Ilang oras na rin ang aming binabyahe. Nakatulog na rin kaming pareho ni Calissa. Malapit-lapit na kami sa Allardes ayon sa kutsero.
Patuloy lamang kami sa paglalakbay nang makariting kami ng mga bampirang nagsasabungan. Sumilip kami ni Calissa at nakitang mga masasamang bampira ang mga ito kalaban ang mga mabubuti.
Inaya ko si Calissa upang tulungan ang mga bampira laban sa mga masasamang bampira. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay isa-isa niyang pinapaslang ang mga ito.
Ginamit ko ang aking mga paru-paro. Hindi ko alam kung paano ko ito magagamit sa labanan ngunit hindi parin ako nagdalawang isip na gamitin ito. Kinontrol ko ang mga ito kung saan maging mga puno at halaman ay nagagawa kong pasunurin na siyang labis kong ikinagulat. Hindi man ako handa ay ginamit ko ang kakayahan kong ito upang itaboy ang mga masasamang bampira.
Napagawi ako sa aking kaliwa at nakita kong naroon na rin ang nga Romanov at nakikipaglaban sa mga masasamang bampira. Naroon si Levan na nakapakisig sa kanyang suot na barong. May kurbata itong kulay lilac kagaya ng aking kasuotan.
Napansin niya nakatingin ako sa kanya kaya naman gano'n din ang ginawa niya. Nagkunwari naman akong hindi nakatingin ngunit natapilok ang aking isang paa dahilan upang matumba ako ngunit agad akong nasalo ng kung sino.
Pagtingin ko ay si Maverick ito na nakatingin ng masama kay Levan. Lumingon ako sa gawi ni Levan at nakatingin ito sa amin.
"Are you okay, Cali?" Tanong niya at tumango lamang ako. Umayos akong tayo at umilag sa masamang bampira na muntik ng tumama sa'kin.
Habang lahat ay may kanya-kanyang nilalabanan ay nakarinig ako ng isang pamilyar na sigaw.
"Ahh! Shit!" Sigaw ni Levan kaya naman agad akong napalingon.
"Levan!" Sigaw dahil sa nagdurugo niyang kamay.
Ang isang bampira ay nasa harap niya at may dalang pilak na punyal. Agad kong ginamit ang aking kakayahan upang paslangin ang bampirang iyon. Nang magtagumpay ako ay agad akong lumapit kay Levan. Makikita ang sakit sa kanyang mukha.
Marahan kong inangat ang kanyang kamay na nagdurugo. Bahagya rin itong umuusok dahil isang pilak na punyal ang ginamit ng bampirang nanakit sa kanya.
Agad kong inilabas ang halamang gamot na aming ginawa. Mabuti na lamang ay naisipan kong magdala nito. Dahan-dahan kong ipinahid sa sugat niya ang halamang gamot.
"A-Are you okay?" Nanginginig ko tanong sa kanya.
"No." Malamig na sagot niya kaya naman napalingon ako sakanya at nagtama ang aming mga tingin. "Who's that guy?" Tanong niya.
"A-Ahh, my father's family friend." Tanging sagot ko. Nakakunot lamang ang noo niya. Hindi ko na siya pinansin pa at bumaling na lamang sa kanyang kamay.
Unti-unti na itong naghilom at bumalik sa dati.
"That should be okay now." Sambit ko habang pinupunasan ang kanyang kamay. "Here, take this. Use it when you get cut by a silver dagger." Paliwanag ko sa kanya at akmang iiwan na siya nang hatakin niya ako pabalik dahilan upang mapaupo ako sa kanya.
"That's it? You're just gonna live me again like nothing happened?" Sarkastikong sabi niya habang nakahawak sa aking kamay.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung paano at ano ang isasagot ko sa mga sinabi niya.
"Fuck. You're making me crazy, Calistine." Aniya at yumuko lamang ako habang iniiwasan ang mga titig niya.
"Cali! Let's go!" Pagtawag ni Calissa. Laking pasalamat ko dahil tinawag niya ako bigla dahil hindi ko alam kung paano ako makaka-alis ng hindi ko siya tinitignan.
"I'm sorry but I have to go." Paalam ko at tumakbo papunta kay Calissa.
Nakasakay na kaming muli sa aming karwahe patungo sa Kaharian ng Allardes. Mula rito ay tanaw na ang napakalaking palasyo ng pamilya Allardes.
"What happened, girl?" Tanong ni Calissa.
"That was intense, Calissa." Sagot ko at halos maiyak na ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko. "I don't know what to feel. I'm so lost."
"I understand you, Cali. Basta, I'm always here for you." Aniya at niyakap ako.
༝༚༝༚
Nakarating na kami sa Allardes matapos ang ilang minuto. Inayos na rin ang aming kagamitan at may kani-kaniyan kaming mga silid upang dito mamahinga pagkatapos ng pagtitipon.
Inayos ko muna ang lahat ng aking kagamitan dahil ilang oras pa naman bago magsimula ng pagtitipon. Humiga muna ako at nagpahinga habang iniisip ang mga pangyayari kanina.
Sadyang napakakisig niya. Ang kanyang malalambot na kamay na hindi ko aakalaing mahahawakan kong muli. Ang kanyang mukha na hindi ko inakalang masisilayan kong muli ng ganoong kalapit. Ang pangungulila ko sa kanya ay napakatindi. Kahit gustuhin ko man ay ang tadhana ang siyang hadlang para sa amin. Ang aming mga pamilya ay hindi magkasundo dahilan upang maudlot ang aming pagmamahalan.
Tumayo ako nagtungo sa balkunahe ng aking silid. Dumungaw ako rito at tumingin sa kapaligiran. Masarap din ang simoy dito ngunit higit na mas mainit dito kumpara sa Romanov at Crovenian. Dahil ito raw ay napalilibutan ng mga disyerto.
"M-hmm." Napalingon ako sa kung sino ang tumikhim. Mula sa aking kaliwa ah si Levan na nakatingin sa akin.
Sa lahat ba namang pagkakataon ay siya pa ang makakatabi ko ng silid.
Hindi ko na siya pinansin pa at papasok na sana ako ng aking silid nang magsalita siya.
"Why do you keep avoiding me, baby?" Malumanay niyang sabi. Gusto ko pa sana siyang lingunin ngunit hindi ko na lamang ginawa.
Nagtungo ako sa harap ng isang malaking salamin at bahagyang inayusan ang sarili. Naglagay muli ang ng pampapula sa labi dahil nabura na ito.
'Cali, please. Talk to me, baby.'
'I know you can hear me.'
'Please, Calistine.'
'It's making me crazy that you're finally near me again but I couldn't touch nor talk to you.'
Aniya mula sa aking isip. Pinili ko na lamang na hindi siya pansinin. Alam kong magugulo na naman ang mga Crovenia's at Romanov's kapag nalaman nila na nag-uusap kami kaya naman mas mabuti ng hindi na lamang kami mag-usap. Nang sa gano'n ay walang pamilya ang mag-aaway away.
Kahit pa gustong-gusto na sarili ko na kausapin at yakapin siya ay kailangan ko itong pigilan.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...