Ilang minuto na rin ang itinatagal ni Levan. Daig niya pa ako kung maligo dahil napakatagal niya.
Humiga na lamang ako habang iniisip ang mga pangyayari na hanggang ngayon ay hindi ko parin mapaniwalaan.
Naramdaman ko ang pagningas ng aking mga mata at ang pagtulis ng aking mga pangil. Ang unang simsim at pagkauhaw ko sa dugo na dapat ay kadirian ko ngunit taliwas ito sa aking iniisip.
Hindi parin ako makapaniwala. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagkauhaw ko sa kanya. Ang amoy niya ay para bang hinihikayat ako na kumagat sa bawat parte ng makikisig niyang katawan.
Hindi parin ako makapaniwala na isa akong bampira.
Tatayo na sana ako dahil napagpasyahan kong lumabas muna ng aming silid para magpahangin nang may maramdaman akong kakaibang presensya na nagpakaba sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na hindi ko pa kailanman naranasan sa aking mundo.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman lumapit ako sa banyo at tinawag si Levan.
"Lev..." Tawag ko sa kanya. Narinig ko naman ang paggalaw ng tubig.
"Yes, hon?" Sagot niya. "Na-miss mo na ba ako agad?" Aniya at napairap na lamang ako.
"Matagal ka pa d'yan?" Tanong ko na kunwari ay kaswal lamang akong nagtatanong. "Nabuburyong na kasi ako, wala akong makausap." Pagsisinungaling ko.
"Just a few minutes more, baby." Aniya. Hindi na ako sumagot at bumalik na sa higaan.
Ramdam ko parin ang takot. Kahit na wala na ang presensyang nagpakaba sa'kin ay hindi ko parin maiwasang matakot lalo pa't hindi ko naman alam ang lugar na ito.
Maya-maya pa ay lumabas na si Levan. Halos mapahaglpak ako sa tawa dahil sa itsura niya. Ginaya niya kasi ang pagtatapis ko kanina nang matapos akong maligo. Nakarolyo din ang isang panapis sa kanyang ulo kagaya ng sa akin.
'Akala mo naman, long hair siya.'
"Bakit ka nakaganyan?" Tanong ko habang pinipigilan ang aking pagtawa.
"What? I'm trying to learn how you do it." Inosenteng sambit niya. "Tama naman 'to, 'di ba?"
"Yes, tama naman 'yan pero usually babae lang ang ganyan magtapis." Sagot ko na nagpakunot naman ng kanyang noo. "Ang mga lalaki sa'min, nagtatapis lamang sila mula sa kanilang baywang at hindi sila naglalagay ng twalya sa ulo."
Mabilis niya namang inayos ang kanyang sarili at tumambad sa akin ang matipuno niyang katawan. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina kung saan hindi lang ang matitipuno niyang braso at katawan ang nakita ko kung hindi pati ang kanyang kaibigan.
Gan'on ba talaga kalaki ang mga bampira? Kasi nakakatakot, ang laki.
Napailing ako sa aking naisip. Bakit ko ba pinagp-pantasyahan ang katawan niya?
"Hey, naakit ka ba ng katawan ko?" Aniya habang nakatingin sa'kin.
Inirapan ko lamang siya.
"Magbibihis ka na ba? Lalabas muna ako para makapagbihis ka." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.
"It's okay, I can dress up over there." Aniya at itinuro ang espasyo na natatakpan ng kurtina sa tabi ng kanyang kabinet. Tumango na lamang ako at hinintay siyang matapos.
Nakahiga lamang ako sa kama at maya-maya pa ay naramdaman ko na ang paglubog ng bahagi ng kama mula sa likuran ko.
"How are you, my love?" Tanong niya nang tuluyan siyang makaupo sa kama.
"Ayos lang. Kanina ka pa tanong ng tanong, ah." Sambit ko dahil kanina pa siya tanong ng tanong kung kumusta o okay lang ba ako.
"Alright, I'll just go ahead and talk to my father. I'll say that you're not feeling well and you cannot meet him at the moment." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Maya-maya pa ay humalik siya sa aking ulo at tumayo.
Palabas na sana niya nang pigilan ko siya dahil naalala ko na naman ang takot at kabang naramdaman ko kanina.
"Levan." Tawag ko sa kanya at mabilis naman siyang tumingin sa aking gawi. "P'wede bang bumalik ka dito pagkatapos mo? Ayoko kasing lumabas e."
Lumapad ang ngiti niya sa mga sinabi ko at mabilis naman siyang tumango. Lumabas na rin siya ng kwarto para tumungo sa kanyang ama na tinatawag nilang Rex.
Ilang minuto pa nakaramdam ako ng pagka-antok. Kaya naman pinili ko munang matulog.
༝༚༝༚
Nagising ako sa mahihinang tapik sa aking braso.
"My love..." Pagtawag sa akin ni Levan habang marahan akong tinatapik.
"Hmm?" Sagot ko habang kinukusot ang mga mata ko.
"I got you something, honey. You might be hungry. I bought blood just in case you're thirsty." Aniya kaya naman tumingin ako sa gawi niya.
May mga dala siyang prutas at isang kopita ng dugo. Agad naman akong nakaramdam ng pagkauhaw. Umupo ako at inabot niya ang tray sa akin.
"Salamat." Mahinang sabi ko at nagsimulang kumain.
Nakatingin lamang siya sa'kin at nakangiting pinapanood ako sa pagkain. Paminsan ay ngumanganga siya at nagpapasubo ng ubas sa akin.
Inabot ko ang kopitang may lamang dugo dahil hindi na kinakaya ng aking katawan ang pagkauhaw ko. Akmang iinom na sana ako mula rito nang bigla siyang magsalita.
"Don't you wanna taste a much fresher one?" Tanong niya at alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Umirap lamang ako at uminom. Ang dugong ito ay hindi kasingsarap at tamis ng unang dugong natikman ko. Hindi ito katulad ng dugo ni Levan kaya naman halos ko ito inubos. Parang mapakla din kasi ang lasa nito kumpara sa kanyang dugo.
"Kanino 'to?" Tanong ko.
"Galing sa mga hayop 'yan. Isa sa mga pangunahing iniinom ng mga bampira lalo na ng mga walang kapareha." Aniya at halos madura ko ang dugong nainom ko. "Dapat kasi, sa'kin nalang." Mahinang sabi niya ngunit sapat na upang marinig ko.
Hindi parin naiibsan ng dugong nainom ko ang aking pagkauhaw kaya naman hinablot ko ang kanyang braso at kumagat doon.
Napakatamis ng kanyang dugo. His blood makes me feel hot and makes me want to crave for more.
"C-Cali..." Mahinang tawag niya sa akin na siya namang mas lalong nagpainit sa'kin. "A-Ahh..." Pag-ungol niya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nagniningas ang aking mga mata at may kakaibang pag-iinit akong nararamdaman.
"Hmm, C-Cali..." Pagtawag niya at napapisil pa siya sa aking hita.
Patuloy lamang ako sa pagkagat at paginom mula sa kanya. Tila nababaliw ako sa bawat paglagok ko sa kanyang dugo at hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili.
Napahawak ako sa kanyang ulo at marahan sinabunutan ang kanyang buhok. Iginiya ko ang kanya ulo sa aking leeg at naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang mga pangil dito kasabay ng mas lalong pag-init ng aking pakiramdam.
Napabitaw ako mula sa pagkakagat sa kanyang braso nang agresibo siyang sumimsim ng dugo mula sa aking leeg. Tila ba may sariling isip ang aking katawan at ang mga impit na ungol ko ay maririnig mula sa aming silid.
"L-Levan..." Pagtawag ko sa kanya at marahan niyang pinisil ang aking bewang habang patuloy na sumisimsim ng dugo mula sa aking leeg. "U-Ugh..." Ungol at napasabunot sa kanyang buhok.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...