Maaga ang aming paghahanda dahil tanghali ang aming pag-alis sa palasyo patungo Allardes. Nakahanda na ang lahat ng aking dadalhin kaya naman bumaba na ako upang mag-umagahan kasama ang mga Crovenia at Sulvinia.
Pagdating ko roon ay ako na lamang ang hinihintay. Umupo ako sa kanang bahagi ng lamesa malapit sa tabi ng aking ama. Katabi ko rin ang aking pinsan na si Calissa na napakadaldal hanggang sa hapag-kainan.
"Gosh, Lisa. Can't you shut your mouth for once?" Inis na sabi ni Callan sa kanyang kapatid.
"It's not like you're not used to this, Kuya." Sagot naman nito na may kasama pang pag-irap.
Palagi silang ganitong dalawa. Tila aso't pusa kung magbangayan tungkol sa napakaliit na bagay. Makulit din naman si Callan madalas ngunit hindi nito mamapantayan ang kakulitan ng kanyang nakababatang kapatid. Wala pa yatang isang beses na nagkasundo silang dalawa.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay kumatok ang isa sa aming mga tagapaglingkod.
"Magandang umaga ho sa inyo. Nais ko lamang pong ipabatid na dumating na po ang inyong mga kasuotan sa gaganaping pagtitipon mamaya." Bungad ng tagapaglingkod at halos magtatalon si Calissa sa kanyang narinig.
"They're finally here! I'm so excited, Uncle." Napakasayang sabi niya habang niyuyugyog pa ang ama kong natatawa na lamang habang kumakain.
Agad din kaming bumaba matapos naming kumain upang masilayan ang mga kasuotang aming isusuot sa pagtitipon. Nauna na nga si Calissa sa pagtingin ng kanyang saya at sa pagkakataong ito at talagang napatalon-talon na siya sa tuwa.
Hindi naging mahirap sa'kin na hanapin ang aking kasuotan dahil naiiba ito sa lahat. Kinuha ko ito at tinignan. Napansin kong tanging mga laso lamang ang nagsisilbing tela sa likod nito na siya namang ikinataka ko. Ang natatandaan kong disensyo ay hindi labas ang likod kaya naman kunot-noo akong napatitig dito.
"Love the dress, Cali!" Ani Calissa na pilyong nakatingin dito.
"It's you, huh?" Tanong ko sa kanya dahil sa itsura niya pa lamang ay halata na siya.
"Yesss, it's me. Girl! Your back is beautiful so reveal it." Aniya habang iminumuwestra pa ang aking likuran.
༝༚༝༚
Natapos na ako sa aking pagliligo at nagsimula ng magbihis. Isinuot ko na ang aking kasuotan. Isa itong lilac na saya. Labas ang aking mga balikat at may mahahaba itong manggas mula sa aking braso. Kita rin ang kaunting bahagi ng aking dibdib na mas lalong nagpaganda sa rito. Ang aking likuran na tanging tali at laso lamang ang tumatakip.
Hinayaan kong nakalugay ang aking maitim at mahabang buhok. Binuksan ko ang aking maliit na aparador sa aking lamesa upang kunin ang mga palamuti sa buhok na kulay lilac na aking natanggap sa pag-iisa ng dugo namin ni Lev nguti wala ito rito.
Tinignan ko ang aking sarili at hinayaan na lamang na walang palamuti ang aking buhok. Gamit ang mga koloreteng narito sa aking lamesa ay naglagay ako ng pampapula ng pisngi o blush kung tawagin sa mundo ng mga tao. Naglagay din ako ng pampapula ng labi o lipstick.
Kinuha ko rin ang pabangong iniregalo sa akin ni Von nang mag-isa ang dugo namin ni Lev. Mula ito sa mundo ng mga tao. Ginamit ko ito at ng pakiramdam ko ay ayos na ako ay naisipan ko ng bumaba.
Nakahanda na rin ang lahat ng amin kagamitan at isinakay na ito sa aming mga karwahe. Hindi rin nagtagal ay nagpasya na kaming umalis. Si Calissa ang kasama ko sa aking karwahe habang si Papa naman ay si Auntie ang kasama. Si Maverick at ang kanyang ama ay magkasama. Si Callan naman ay mag-isang nangangabayo patungo sa Allardes.
"Are you excited na ba?" Tanong sa'kin ni Calissa habang inaayos niya ang buhok.
"Hindi. Kinakabahan ako, Calissa." Nagpapakatotoojg sagot ko sa kanya. Sa lahat ng tao sa palasyo ay sa kanya lamang ako nakakapagkwento. Lalo na ng tungkol sa amin ni Levan.
"Girl, I know. He is gonna be there." Aniya na parang namomroblema din para sa'kin. "Tapos Maverick is gonna be your date pa. I wonder how he's gonna react."
Naalala ko na si Maverick nga pala ang aking date sa pagtitipon. Siguradong makikita niya kami. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
Ilang minuto na rin ang tinagal ng aming paglalakbay. Aabutin ng oras ang tatahakin bago marating ang Allardes. Mabuti na lamang ay may mga unan ang karwahe kaya naman komportable ang aming paglakbay patungo sa Allardes.
"Do you think, he really loves me?" Wala sa sariling tanong ko kay Calissa.
"Are you okay? You know that a vampire's love is eternal." Sagot naman ni Calissa.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin ito mapaniwalaan. Marahil ay dahil lumaki ako sa mundo kung saan ang pagmamahal ay madalas na panandalian lamang. Kung saan maraming tao ang nasasaktan. Maraming tao ang nagbubuwis sa lahat ng meron sila para lamang sa pagmamahal na hindi manpala magtatagal hanggang sa huli.
Ang pagmamahal na hanggang sa una lamang matamis at nawawala rin pag nagtagal.
"Hindi ko alam. Siguro ag lumaki lang ako sa mundo kung saan ang pamgmamahal ay napakahirap ng paniwalaan." Sagot ko sa kanya.
"How is human world? Are they really that cruel where they couldn't love unconditionally?" Tanong niya sa'kin nabahagya akong natawa.
"Humans. They are really hard to understand sometimes. Especially in love." Sagot ko sa kanya. Sa mundo ng mga tao ay napakahirap ng magtiwala sa taong gusto kang mahalin. Dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ito magtatagal.
Sana nga ay kagaya na lamang sa mundong ito. Kung saan ang pagmamahal ay magtatagal hanggang kamatayan.
"I guess human world is not as fascinating as I thought." Aniya at tumango ako bilang sagot. "Isn't it so ironic? You are in the vampire world where you can experience your eternal love. You found him but you cannot be with him." Dagdag niya na halos pumiga sa puso ko.
Nakamit ko nga ang walang hanggang pag-ibig ngunit hindi ko naman ito pwedeng panghawakan dahil mga pamilya ang nakasalalay dito.
"Ikaw talaga, Calissa. Alam na alam mo talaga pa'no ako saktan, 'no?" Pabirong sabi ko sa kanyang upang mapagaan ang usapan. Humagikgik naman siya sa tawa dahil dito.
"As Calissa should." Aniya pa kaya naman napatawa narin ako dahil sa kanya.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...