Nagising ako sa kakaibang simoy ng hangin at ibang amoy ng aking higaan. Parang amoy lalaki.
'Lalaki?!'
Mabilis akong napamulat at tumingin sa paligid. Kakaiba ang kwartong ito at nasisiguro kong lalaki ang nagmamay-ari nito base sa mga kagamitan na nasa loob, isama mo narin ang itim at malambot na kumot na siyang bumabalot sa'kin.
Naalala ko ang nangyari kagabi, mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Napakalaki ng lugar at tila mo'y isang palasyo. Bababa na sana ako nang may marinig akong pamilyar na boses.
"Please don't go out like that, honey. I don't want them to see your skin." Bungad ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa suot ko at mabilis kong tinakpan ang dibdib ko dahil alam kong wala akong suot na panloob. Inis akong humarap sa kanya.
"Saan mo'ko dinala?" Hindi ko na napigilan pang umiyak. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako dito.
Kung may bagay man ako na gugustuhin ay 'yun ang makabalik sa kung saan ako nanggaling. Ang trabaho ko at ang nanay ko, paano na ang nanay ko? Wala man lang mag-alalaga sa kanya.
"Bring me back to where you took me!" Sigaw ko habang umiiyak. "How cruel are you to just take me and not even care about my sick mom?!" Lumapit siya sa'kin ngunit pinaulanan ko lamang siya ng hampas sa dibdib at wala man lang siyang reaksyon.
"Your mother is gonna be okay, hon." Akmang hahaplusin niya ang buhok ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.
"F-ck you!" Galit kong sabi. "How can you say that? Hindi mo alam ang pinagdadaanan ni Mama. Wala kang alam para sabihin 'yan! Ibalik mo 'ko sa'min, ayoko dito." Mas lalo akong napahagulgol nang maalala ko ang kalagayan ni mama, lalo na ang nalalapit na announcement ng international contest na sinalihan ko.
"I promise you, honey. She's gonna be okay. I'm a vampire at hindi ko siya pinabayaan, Calistine." Mahinahon niyang sabi. Hindi parin ako naniniwalang bampira o ano siya. Paanong ako ang itinakda sa kanya kung isa akong tao?
"Enough with your lies. I don't even know if you're just crazy or something." Saad ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi, even if I already saw his crimson eyes I still refuse to believe he to what he says.
"I can prove you that I'm a real vampire, honey." Aniya at napairap na lamang ako. "Why don't we come in our room so that I can show you."
"Anong come in our room ka d'yan? Iuwi mo 'ko sa'min!" Hinaing ko.
"Kuya Lev!" Sigaw ng isang batang babae. Tumingin ako sa direksiyon niya at hindi maipagkakaila ang kanyang kaputian. Medyo kuloy at brown ang buhok nito at may mapupula siyang labi. "Is she your mate from the human world, Kuya?" Inosenteng tanong niya sa Kuya niyang nakangiti ngayon sa kanya.
"Yes, Wren. She is your Kuya's mate. Isn't she so beautiful?" Kinurot niya pa ang pisngi ng batang nagngangalang Wren. "Her name is Calistine, baby."
"Hello, Ate Calistine!" Masayang bati niya sa'kin at saka siya yumakap. Mapa-estatwa lamang ako dahil hindi ko alam ang aking gagawin. "Hay na'ko, I've been waiting to have another girl in this palace. It's only me kasi eh." Nakanguso pa siya habang nakatingin sa akin.
"H-hi, Wren." Maikiling sambit ko at hinaplos buhok niya na napakagulo. "Napakaganda mo naman. Bakit magulo ang buhok mo?" Tanong ko.
"Eh, kasi sila Kuya & Ama doesn't know how to fix my hair. Kaya it's always messy." Aniya habang nakaturo pa sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Hoy, I'm trying my best, silly girl." Dipensa ng kanyang Kuya. "Don't give Ate Cali a bad impression of me, baby."
"I'm just saying, Kuya." Umirap pa ito sa kanyang kuya. Inayos ko ang kanyang buhok at initali ito ng walang gamit na anong mang panali. "Wow! You tied my hair, Ate. Thank you!" Masayang sabi niya at yumakap ulit sa'kin. Bahagya pang nagningas ang mga mata niyo dahil sa sobrang kasiyahan.
'Totoo ba? Totoo bang nasa mundo ako ng mga bampira na kailanman ay hindi ko pinaniwalaan.'
Umalis na rin si Wren nang sinabi ko na nais ko munang magpahinga. Pumasok na ako sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina. Mabilis kong isinara ang pinto upang hindi makapasok ang Lev na 'yon.
Akmang tatalikod na sana ako mula sa pintuan nang magulat ako sa nilalang na nasa likod ko.
"Are you avoiding me, Cali?" Gulat akong napaharap sa kanya dahil napakalapit ng mukha niya mula sa aking tenga.
Umirap lang ako dito at humiga sa higaan. Umiyak lamang ako nang umiyak. Hindi ko alam kong totoo ba itong nangyayari sa'kin. Sana ay nananaginip na lamang ako at makaraan ang ilang oras ay magigising din. Humahagulgol na ako sa kakaiyak dahil naiisip ko si mama. Kamusta na kaya siya? Sino kaya ang mag-aalaga ka sa kanya? Kumain na kaya siya? Nalinisan na kaya siya at ang mga sugat niya?
Ang trabaho ko? Hinahanap kaya nila ako? At ang mga client ko na maaaring magpagawa sa akin?
Dahil sa nilalang na may kulay pulang mata ay nasira na yata ang buhay ko. Gusto ko lamang mamuhay ng normal.
Naramdaman ko ang paglubog ng bahagi ng kama sa likuran ko. Maingat na ipinatong ni Lev ang kanyang kamay sa aking balikat.
"I'm sorry, Calistine. I can't take you back to where you came from." Saad niya. "Not right now that I finally got to see my mate. Not right now that you made me believe in love. Not right now where you're making me crazy. Not right now, my love."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako o magagalit o malulungkot.
"Hindi kita kailangan. Maayos ang buhay ko sa mundo ko." Walang buhay na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil niya sa aking balikat. "Hindi ko alam kung anong kailangan mo sa'kin. Kung bampira ka man, oh edi bampira ka." Ani ko.
"Cali..." Malungkot na tawag niya sa'kin. "Please don't be too harsh on me. I know this is a huge adjustment for you but I will never hurt you, baby." Sambit niya at nabigla ako nang bigla niyang hatakin ang bewang ko papalapit sa kanya. "I love you, Calistine." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
Naguguluhan ako. May kung ano sa akin na gustong maramdaman ang mga pagdampi ng aming mga balat na parang kumukuryente sa akin. Pero mas nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya. Ayoko na iwanan ang mundong kinalakihan ko.
"Ibalik mo na'ko. Ayoko rito. Ayoko sa'yo." Tipid kong sagot.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...