Chapter 22

5 3 0
                                    

Nagising ako sa magkakasunod na katok. Agad akong bumangon upang pagbuksan ang sino mang kumakatok dito.

"Mahal na Regia, ipanatatawag ho kayo ng Mahal na Rex." Bungad ng tagapag-lingkod kaya naman agad akong bumaba.

Rinig ko ang mga pag-uusap at tawanan mula sa pasilyong aking nilalakaran. Siguro ay may mga bumisita ngayong araw.

"Anak, magandang gabi." Bati ng aking ama.

"Magandang gabi, Papa." Bati ko sa kanya.

"Papa?" Sabay-sabay na sabi ng isang babae at dalawang lalaking halos ka-edaran ko.

"Oh, that means 'father' in the human world. That's what she used to call me." Paliwanag ni Papa sa kanyang mga bisita. "Ito na ang pinakamatagal niyo ng hinihintay. Ang pagdating ng aking anak. This is your Aunt, Calistine." Aniya habang nakaturo sa isang babaeng halos kasing-edad niya.

"I'm really happy to meet you, Aunt." Bungad ko sa kanya.

"You're so lovely, Calistine. I'm your Aunt Calista. Caldemir named you after me." Pagpapakilala niya.

"Hoy, Kuya mo 'ko. Bakit Caldemir lang ang tawag mo sa'kin." Bulyaw ng aking ama sa kanyang nakababatang kapatid na umirap lamang sa kanya.

"Hi, Calistine. I am Calissa, and I'm really happy to finally meet you!" Napakasayang sabi niya at yumakap sa akin.

Bumati ako pabalik sa kanya at binigyan siya ng yakap.

"I'm Callan, anyway. The most handsome Crovenia." Bungad ng isang lalaki na nahahawig din sa aking ama.

"Ew, Kuya." Sabat naman ni Calissa.

"It's nice meeting you all po." Magalang na sabi ko sa kanila.

Si Calissa ay hindi parin nawawala ang kapit sa aking braso.

"I want you to meet a very trusted family friend of the Crovenia's, meet the Sulvinia's." Pagpapakilala ng aking ama sa mga ito.

"I'm glad to finally see you in Crovenian, Calistine. I am the Crown Prince of Sulvinia—Maverick Sulivinia." Pakilala ng isang lalaking halos ka-edaran ko lamang. Kumindat pa ito na ikinatawa ni Callan."

"Nice meeting you, Maverick." Aniko at nakipagkamay sa kanya.

"Welcome to The Kingdom of Crovenian, Calistine. I am Maverick's father—Matias Sulvinia." Bumati ako rito at nakipagkamay.

Inanyayahan ni Papa na kumain ang lahat sa hapag kainan kung saan nagpahanda siya ng masasarap na putahe. Kasama din dito ang isang mataas na kalidad ng dugo na nakalagay sa mga ginintuang kopita.

"Anyway, Cali. Do you have your dress for the party?" Tanong ni Calissa. Napakabibo niya talaga. Parang hindi nauubusan ng energy.

"Oh, yes. Anak, I forgot to tell you that we are invited to the Allardes' gathering this Sunday." Sambit ng aking ama. Ngumiti lamang ako sa kanya bilang sagot.

"Wala pa. But I'm thinking of wearing a lilac dress." Sagot ko sa tanong ni Calissa na hindi na nagulat sa aking sinabi dahil isang lilac na kasuotan ang aking suot.

"You really love that color, huh?" Aniya at bahagyan naman akong natawa. "I'm so glad that this time, Kuya is not going to be my date. I can finally have my freedom." Maarteng dagdag nito.

"Who said you can look for boys, Calissa?" Sarkastikong sabi naman ng kuya nito. Tanging irap lang ang isinagot ni Calissa sa kanya.

"How about you, Cali. Who's your date for the party?" Tanong niya kaya naman natigilan ako.

Agad na pumasok sa isip ko ang aking kapareha. Kung saan sabay kaming lalakad patungo sa pagtitipon na gaganapin sa Kahariang Allardes. Ngunit alam kong hindi iyon mangyayari.

"A-Ahh, I don't have one." Sagot ko na lamang sa kanya.

"Maverick, why don't you accompany her to the party?" Baling niya sa Regio ng Sulvinia.

Pilit akong napangiti habang umiiling.

"I'm good, Calissa—" Sagot ko ngunit napigilan ni Papa ang aking sasabihin.

"I think, that would be great. You can watch over her, Maverick." Sambit ni Papa at halos gusto ko ng magwala sa mga oras na ito. "Lalo pa't Romanov's will be there. We should not let them especially Levan to go near Calistine."  Dagdag ni Papa.

"I can take care of her, Tiyo." Sagot naman ni Maverick saka nakangiti.

Nang malamang  dadalo rin ang mga Romanov ay parang ayoko na lamang na dumalo pa sa gaganaping pagtitipon. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tiisin na hindi lapitan ang lalaking nagmamay-ari sa aking puso. Hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan ang sarili ko na yakapin at hagkan siya sa oras na maglandas ang aming mga mata. Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang pangungulila ko sa oras masilayan ko ang mukha niya.

'Parang hindi ko yata kaya.'

Natapos kaming kumain na wala ako sa sarili kong pag-iisip. Gusto pa sanang magpalipas oras ni Calissa kasama ako ngunit tumanggi na lamang ako at sinabing nais kong magpahinga. Mabuti naman ay hindi na siya nagpumilit pa.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang maaaring mangyari sa pagtitipon na gaganapin. Ayokong makita si Levan. Ayokong makita siya dahil alam kong sa sandaling 'yon ay baka hindi mapigilan ang sarili kong lapitan siya.

Sigurado din ako na hindi magugustuhan ni Levan na makita akong may kasamang ibang lalaki sa pagtitipon. Lalo pa't kinokonsiderang 'date' ito. Ngunit wala naman akong magagawa sa kagustuhan ni Papa. Alam kong ayaw niya ng magkaroon pa ng gulo sa pagitan ng dalawang kaharian.

'If only you know how much I misses you.'

Alam kong narinig niya ang mga sinabi ng isipan ko.

'I miss you, Calistine. Thank you. Thank you for letting me be in your mind.'

Narito na naman ang mga luhang nagbabadyang kumawala mula sa aking mga mata. Ang pangungulila ko sa kanya ay mas lalong tumitindi sa paglipas ng mga araw.

Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ay naparupok ng aking damdamin. Hindi naman ako natural na ganito. Tila bawat maiisip ko siya ay naluluha na lamang ako.

'Cali...'  pagtawag niya sa akin dahil hindi na ako sumasagot pa sa kanya.

'Baby, talk to me please.'

Ang kanyang boses nagpapaginhawa sa aking pakiramdam. Sa ilang araw ng pananatili ko sa Kaharian ng Crovenian ay madalas na ang boses niya mula sa aking isipan ay siyang nagpapatulog sa'kin. Ang bawat pagtawag niya sa akin ay tila musika na siyang nagpapawala sa anumang pagod na aking nadarama.

'I love you, my love. Please, come back to me, Calistine.'

Crimson EyesWhere stories live. Discover now