Chapter 31

1 1 0
                                    

Sumapit na nga ang dilim at ito na ang hudyat upang itakas ako ni Tiya at ni Calissa upang makausap ko ang ama ng aking dinadala. Napaalam muna si Tiya na sa aking silid muna siya matutulog upang mabantayan ako. Ibinilin niya rin na huwag na muna akong istorbohin ng kahit sino dahil kailangan ko ng pahinga para sa bata. Siya na rin ang nagprisinta na gagawa at magbibigay ng aking kakailanganin upang walang tapaglingkod ang pumasok pa sa aking silid.

"Lakasan mo ang loob mo, Cali. The baby needs you so be strong." Pangaral ni Tiya sa akin. Tumango at ngumiti ako sa kanya bilang sagot.

Napakalaking pasalamat ko dahil narito silang dalawa ni Calissa dahil kung wala siya ay baka hindi ko na alam pa ang gagawin ko sa mga oras na ito.

Tahimik at maingat kaming lumabas ni Tiya. Si Calissa ay bitbit ang aking balabal at naghihintay na sa labas ng kaharian para sa aming pagdating. Siya ang nagdala ng aking balabal upang hindi kami mahahalata kung may kung sino man ang lalabas mula sa kanilang silid. Mabuti na lamang ay maagang nagpapahinga si papa kaya naman naging madali sa amin ang paglabas ng aking silid. Ginamit rin ni Tiya ang kanyang kapangyarihan upang ikandado mula sa loob ng aking silid ang pintuan nito. Nang sa ganon ay isipin nila nasa loob lamang kami ng aking silid.

Tagumpay kaming nakalabas hanggang sa labas ng kaharian. Agad lumapit si Calissa sa akin upang ilagay sa ulo ang balaba na kanyang dala. Sumakay na kami sa nakahandang karwahe na siyang mamanehuhin ni Tiya dahil hindi kami maaaring tumawag ng kawal upang tulungan kami.

Nag-umpisa kaming maglakbay patungo sa Kaharian ng Romanov, ang lugar na hindi ko inaasahang muli kong babalikan. Wala mang kasiguraduhan kung ano ang mga maaaring mangyari pagtapos na aming muling pagtatagpo ni Levan. Ang mahalaga sa ngayon ay ang malaman niya na nagdadalang tao ako at siya ang ama nito.

Malalim na ang gabi, may kaluyaan din kasi ang Kahariang Romanov mula sa aming Kaharian. Nag-umpisa ng makaramdam ng pagod ang aking mga mata at bahagyang na itong pumipikit.

"Take a nap, Cali. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin." Sambit ni Calissa. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at matapos ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok.


Nagising ako mula sa mga mahihinang tapik sa aking balikat. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan ang paligid. Narito na nga kami sa kaharian ng Romanv. Narito na naman ang malalakas na kabog ng aking dibdib kasabay ng takot at kaba sa mga maaaring mangyari. Pumasok sa karwahe si Tiya at hinawakan ang aking kamay.

"You can do it, Calistine. Mag-iingat ka." Puno ng sinseridad na sabi niya. Hindi ko na napigilan pa ang lumuha at niyakap siya.

Huminga ako ng malalim at maingat na bumaba mula sa karwahe, lumapit ako sa isang kawal na siyang nagbabantay sa napakalaking gate ng kahariang Romanov.

"Magandang gabi po, Mahal na Regia. Ano ho't narito kayo ngayon malalim na ang gabi?" Bati ng kawal.

"Magandang gabi po. Narito po ako dahil nais ko sanang makausap ang aking kapareha." Sagot ko saka ngumiti rito.

Ngumiti rin ito pabalik at saka ako pinagbuksan ng kanilang gate.

Madali akong naglakad papunta sa palasyo. Hindi ko alam kung nasaang parte siya nga palasyo kaya naman nangangatog ang aking mga binti sa paglalakad.

Malapit na akong sa pintuan ng palasyo nang napukaw ng aking tingin ang hardin ng kanyang ina. Tinahak ko ang daan pantungo rito habang nakangiting pinagmamasdan ang mga bulaklak. Tuloy lamang ako sa paglalakad at tila ba'y hinahatak ako ng maliit na pahingahan sa loob ng hardin.

Bago pa man ako makapasok doon ay naaninag ko ang bulto ni Levan kasama ang isang babae—isang Ventura. Papasok na sana ako nang bigla siya nitong halikan sa labi. Tila ba'y pinagtutusok ang aking dibdib kasabay ng masakit na pakiramdam mula sa aking sinapupunan.

Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha habang tinatahak ang daan palabas ng kanilang palasyo. Halo-halo ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ano pa ang aking gagawin.

Mabilis na umalalay sa akin si Tiya at Calissa na alalang-alala sa akin.

"Calistine, what happened?" Alalang tanong ni Tiya ngunit wala akong masagot dito.

Patuloy parin ang pagsakit ng aking dibdib kasabay ng pagsakit ng aking sinapupunan. Until-until rin akong nahihirapang huminga.

"She's bleeding, Mom. Oh my gosh!" Sigaw ni Calissa kaya naman alala akong napatinging aking mga binti at laking gulat ko dahil napakaraming dugo ang lumalabas.

"We have to leave now, her blood will attract vampires especially that she's pregnant." Mabilis ang naging pagkilos ng mag-ina. Nakasakay na kami sa karwahe, si Calissa na rin ang nagmaneho habang patuloy lamang sa pag-agapay sa'kin ang kanyang ina.

"T-That girl..." Sambit ko habang umiiyak sa sakit na aking nadarama. "She kissed him."

"W-What?!" Gulat na sigaw ni Tiya. "Calissa, hurry! We have to get to the kingdom as fast as we can." Pag-uutos niya kay Calissa na agad din naman nitong sinunod.

"Calistine, please hold on. You might lose your baby because of what she did." Aniya na nagpagulo sa akin. "You're aware that vampires' love is eternal. If any of you did something just like what happened right now, and you're pregnant. The baby might not take it." Paliwanag niya kaya naman mas lalo akong humagulgol.

"No... Tiya, I can't lose my baby... Please." Pagmamakaawa ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

Niyakap niya lamang ako at marahan hinahaplos ang aking likuran.

Mahabang byahe pa ang aming tinahak bago kami tuluyang makarating sa aming kaharian. Pagpasok namin ay naghihintay na ang aking ama sa amin na may galit na mukha.

"Calista! Why would you tolerate something—" Alalang napatingin sa akin si Papa. "Cali? What happened?" Agad siya lumapit sa'kin. 'Ipatawag ang mga magagaling na Lamia!" Utos niya at agad na sumunod ang mga kawal.

Dinala nila agad ako sa aking silid at hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga Lamia upang gamutin ako.

"She found a Venturian girl kissed him." Tipid na sabi ni Tiya sa aking ama.

"What?! She's gonna lose her baby!" Sigaw niya kaya naman napahagulgol na naman ako sa aking mga narinig. "Gawin niyo lahat ng makakaya ninyo, mga Lamia ng Crovenia." Pakiusap ni Papa sa mga Lamia na patuloy lamang sa panggagamot sa akin.

Patuloy parin ang sakit na aking nararamdaman. Tila pinupunit ang aking dibdib kasabay ng matinding pagkirot ng aking sinapupunan.

"Kailangang mapatigil namin ang pagdurugo dahil tuluyang mawawala ang bata kung hindi ito matitigil." Paliwanag ng isang Lamia sa amin. "Isang kahangalan ang nagawa ng kanyang kapareha lalo pa't siya'y buntis. Karaniwang hindi kinakaya ng mga sanggol ang ganitong pangyayari ngunit gagawin namin ang lahat."

"Maraming salamat ho." Namimilipit sa sakit na sabi ko.

They say that a vampire's love is eternal but I don't think that it is as eternal as they thought it would be.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now