Chapter 2

17 6 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas mulang nang maisipan ni Calistine ang mag-apply. Halos mawalan na siya ng pag-asa dahil ni isa ay wala paring tumatawag sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nagustuhan o kaya nama'y hindi niya naabot ang qualifications ng mga trabahong pinag-apply-an niya.

Nawawalan man siya ng pag-asa ay hindi namang nakakalimutang alagaan at paliguan ng pagmamahal ang kanyang ina. Nahihirapan man siya sa sitwasyon nila sa ngayon pero hindi niya parin hahayaan na maramdaman ito ng kanyang ina.

Kung hindi lang sana sila iniwan ng kanyang ama ay hindi sila hahantong sa ganitong sitwasyon ngayon.

"Anak, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa'kin." Nakangiting sabi nb kanyang ina habang binibihisan niya ito.

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat, Ma." Hiniwakan niya ang kamay nito at tipid siyang ngumiti.

"Kung darating ang panahon na papipiliin ka ng tadhana, sana ay 'wag kang mag-atubili na piliin ang sarili mo, Anak." Napakunot ng noo si Calistine sa sinabi ng kanyang ina.

"Bakit kailangan kong mamili, Ma? Kung pwede naman na piliin ko ang sarili ko at pati ang ina ko." Nakangiti siya ngayon sa kanyang ina. Sa t'wing darating sila sa ganitong klaseng usapan ay parati niya ito iniiwasan. Natatakot siya na baka iwan na siya ng kanyang ina.

"Balang araw ay maiintindihan mo rin, Anak." Hinawakan siya nito sa kanyang mukha. "Hindi man sa ngayon ngunit nasisiguro kong paparating na iyon."

Hindi niya maintindihan ang kanyang ina. It's like her mother is trying to tell her something but she couldn't get what she's trying to say.

Natigil ang kanilang pag-uusap nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Sagutin ko lang, Ma." Aniya at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang telepono.

"Good morning, this is Calistine. Who's this?" Bati niya nang sinagot niya ang tawag.

["Good morning, Ms. Calistine. I am Ms. Mary from the department store that you applied to as a cashier."] Ani ng babae mula sa kabilang linya.

["We would like to let you know that you passed."] Halos magtatalon siya sa tuwa sa kanyang narinig.

["We will send you an email that contains all the documents that you have to submit before you can finally start working on working with us. Please, visit our department store on the said date that you'll receive from your email so that we can discuss everything."] Hindi na napigilan magtatalon ni Calistine sa sobrang saya. Akala niya kasi ay kakailanganin na naman niyang maglakad-lakad at mag-apply muli.

"Thank you so much, Ms. Mary. I will wait for the email to be sent to me so that I can compile all the documents that I have to submit. I'm so happy to be working with you." Masayang sambiy niya.

["Thank you, Ms. Calistine. We will be looking forward into working with you."] Natapos ang tawag na masayang masaya ni Calistine.

Agad niyang pinuntahan ang kanyang ina upang ibalita sa kanya na may trabaho na siya. Natuwa naman ang kanyang ina dahil sa sobrang excitement niya. Tinawagan niya rin ang kanyang kaibigan na si Hexine na siyang nagrekomenda sa kanya. Nagpasalamat siya rito at masaya siyang makakasama niya ito sa trabaho.

Natanggap niya na rin ang email matapos ang ilang minuto. Naglalaman ito ng mga dokumento na kailangan niyang ipasa at ang schedule kung saan ipapaliwanag ng maigi sa kanya ang kanyang magiging trabaho. Bukas ka agad ang schedule nito kaya naman mas lalo siyang nasiyahan. She couldn't express the excitement that she's feeling right now. All she knows is that it's finally gonna a lot easier for her and for her mother.

༝༚༝༚

Hindi pa tumutunog ang alarm ni Calistine ay nagising na siya. Sobrang saya niya ngayon araw dahil hindi na siya makapaghintay na makapagtrabaho upang mas mapadali niya ang gastusin. Kailangan na rin kasing bumili ng bagong laptop dahil medyo luma na ang kanyang laptop at pumapalya na ito.

Nakahanda na rin ang mga dokumentong kailangan niyang ipasa. Maaga ring nagising ang kanyang ina kaya naman maaga niya rin itong naasikaso. Inihanda niya ang lahat ng maaaring kailanganin ng kanyang ina habang wala siya. Hirap mang makatayo ang kanyang ina ay kinakailangan niya itong iwan dahil hindi niya kakayanin kung kukuha siya ng tagapag-alaga. Inihahanda niya na lamang ang lahat ng kailangan ng kanyang ina sa isang lamesa sa tabi ng higaan nito.

"Good luck sa trabaho, Anak." Masayang sabi ng kanyang ina na higit na nagpangiti sa kanya.

"Thank you, Ma. Pangako, kapag nakaluwag-luwag, hindi kana mag-iisa tuwing wala ako." Aniya at niyakap ang ina.

Pagtapos ni Calistine sa lahat ng kanyang gawain ay napagpasyahan na niyang umalis dahil may ipapa-print pa siyang dokumento.

Nag-abang na siya ng bus upang makapunta sa kanyang patutunguhan. Ilang araw pa ay magiging ganito na ang routine niya. Hindi na siya makapaghintay pa na mas lalong gumaan ang mga gastusin niya.

Ilang minuto pa ay naka-para na siya ng bus. Matagal-tagal din ang byahe nito dahil malayo-layo din ang lokasyon ng department store mula sa kanilang munting tahanan. Dumaan muna siya sa isang computer shop malapit dito upang maipa-print ang dokumentong kailangan niyang ipasa.

"Girl! OMG, excited na'ko makatrabaho ka." Masayang bungad ni Hexine nang makita niya si Calistine.

"Girl, excited na rin ako. Pagkasweldo ko, kumain tayo agad sa labas." Masaya at natutuwang sambit niya.

"Napaka-aga mo naman, girl. Kakabukas palang namin." Sambit ni Hexine habang inaayos iilang paninda nila na nagulo.

"Mas okay nga 'yun, dear. At least, matutulungan kita sa ginagawa mo." Ibanaba at itinabi niya muna sa baggage area ang kanyang mga gamit. Nasa isa't kalahating oras pa kasi ang dating ni Ms. Mary na siyang hahawak sa kanya.

"Na'ko, salamat ah? Isa 'to sa mga nakakapagod sa araw-araw na trabaho ko." Saad ni Hexine habang maiging nag-aayos ng mga produktong pang-katawan na gulo-gulo.

"Mga ilang araw pa, kasama mo na'ko araw-araw para mag-ayos ng mga 'yan." Birong sabi niya.

Ilang minuto pa silang nag-ayos at may mga costumer ng dumating kaya naman mas naging busy si Hexine. Tahimik lang na nakaupo si Cali habang naghihintay kay Ms. Mary. Dumating na din ito makailang minuto ang lumipas.

Nag-umpisa na rin si Ms. Mary na i-discuss ang magiging trabaho ni Calistine. Inilibot din siya nito upang mas masanay na siya sa pasikot-sikot ng lugar.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now