

Dali² ko naman iyon kinuha at inilagay sa tainga.
Humugot na muna ako ng malalim na hininga staka nag salita.

Freen:h-hello l-love?
-sambit ko habang pigil ang humagulgol.

Rebecca: hi babe! Asan ka ngayon? Nagmamaneho kaba? Malakas ang ulan magiingat ka honey bunny..

-lambing nitong tugon sakin na mas lalong nagpapa ubos ng luha sa mga mata ko.

Hindi na muna ako nakasagot sa mga tanong nito. Pinapakinggan ko ang mga malalambing nitong salita sakin.

Hanggang sa mag salita ito ulit.

Rebecca: Huy? Babe? Ok lang?
-pagalala nito.

Freen: y-es lo-love.. ok lang ako.
-tugon ko habang panay tago ng hikbi ko.

Rebecca: bat parang umiiyak ka mahal? Umiiyak kaba?
-pagalala nito sakin.

Durog na durog na tlga ang puso ko nang marinig ang mga boses nito.

Becca:hey? Babe? Andyan kapa ba?
-sambit nito ulit ng nagpabalik ng wisto ko.

Freen:o-ok lang ako love.. nagmamaneho lang..
-pagsisinungaling ko dito upang hindi na mag alaala pato.

Becca: ok sgé, mag iingat ka ah? Daanan Moko sa bahay. May ibibigay ako sayo.
-lambing nitong tugon sakin.

Freen: opo.. dadaan ako dyan.. I miss you..
-sambit ko dito na panay pigil ng paghikbi na tanging luha lang ang lumalabas.

Ilang minuto akong naghintay sa mga salita niya. Dahil yata ay pinakiramdaman niya ako kaya hindi muna Naka sagot ito.

Becca: babe? Andito lang ako ah! Mahal na mahal kita babe!. I miss you too mwaaa!
-sambit nito sa kabilang linya.

Hindi na muna ako nagsalita, at ipinalayo muna ang phone sa harap ko at huminga ng malalim dahil hindi kona kayang marinig pa ang mga salitang lumalabas sa mga bibig niya. Hanggang sa ibinalik kona ito.

Freen: Lovey.? Kahit anong mangyari mahal na mahal kita ah? I love you love..

-hanggang sa hindi kona hinintay pa ang sagot nito at  ibinaba na ang tawag..

Umiyak ako ng umiyak sa loob ng kotse habang baybay ang daan patungong rebecca.

One think I know is pupuntahan ko siya sa ngayon. At napa isip ako.

"Papaano siya? Papano kami? Kung nagkataong naging ganun ang buhay ko.
Ayoko! Ayokong mawala siya sakin. Hindi ko kaya!"

-bulyaw ko habang nagmamaneho sa malakas na ulan.

Bumunot ako ng malalim na hininga. At isambit ang mga salitang iyon staka hinalikan ang kwintas na kapareho ng sakniya.
"Mahal kita rebe-- Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng namataan ko  ang rumaragasang sasakyan patungo sakin.

Nanlaki ang mata ko.

"Ahhhh!!"

Kasabay ng sigaw ko ay ang malakas na pagbangga nito sa mismong kotse ko.

Nayanig ang sasakyan, nagtalsikan ang basag na salamin at kahit Naka seatbelt ako ay humambalos parin ang ulo ko sa bintana dahil sa lakas.

Sandaling nagdilim ang paningin ko dito.

Narinig ko ang ingay na huni ng mga sasakyan. Ramdam ko ang kumikirot na sugat sa ulo ko at sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Sinikap kong magmulat at tignan ang mga nangyayari. Malabo at halos wala akong makita pero pilit kong idinilat ang mga mata ko. Kinukurap kurap Kopa ang mga ito.

Na alala ko si Rebecca ng mga oras na iyon.

" Naghihintay siya sakin. Hinihintay ako ng mahal ko.
Rebecca..."

Tanging sambit ko.

Napakislot ako sa sakit na nagmula sa tinamo kong sugat na halos hindi kona matukoy kung saang banda dahil sa daming kumikirot.

"Re-becca! Re-Rebec-cca...!"
I'm so-rry... Lo-love..🥺

Halinghing ko habang hinahawakan ang kwintas na kapareho ng nasa kaniya.

Hindi ko mawari kung anong nangyari. Hanggang sa May naririnig akong tinig ng mga tao sa kalsada.

Lalaki: naku! Yung babae!?
Girl: tulungan niyo! Tumawag kayo ng ambulansya!

Lalaki: miss! Wag kang pipikit! Miss tutulungan ka namin..

Girl: naku! Basag ung ulo niya! Nakatawag naba kayo ng ambulansya?

Lalaki: paparating na daw..

Tili nang mga taong nasa paligid ko. Habang pilit na kinukurap ang mga mata siya namang kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan mula sa taas.

Hindi ako maka galaw. Hindi ako maka hinga. Pinipilit kong sikapin ang sariling hindi pumikit ang kaso ay hindi kona kaya.

Tanging paghawak nalang sa kwintas ang tanging magagawa ko. Naalala ko si Rebecca sa panahong ito.

"Pa-patawad.. ma-h-hal..pata-ta-wad"

Tanging sambit ko at tuluyan nangang nabura ang mga paningin ko hanggang sa mawalan nako ng malay at hindi kona alam ang kasunod.

TO BE CONTINUE........

TITLE: WITH YOU IN MY PERFECT WORLDWhere stories live. Discover now