Nagising ako mula sa mga malumanay na haplos na aking nadarama sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang aking napakakisig na kapareha. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.
"You're finally awake, my love." Aniya habang masuyong nakatingin sa akin. "How are you feeling?" Tanong niya.
"I'm okay, love." Sagot ko rito na siyang napangiti sa kanya.
"I'm sorry, Cali. I should've been there for you when the Naiad attacked you." Sambit niya. Tama nga ako, diwata nga ang umatake sa'kin. "Father said the Naiad felt threatened by your presence, kaya ka niya hinila pababa. Probably because you're a vampire from other kingdom."
"W-What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Yes. Naiads feel really threatened whenever they feel presence from other kingdoms. Siguro ay mula sa ibang kaharian ang mga bampirang angkan mo." Paliwanag niya sa akin. Kaya pala gano'n na lamang ang paghila sa akin ng diwata. Marahil ay mula ako sa ibang kaharian.
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo. Inalala ko ang mga nangyari noong gabi ng aming pag-eensayo. Sobrang pagod at sakit ng aking katawan ang nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang ginawa sa akin ng Naiad.
Tumingin ako kay Levan at agad siyang niyakap. Doon ay humgulgol ako sa iyak. Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko mula sa aming pag-eensayo. Ramdam ko parin ang pagod at takot na aking naramdaman ng gabing iyon.
"I'm sorry, baby." Aniya habang marahang hinahagod ang likod ko. "I should've been there to protect you."
"My body hurts and I feel really tired, Levan." Sambit ko habang patuloy sa pag-iyak. Siya naman ay patoy sa paghagod sa aking likod habang marahan akong pinatatahan sa pag-iyak.
"I'm here, baby." Tanging sagot niya lamang. "I'm sor—"
"Mahal na Regio at Regia, ipinatatawag ho kayo ng Mahal na Rex." Hindi na naituloy pa ni Levan ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok ang isang taga-paglingkod.
Inalalayan niya akong makatayo at sumunod kami sa taga-paglingkod. Habang naglalakad kami ay hindi ko alam kung bakit nararamdam ako ng mabigat na pakiramdam. Para bang ayokong pasukin ang silid kung saan kami ipinatawag. Ilang segundo lang ng paglalakad ay pumasok na ang taga-paglingkod sa isang silid. Napapisil naman ako sa kamay ni Levan bago pumasok.
Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang isang mukhang matagal ko ng hindi nakikita ngunit mas bumata ang itsura nito.
"Papa..." Bulalas ko na siyang ikinagulat ni Levan.
Mahigpit niya akong hinapit palapit sa kanya.
"What are you doing here?" Galit na tanong ni Levan.
"Calistine, anak." Sambit niya.
Lahat ng emosyon ko ay nais sumabog. Hindi ko alam kung ako ang mararamdaman ko. Naninikip ang aking dibdib at hindi ko mawari kung paano ko kakausapin ang aking ama. Ang aking ama na ilang taon ng nangungulila si mama.
Kung gano'n ay siya ang bampira sa aking mga magulang.
"Anong ginagawa mo rito?" Inis kong tanong sa kanya dahil naalala ko na naman ang pangungulila ni mama sa kanya.
"Anak, hindi ka dapat nakikisalamuha sa pamilyang ito." Walang prenong sabi niya.
Humigpit ang paghawak sa'kin ni Levan.
"Ano?" Natatawang tanong ko. "Who are you to tell me what to do? 'Di ba, iniwan mo kami ni Mama?" Sarkastikong sabi ko.
"I have my reasons!" Sigaw niya. "You don't know what I've been throu—"
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...