Chapter 32

1 1 0
                                    

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa aking bintana. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tinignan ang paligid ng aking silid.

Naroon parin ang mga Lamia kasama ang aking pamilya na tila mo'y masuyong naghihintay sa aking paggising.

"Magandang umaga." Tipid kong bati sa kanila.

"Kumusta ang iyong pakiramdam, Regia?" Nakangiting tanong sa akin ng isang Lamia'ng may katandaan na.

"Ayos naman na po, medyo masakit lang po ang ulo ko." Sagot ko.

"Mabuti naman at ayos na ang pakiramdam mo. Kinakailangan na mas maging maingat ka dahil maaaring maka-apekto ito sa bata." Paliwanag niya sa akin.

Tila nawalan ako ng tinik sa dibdib nang masiguradong ligtas ang aking anak. Hindi ko yata alam kung ano ang aking gagawin kung tuluyan siyang nawala sa akin.

"Maraming salamat ho. Kung hindi po dahil sa inyo ay nasa panganib na ang aking sanggol." Taos puso kong pasasalamat sa kanila.

"Hangga't maaari ay panatilihing payapa at masaya ang kapaligiran niya dahil ang bata ay higit na maaapektuhan sa mangyayari sa kanyang ina lalo pa't nagtaksil ang ama nito." Marami pang mga ibinilin ang mga Lamia bago tuluyang lumisan. May mga halamang gamot din silang iniwan na makatutulong sa aking pagbubuntis.

Pagkatapos ng aking nasaksihan kagabi ay hindi ko alam kung paano ako muling magsisimula. Tila bawat sulok ng mundong ito ay naaalala ko lamang ang mga alaala naming dalawa.

"Calistine, you should eat. Your baby needs it." Utos ni Papa saka inabot sa akin ang mga masusustansyang prutas.

Tahimik lamang ako sa aking pagkain habang nakamasid at tulala sa bintana ng aking silid.

Habang nakamasid ay bigla ko na lamang naisip si Mama. Bigla na lamang siyang sumagi sa aking isip.

kumusta na kaya siya?

namimiss niya kaya ako?

magiging lola na siya.

Napatingin ako sa gawi ni Calissa dahil sa pagtapik niya. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang aking luha.

"Papa..." Mahinang tawag ko sa aking ama. "I wanna go back to mom." Deretsong sabi ko sa kanya na siyang nagpatigil sa kanya.

"What?" Naguguluhang tanong niya. "But you're pregnant with a vampire, Calisitine."

"Pa, I just wanna be with mom." Naiiyak na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ay gusto ko siyang makasama.

"We should let her go, Caldemir." Pakikisali ni Tiya sa usapan. Mahal na mahal ko talaga siya, palagi niya akong ipinagtatanggol. "She's a half-human, I'm sure her baby would be one too. If she's gonna give birth in the human world, the baby will live like a human." Paliwanag ni Tiya. Mapait akong ngumiti sa kanya. "I knew all of this because I've always read about it since the time that you left her with her mom." Naalala ko tuloy ang biglaang pagkawala ni Papa sa mundo ng mga tao. Akala ko ay nambabae siya at ayaw niya na kami ni Mama.

"But Calistine needs to drink blood like vampires do, Calista." Hindi pagsang-ayon ni Papa.

"As I said, Calistine is a half-human. She'll surely survive with her baby. At isa pa, her mom would be there to help her with her pregnancy." Pagpupumilit ni Tiya. "I will make sure to visit her once in a while. Maybe you would like me to meet your wife, Kuya." Sarkastikong sabi ni Tiya sa kanya.

"Oh, c'mon." Sagot na lamang na aking ama.

"You know what, Kuya. Why don't you send her to her mom yourself, para naman magkita kayo uli—" Hindi na natapos pa ni Tiya ang sasabihin niya dahil pinigilan na siya ni Papa.

"You know that I can't, right?" Kunot-noong sabi ni Papa. "I can't see her because if I ever did, I'm afraid you'll be taking my place in this kingdom. I can't, our father gave me this responsibility and I have to take care of it for the rest of my existence." May lungkot na sabi ni Papa.

Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit kinailangan ni Papa na iwanan kaming mag-ina niya. Nak-konsensya tuloy ako sa mga bagay na nasabi ko noong nasa mundo ako ng mga tao.

"Fine, but make sure to not make your mother stressed, Calistine." Babalala ni Papa sa akin. Napangiti naman ako ng mapait. Alam ko kung gaano nila gustong makasama ang isa't isa ngunit hindi ito maaari dahil sa responsibilidad na naitang sa aking ama.

"I will make sure of that, Papa. Baka nga ako pa ang ma-stress sa kanya." Biro ko at bahagyan naman siyang natawa. "Are you aware that she's back to modeling again, Dad?" Tanong ko sa kanya at biglang kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.

"What?" Mukhang hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig. "Don't tell me she works with the same agency." Umiiling pa na sabi niya.

"Wren once showed me what was happening in Mom's life and I saw her STILL working with Tito Raymond. Same agency that she worked with before." Paliwanag ko sa kanya. Si Tito Raymond ay ang kinaseselosan ni Papa dahil mayaman ito sa mundo ng mga tao at ang aking ama ay wala sa kalingkingan niya. May gusto rin ito kay Mama kaya naman ayaw ni Papa rito.

"That jerk. Is he trying to steal my wife again?" Umiigting pa ang panga niya habang sinasabi 'yon.

"Okay, jealous Caldemir. Guess you can't do anything about it." Pang-aasar pa ni Tiya sa kanya kaya naman halos matawa ako sa hitsura niya.

"Shut up, widowed girl." Pang-asar din ni Papa at halos mapanganga ako sa sinabi niya. "So, Calistine—when do you plan to go back to your mom's world?" Tanong niya na para bang hindi man lang niya sinabihan ng masakit na salita si Tiya na hanggang ngayon ay inis na nakatingin sa kanya.

"I'll help you travel to the human world, Calistine." Sambit ni Tiya. "Since your jealous father don't have the balls to even meet your mom again." Pang-asar niya pa lalo kay Papa.

"Who said that I'm not gonna come with you?" Mayabang na sabi ni Papa.

Ewan ko kung matatawa ba ako sa dalawang Crovenia na ito. Silang dalawa na nga lang ang magkapatid ay palagi pa silang nagkakasagutan.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now