Ilang oras ding nanatili sila Papa bago nila napagpasyahan bumalik na sa mundo ng mga bampira. Sila na rin ang nagpaliwanag kay mama sa naging sitwasyon ko at ng magiging anak ko.
Sayang nga at hindi sila maaaring manatili pa ng mas matagal dahil kailangan sila sa aming kaharian. Nangako naman si Papa kay Mama na bibisitahin niya kami paminsan-minsan. Noon una nga ay hindi pa gustong pumayag ni Mama dahil alam niya ang mga responsibilidad ni Papa sa Crovenian pero napilit din siya ni Papa sa tulong ni Tiya.
Nakahiga na ako ngayon sa aking silid habang pinagmamasdan ang paligid nito. Dumako ang aking mga mata sa isunulat ni Levan sa aking board at bigla ko tuloy naalala nang unang beses kong masilayan ang mga nagniningas niyang mata.
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Hindi ko na dapat pang isipin siya dahil pasasaan pa't wala din naman itong kahahantungang mabuti.
Nilibang ko na lamang ang aking sarili at kung ano ano ang kinakalikot sa aki ng silid. Napatigil ako nang makita ko ang laptop na palagi kong ginagamit sa paggawa ng layout at edits sa t'wing may mga gawa ako.
Agad ko iyong binuklat. Habang hinihintay ko itong bumukas ay naalala ko na bago pala ako mapadpad sa Romanov ay may hinihintay akong resulta mula sa sinalihan kong programa.
Bigla ko tuloy naisip—paano kung hindi ako napadpad sa mundo ng mga bampira? Naituloy ko kaya ang pangarap ko?
Bumukas na ang aking laptop at dali-dali akong nagtungo sa mga email upang tignan kung nakatanggap ba ako ng updates mula sa kanila.
May email akong natanggap mula sa kanila mahigit isang taon na ang nakalilipas. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako habang binubuksan iyon.
'Ms. Valsena Calistine, we are thrilled to inform you that you have been accepted to the program that you've applied to. Please, give us a call to this number +**-8888-888 whenever you're available. We are looking forward into working with you.'
Halos mahulog ang panga ko sa unang email na binuksan ko. Natanggap ako sa kompanyang pinapangarap ko ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipagpatuloy ito. Binuksan ko ang kasunod na email na mula sa kanila.
'Greetings. We are still waiting for your confirmation regarding the acceptance email that we've sent you. Please let us know if you are still interested with our program so that we can discuss further details.'
Hindi ko alam ngunit nakita ko na lamang ang sarili ko na umiiyak. Siguro ay kung hindi ako umalis ay natutupad ko na ang pangarap ko.
Siguro ay mas masaya ako ngayon.
MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Malaki na rin ang aking tiyan. Kagaya ng sabi ni Tiya, mas mabilis ang pagbubuntis ng mga bampira kaysa mga tao. Si Mama naman ay walang sawa sa pag-aalaga sa'kin. Madalas la ay ayaw na niya akong patayuin sa higaan dahil baka mapano raw ang ipinagbubuntis ko. Naikwento din kasi ni Calissa ang nangyari ng gabing magpunta ako sa Romanov kaya naman mas lalong nag-alala si Mama para sa amin.
Madalas pa ay cina-cancel niya ang mga naka-schedule niyang photoshoot dahil wala raw akong kasama. Kaya naman ilang raw din kung manatili si Papa dito sa tuwing bumibisita siya. Hinahayaan niyang makapagtrabaho si Mama ng maayos habang bumibisita siya. Naglagay din ng mga pananggalang at orasyon si Papa upang mas makampante si Mama.
Sa susunod na buwan ay manganganak na ako. Mabuti na lamang ay may dugo akong tao kaya naman tao kong ipapanganak ang aking sanggol. Nasisiyahan na nga ako dahil nalalapit na ang paglabas niya. Nag-day off din si Mama upang masamahan kami ni Papa na mamili ng mga gamit ng aking anak. Hindi rin kasi alam ni Papa kung ano ang dapat bilhin kaya kailangang kasama si Mama.
Hindi man nangyari ang mga bagay na inaasahan ko ay nakakatuwa paring makitang muli na parang isang normal na pamilya na kami ulit nila Mama. Dati ay palagi ko lamang wish sa kaarawan ko na mabuo ulit ang pamilya namin. Ngayon ay buo na kami ulit at madadagdagan pa ng isa.
Napakaraming nangyaring hindi inaasahan. Nakaparaming luha, sakit, tawa at saya ang aking naranasan mula dito sa mundong ito hanggang sa mundong hindi ko lubos maisip na aking masisilayan. Napakaraming bagay kong natutuhan mula sa lahat ng pangyayari na siyang nagbigay liwanag sa aking buhay.
Sana ay ganito nalang palagi. Hindi man kumpleto ang magulang ng magiging anak ko ay kumpleto naman siya sa pagmamahal mula sa aking pamilya na walang sawang naka-agapay at sumusuporta sa amin. Gusto ko na habang siya'y lumalaki ay hindi niya maramdamang may kulang sa kanya, na may mali sa kanya, na bakit wala ang kanyang ama. Gagawin naming lahat upang maiparamdam sa kanya ang kunpletong pagmamahal kung saan hindi niya mararamdaman ang mga bagay na akin ding naranasan.
Ipaparamdam namin sa kanya na anuman ang mangyari ay narito lamang kami para sa kanya. Ang mga bagay na naranasan niya habang siya'y nasa aking sinapupunan pa lamang ay sobra na. Hindi ko hahayaang masaktan siya kagaya ng ginawa ng kanyang ama.
Hinding-hindi ko hahayaang makalapit sa kanya ang lalaking naging dahilan kung bakit muntik na siyang mawala sa akin. Gayunpaman, kung wala ang lalaking iyon ay hindi ko mararanasan ang maging isang ina ng aking magiging anak. Nagpapasalamat parin ako dahil alam kong nabuo ang aking anak ng puni ng pagmamahal. Kaya naman hindi ko hahayaang masaktan siya bagkus paliliguan ko siya ng pagmamahal na kanyang magiging sandata sa mga nais manakit sa kanya. Ang aking pagmamahal ang siyang magbibigay lakas at proteksyon sa kanya.
Ipinapangako ko 'yan, anak.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...