Chapter 19

5 4 0
                                    

Levan and I had a great time. We expressed our igniting love to each other. I'm sure that this man has captured my heart already and I can't wait to create more memories with him.

In this world where I'm still new to, he's the only one who completes me. He's the only one who makes me feel safe.

"Hi, Ate Cali. You look so happy today." Wren said as Levan and I entered the room. We are getting ready for tonight's training.

"Really?" Naitanong ko na lamang dahil napansin kong pilyong nakatingin sa akin ang Regio ng Romanov.

"I wonder why she's so happy, Wren." Aniya at gusto ko ng maglaho ngayon din.

"Hmm, maybe she's just happy to be with you?" Insosnteng tanong ng nakababata niyang kapatid.

"You're right, Wren." Sagot ko. "Nakakatawa kasi ang pagmumukha ng kuya mo."

"W-What?" Natatawang sabat naman ni Levan.

ILANG oras din ang lumipas at tuluyan ng nagdilim ang paligid. Ito na ang hudyat na mag-uumpisa na ang aming pag-eensayo.

"Talasan mo ang iyong pakiramdam. Maging mga mata mo ay panatilihin mong nakamasid upang hindi ka matamaan ng anumang sandata." Sambit ng Rex habang inaayos ang mga proteksyon sa aking katawan. Tumango ako rito at inihanda ang sarili.

Marami raw kasing masasamang bampira ang naghahasik ng kasamaan sa tuwing sasapit ang dilim. Kaya naman higit kong kailangan na pag-aralan ang mga bagay na dapat kong gawin kung ako ay mapupunta sa sitwasyon kung saan titimbangan ako ng mga masasamang bampira.

Nakatuktok ang aking mata at pakiramdam sa mga bagay na maaaring dumapo sa'kin. Ang aking mga mata ay nagsimulang magningas na siya tumutulong sa akin upang makaaninag sa napakadilim na kapaligiran.

Nakarinig ako ng isang kaluskos kaya naman sinubukan kong humarap sa direksyon kung saan ito nanggangaling ngunit nakaramdam ako ng sakit sa aking balikat dahil sa isang sandatang dumapo sa akin.

Unang pagsabak ko pa lamang ay tinamaan na ako ng sandata. Hindi ito nagpatinag sa'kin kaya naman hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa aking pagtutok.

Ilang sandali pa ay magkasunod na sandata ang dumapo sa akin, dahilan upang matumba ako dahil ang mga ito ay tumama sa aking mga binti. Gusto ko ng umiyak na lamang sa mga panahon ito. Gusto ko na lamang yumakap sa aking kapareha hanggang sa mawala ang mga sakit na dulot ng mga sandatang dumapo sa'kin.

Gayunpaman, pinilit kong magpatuloy. Mas tinutukan ko ang aking pakiramdam. Nakatutok lamang ako sa mga sandatang maaaring dumapo sa'kin. Ni hindi ko alam kung saan sila nagmumula.

Nakaramdam ako mula sa aking likuran kaya naman iniwasan ko ito. Sa unang pagkakataon ay naiwasan ko ang sandatang maaaring tumama sa'kin. Mabuti na lamang ay nanatili akong nakatutok kaya namana naiwasan ako ang mga sumunod pang sandatang muntik ng tumama sa'kin.

Ang ilan pang mga sumunod na atake sa'kin ay naiwasan ko. Ang mga nagnibingas kong mata ay naaaninag at nararamdaman ang mga sandatang nakatutok sa akin.

Ilang minuto din ang tinagal ng pag-eensayo kong ito. Pagkatapos ay tumigil muna kami upang magpahinga ng kaunti. Pagkatapos sa unang parte ng aming pag-eensayo ay nakaramdam agad ako ng pagod. Ang katawan kong may mga sugat mula sa mga sandatang dumapo sa'kin ay kumikirot. Pinagsisisihan ko tuloy na tabuyin si Levan kanina. Ninais niya kasi akong panooring mag-ensayo ngunit ako na lamang ang tumanggi. Gusto ko na lamang siyang mayakap ngayon.


Ilang minuto na rin ang lumipas at kailangan na muli naming sunabak sa susunod na kabanata ng aming pag-eensayo. Ngayon naman ay nasa isang ilog kami, tahanan ng mga diwata abg Kahariang Romanov kaya naman napakarami nitong yamang tubig.

Ang aking gagawin sa oras na ito ay ang makawala sa pagkakatali sa isang sanga ng puno na nasa ilalam ng katubigan. Mayroon lamang akong ilang minuto upang makawala mula sa pagkakatali.

Nakalublob na ako sa tubig, ngayon ay kailangan ko na lamang lumubog dito upang matanggal ang pagkakatali ko sa sanga ng puno. Nagumpisa na akong sumisid, kumapit ako sa sanga kung saan ako nakatali at  sinubukan itong alisin sa pagkakabuhol.

Tagumpay kong naalis ang unang pagkakabuhol na nakatali sa akin. Sinunod kong tanggaling ang malaking tali na nakatali mula sa aking paa. Higit itong mahigpit kaysa sa iniisip ko. Umahon muna ako ng saglit saka lumubog muli upang tanggalin ang mga ito.

Sobrang higpit ng pagkabuhol nito at sa bawat subok ko sa pag-alis dito ay siyang pagkonsuma ng aking enerhiya na siyang dahilan upang mapagod ako ng husto kaya naman parati akong umaahon.

Sinubukan kong muling alisin ito at unti-unti ng lumuluwag ang pagkakabuhol nito. Nabuhayan naman ako ng pag-asa dahil rito. Nagpatuloy ako sa pag-aalis ng buhol dito at matapos ang ilang segundo ay tagumpay ko itong naalis.

Mabilis akong umahon upang habulin ang aking paghinga.

"Mayroon ka na lamang isang minuto upang maalis ang mga natitirang tali, Calistine." Sambit ng Rex na siyang nagpakaba sa'kin.

Agad akong lumubog sa tubig upang alising ang mga natitirang tali na nakabuhol pa sa aking paa. Maliliit na lamang ang mga itong ngunit nasa tatlo pa ang bilang ng mga ito.

Tagumpay kong naalis ang isa sa mga ito matapos ang ilang segundo kaya naman agad kong inumpisahang alisin ang dalawa lang natitira pa. Hindi rin nagtagal at naalis ko na ang huling tali. Aahon na sana ako ngunit may kung anong humila sa aking paa.

Agad akong kinabahan dahil dito. Tinignan ko ang direksyon ng aking mga paa at naaninag ko ang isang nilalang na bahagyang nagliliwanag sa ilalim ng katubigan. Kung hindi ako magkakamali ah isa itong diwata. Ngunit bakit nito hinihila ang aking paa pababa sa katubigan?

Pinilit kong makawala mula sa paghatak niya sa akin ngunit masyado akong pagod kaya naman nakakainom na ako ng tubig. Sinusubukan kong lumangoy pataas ngunit napakalakas ng diwata.

Unti-unti na akong nalulunod. Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang ipadyak ang aking mga paa ngunit hindi ito nakatutulong. Unti-unting nanlalabo ang aking paningin at tuluyan ng nawala ang aking malay.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now