Chapter 33

2 1 0
                                    

Maaga ako gumising dahil nakisuyo ako kay Callan at Calissa na tulungan akong maglinis sa aking silid. Ngayon na kasi ang araw ng pagbalik ko sa mundo ng mga tao.

Magkakaroon din kasi ngayon ng bilog na buwan kaya naman maaari kaming dumaan sa mas mabilis na lagusan—ang daan kung saan kami dumaan ni Levan papunta rito sa mundong ito.

Iniligay ko sa kabalyas ang mga gamit na dadalhin ko sa mundo ng mga tao. Mabuti na lamang ay nagpagawa si Papa ng maraming halamang gamot na magagamit ko sa mundo ng mga tao habang ako'y nagbubuntis.

Habang naglilinis ay napadako ako sa isang sulok kung saan malayang dumadapo ang mga kuwago at uwak na nagpapadala ng sulat sa akin. May mga iilang sulat doon na alam ko kung kanino galing. Gano'n parin bilang niyon at mukhang hindi pa siya nagpapadala ng sulat mula ng gabing makita ko siya hinahalikan ng ibang babae.

Pinulot ko ang mga sulat na iton at iniligay sa aking tukador na naglalaman ng mga sulat. Hindi na ako nag-abala pang basahin ang mga iyon dahil hindi na ito mahalaga pa.

Sa huling pagkakataon ay nilibot ng aking mata ang kabuuan ng aking silid kung saan ipinaglaban ng mga Lamia ang buhay ng aking ipinagbubuntis. Dito rin ay natutuhan kong maging mas malakas laban sa bugso ng aking damdamin at emosyon.

Ang silid na ito ang saksi sa lahat ng luha at mga kalungkutang pinagdaanan ko nang mawala'y ako sa aking kapareha. Ito ang saksi ng aking labis na pagmamahal sa lalaking hindi ko inakalang bibihag ng puso ko. Ang lalaking ama ng magiging anak ko.

Gayunpaman, ang lahat ng ito ay para saan pa? Kung nakita ko lamang siya na hinahalikan ng iba? Na nang dahil sa isang halik na 'yon ay halos mawala sa aking ang aking anak. Siguro ay ito na ang nararapat para sa amin at mas mabuti na lamang na kalimutan namin ang isa't isa at ang aming mga alaala.

Ang pagbabalik ko sa mundo ng mga tao ay hindi ko rin inaasahan. Ngunit inaasahan kong isa itong bagong simula bilang isang ganap na ina sa aking magiging anak. Alam kong mag ikabubuti ko at ng magiging anak ko na manatili sa mundo ng mga tao ng sa gayon ay hindi na siya madamay pa sa mga maaaring pagdaanan ng mundong ito. Lalo pa't gusto ko rin siyang lumaki bilang isang normal na bata kung saan mararanasan niya ang mga naranasan ko noon akong musmos pa bilang isang ganap na tao. At nasisiguro kong mamahalin siya ni Mama kagaya ng pagmamahal niya sa'kin.

Siguro ay kapag maayos na ang lahat ay maaari na kaming bumalik sa mundo kung saan natututo akong magmahal. Siguro ay kapag maayos na ako at handa na muling pasukin ang mundong ito sa pangalawang pagkakataon.

Alam kong hindi maaaring sa habang panahon ay doon na lamang kami ng aking anak dahil alam kong may kailangan din akong gampanan bilang isang Regia ng Crovenian. Magiging makasarili ako kung hahayaan ko na lang silang lutasin ang mga bagay bagay na maaaring makasagupa nila na sila lamang.

"Everything is good now." Ani Callan habang nagpupunas ng pawis.

"Thank you Callan and Calissa. If it weren't for you, I wouldn't get my room to be cleaned like this." Taos puso kong sabi.

"Basta make sure to come back here when that kid is big enough. Para naman may laruan na'ko dito." Pilyong sabi ni Callan at agad naman siyang binatukan ni Calissa.

"I'm pretty sure that she will be a girl. OMG, I'm so excited to see her!" Kinikilig na sabi ni Calissa.

Bumaba na rin kami pagkatapos naming maglinis. Naghanda kasi ng hapunan si Papa para sa aking pag-alis. Hihintayin lang namin ang pagsapit ng dilim upang kami ay makapaglakbay na.

"Congratulations, Cali. You're gonna be a mom." Masaya at puno ng sinseridad na bungad ni Maverick sa akin. Sila nila Callan at ng kanyang ama ang maiiwan muna sa kaharian upang mamahala habang hinahatid ako nila Papa sa mundo ng mga tao.

"Thank you, Maverick. We'll see each other soon—of course with my little one." Nakangiting sabi ko.

SUMAPIT na nga ang dilim ag nag-umpisa na kaming maglakbay. Magtutungo kami sa pagitan ng Kahariang Crovenian at Romanov dahil ito ang pinakamalapit na lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

Panay lamang ang kwentuhan namin ni Calissa habang naglalakbay. Aniya pa ay kung pwede lamang daw na sa mundo na lamang siya ng tao manatili ay gagawin niya para lang makasama ako ngunit hindi siya sanay sa mundong iyon kaya naman higit siyang mahihirapan. Isa pa'y kailangan niya ring makausap si Devon dahil ito ang itinakda sa kanya.

"We're here." Sambit niya at bumaba sa sinasakyan naming karwahe.

"Are you ready, Calistine?" Tanong ni Papa at nakangiti akong tumango sa kanya.

Binuksan na niya ang lagusan at isa-isa na kaming pumasok doon. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid. Ilang minuto din iyon at pagkatapos ng ilang sandali ay nawala na iyon.

Pagmulat ng aking mata ay malapit ng magliwanag. Tanaw ko na ang daan mula sa gubat na kinatatayuan namin. Mabilis ang aming paglalakad patungo sa daanang pamilyar sa akin, ito ang liblib na kalye malapit sa bahay namin.

Tahimik ang lahat sa paglalakad nang biglang magsalita si Papa.

"I will be watching you from the back, I don't want your mother to see me, Anak." Sambit ni Papa. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya.

Matapos ang mahabang paglalakad ay narating na rin namin ang tirahan kung saan ako lumaki. Malaki na ang pinagbago nito marahil ipinarenovate ito ni Mama. May doorbell na rin ito kagaya ng dati noon nandito pa si Papa. Nang mawala kasi siya ay wala ng nakapag-ayos sa doorbell kaya naman hinayaan na lamang namin ito ni Mama.

Masaya kong pinindot ang doorbell. Ilang segundo ay lumabas na si Mama suot ang isang robang pantulog.

"Calistine?" Gulat na sabi ni Mama habang dali-daling binuksan ang gate.

"Mama! Na-miss kita!" Aniko at mahigpit na yumakap sa kanya. "Ma, si Tiya nga pala. Kapatid ni Papa, si Calissa naman ang anak ni Tiya." Pakilala ko sa aking mga kasama. Si Papa ay nakatago sa mga halaman sa harap ng aming tirahan habang nakamasid na kagandahan ni Mama.

"OMG, you're so beautiful naman, Tiya!" Excited na sabi ni Calissa at yumakap pa kay Mama. "No wonder Uncle is so obsessed with you." Pabirong sabi niya kaya naman natatawang napatingin ako sa gawi ni Papa.

"Masaya akong makilala ka, Calista." Sambit ni Mama at binigyan ng yakap si Tiya. "Oh, pumasok muna kayo para maipaghanda ko kayo ng niluluto kong adobo." Aya ni Mama.

Bigla namang kumaluskos ang mga halaman sa harap ng bahay kaya naman nakaagaw ito ng pansin. Agad na lumabas si Mama at sigurado akong nakita niya si Papa.

"Cal?" Naw-wirduhang sabi ni Mama.

"C-Celine..." Naiilangan na sabi ni Papa. Halos mapatawa na ako sa hitsura niya ngayon.

"Gosh, Kuya." Sabi na lamang ni Tiya saka umirap sa kanya. "Apakayabang ng tatay mo pero tiklop naman sa mama mo." Pabulong na sabi ni Tiya kaya naman bahagya akong natawa.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now