Chapter 21

4 4 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang mga nangyari. Narito na ako ngayon sa Kaharian ng aking ama—ang Kahariang Crovenian.

Higit na mas mainit ang klima rito kumpara sa Kahariang Romanov dahil mas napalilibutan ng katubigan ang kahariang iyon kaysa rito.

Madalas ay nangungulila parin ako para sa aking kapareha ngunit hindi ko iyon hinahayaan na manaig. Alam kong sa una lamang ito, makaraan ang ilang buwan ay lipapas din.

Pagdating ko sa kahariang ito ay agad akong ipinakilala ng aking ama bilang Regia o Prinsesa ng Crovenian. Ito nga ang lugar ng mga manggagamot dahil maraming kagubatan ang kahariang ito. Kaya naman bilang isang Crovenian ay nagsimula na rin ang mag-aral tungkol sa panggagamot.  Dahil sa mga kagubatang nakapalibot dito ay napakaraming halamang gamot ang gamit nagagamit. Nakilala ko rin si Medela Teresita, isa siyang manggagamot at siyang tumutulong sa'kin upang matuto. Medela ang tawag ng mga Crovenian sa mga manggagamot dito.

Ayaw rin ni Papa na mag-aral pa ako ng panggagamot dahil isa naman daw akong Regia ngunit mariin ko itong ipinilit sa kanya. Nais ko kasing makatulong sa aming mga mamamayan na may mga sakit dahil hindi naman uso sa mundo ito ang mga Duktor.

"Pigain mo nang maigi ang mga dahong 'yan upang lumabas ang kulay ubeng katas nito." Turo ni Medela Teresita sa akin. Ngayon ay gumagawa kami ng gamot para paunang lunas para sa mga bampirang nakikipaglaban.

Tumatango lamang ako sa lahat ng sasabihin niya. Sa araw-araw ay napakarami ko ng nalamang halamang gamot. Ayon sa aking ama, nalalapit na raw ang aking oras upang tuluyang matuklasan ang aking mga kakayahan bilang isang Crovenian. Matutuklasan ko na rin ang aking kapangyarihan bilang isang lamia. Lamia ang tawag sa mga witch o mangkukulam na gumagawa ng mabuti. Bruha naman ang tawag sa mga kagaya ng mga mangkukulam na siyang nanggulo sa pag-iisang dugo namin ni Levan.

Bigla na naman tuloy sumagi sa aking isipan ang imahe ni Levan. Kamusta na kaya siya ngayon?

'My love...'

Isang boses mula sa aking isipan. Ngunit nasa malayo na ako ngayon at tiyak kong hindi na niya naririnig pa ang sinasabi ng aking isipan.

'I still do, Calistine.'

Na-estatwa ako sa aking narinig mula sa aking isipan. Gustuhin ko man siyang kausapin ay may galit at sakit parin sa aking puso. Lalo pa't sila ang dahilan kung bakit nawala ang aking Lola at naghirap kami ni Mama.

'Calistine... Talk to me, Baby.'

Siguro ay kailangan ko ng mapag-aralan kung paano ko maisasara ang koneksyon ng aming isipan dahil kung hindi ay baka mabaliw ako sa t'wing maririnig ko na lamang bigla ang kanyang boses.

'Cali... I love you, My love.'

Pinilit kong hindi na pansinin pa ang boses niya mula sa aking isipan at mas piniling tumutok sa aking ginagawa. Tumigil din naman siya makaraan ang ilang minuto.

"Mahal na Regia, masama ba ang iyong pakiramdam?" Alalang tanong ni Medela Teresita nang mapansin niyang kanina pa ako tahimik.

"Ayos lang po ako." Tanging sagot ko lamang pagtapos ay ngumiti.

ILANG oras din ay natapos na kami sa pag-gawa ng mga halamang gamot kaya naman napagpasyahan ko ng umakyat sa aking silid. Paupo na sa ako sa aking upuan upang magbasa nang mapansin ko ang isang kuwago sa aking bintana. May dala-dala itong papel at naghihintay na mapansin ko.

Agad kong kinuha ito at binuklat. Hindi na ako nagulat nang makitang galing ito kay Lev.

'Calistine,
I miss you, My love. I hope you can let me talk to you. I badly wanna see you, Calistine. Please, come back to me.'

Hindi ko namalayan ang mga luhang malayang kumawala mula sa aking mga mata. Bakit kung kailan mahal ko na siya ay doon pa kami pinaglaruan ng tadhana? Nais ko man siyang makausap at makasama, tiyak akong hindi ito magugustuhan ni Papa. Lalo pa't ang aming mga angkan ay matagal ng magkalaban.

Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin si Levan. Lalo pa't isa siyang Romanov. Ang angkan na siyang nagpamiserable ng aking buhay.

Itinupi kong muli ang sulat at inilagay ito sa aking aparador. Hindi lang ito ang unang beses na nagpadala sa akin ng sulat si Levan. Siguro ay sa ibang panig ng kalawakan ay magkasama kami, dahil sa mundo ng mga bampira ay hindi maaaring maging kami kahit pa na itinakda kami para sa isa't isa.

Inihanda ko ang isang papel at ang aking pluma. Nagsimula akong sumulat para sa kanya. Sa t'wing susulatan niya ako ay nagsusulat din ako pabalik ngunit hindi ko ito ipinadadala sa kanya. Dahil ayoko ng magkagulo pa ang dalawang kaharian.

༝༚༝༚

Isang araw na naman ang lumipas sa aking pag-aaral tungkol sa mga halamang gamot. Unti-unti ay natututuhan ko ng mag-isang gumawa ng mga gamot na magagamit ng mga Crovenian.

Hindi na ako makapaghintay pa na maging isang ganap na Medela kung saan magiging isa ako sa mga Medelang kayang magbigay ng lunas sa mga nangangailangan nito. Laking pasalamat ko dahil palaging narito si Medela Teresita upang umagapay sa akin. At kasama na rin si Papa. Sinong mag-aakala na ang isang graphic designer sa mundo ng mga tao ay isang bampira—hindi lang bampira kung 'di isang Regia o Prinsesang bampira at ang ama ko'y isang hari.

Kamusta na kaya si Mama? Tiyak kong nangungulila na siya hindi lamang sa'kin kung 'di pati kay Papa. Kaya siguro hindi niya magawa magalit sa kanya dahil alam niyang kailangan ni Papang bumalik sa mundong ito para sa kanilang kaharian. Kaya pala gano'n na lamang ang pangungulila niya kay Papa.

Sana ay magkaroon ng pagkakataon na makita ko siyang muli. Alam kong malabo iyon dahil tanging si Wren lamang ang may kakayahang maipakita ang nangyayari sa ibang dimensyon.

Napapaisip tuloy ako kung makababalik pa ba ako sa mundo ng mga tao. Kung mayayakap ko bang muli si Mama. Kung masisilayan ko muli siya sa larangang hilig niya. Sana ay magkaroon muli ako ng pagkakataong masilayan siyang muli.

'Sana makita kita ulit, Ma.'

Crimson EyesWhere stories live. Discover now