PROLOGUE

22 6 1
                                    

Halos hindi magkumahog si Cali sa dami at bigat ng mga dala niya, ni hindi pa siya nakakakain mula kaninang tanghali dahil sa sunod-sunod na requirements na kailangan niyang ipasa para sa kanyang in-apply-an na trabaho. Naisip niyang higit na mas mahihirapan siya kung wala siyang stable na trabaho kahit pa siya ay isang freelance graphic designer. 

Hindi mayaman si Cali kaya naman kailangan niyang kumayod para sa kanyang sarili dahil kung hindi ay baka sa kangkungan siya pupulutin. Magmula kasi nang biglang maglaho ang kanyang ama, tuluyan ng nasira ang kanilang maayos na pamumuhay. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mawala ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman na dati'y isang sikat na model ay nagsimulang magkasakit noong mawala ang kanyang ama. Lahat ng pondo at ipon ng kanilang pamilya ay nasaid dahil sa pagpapagamot sa kanyang ina. Mahirap man ngunit kinakaya niya para lamang siya ay mabuhay.

"Hoy! Excuse me. Kanina pa ako nakatayo dito para umusog ka sa dulo nang makaupo ako." Nanumbalik sa realidad si Cali nang tawagin siya ng ale na nakapamewang at nakatingin sa kanya. Sa sobrang pagod niya kasi ay hindi niya na namalayan ang kanyang paligid. 

"Hala, pasensya na po." Aniya at marahang umusog upang makaupo ang ale. 

Ilang minuto pa ay halos puno na rin ang bus na sinasakayan ni Cali kaya naman hindi rin nagtagal ay nagsimula ng magmaneho ang driver. 

Naisipan niyang umidlip muna dahil malayo-layo rin ang pinag-apply-an niya mula sa kanilang tahanan.  

Ilang minuto na rin ang naitulog ni Cali nang mapagising siya sa pagkirot ng kanyang puso. Napakabilis ng tibok nito na tila mo'y mabilis ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang mga ugat. Napaayos siya ng upo habang nakahawak sa dibdib. Tumingin siya sa ibang pasahero kung may ibang nakararanas nito ngunit sa sakit ng nararamdaman niya ay hindi na siya makatingin ng maayos sa paligid upang makita kung may kakaibang nangyari sa loob ng bus. 

Napatingin siya sa kaliwang parte ng bus at nakita niya ang isang napakaputing lalaki na nakahawak din sa kanyang dibdib na tila mo'y may iniindang sakit. May kung anong nararamdaman siya habang nakatitig sa lalaki na nakatingin sa bintana ng bus. Hindi niya ito mapaliwanag ngunit nasisiguro niyang hindi ito normal. 

Nagsimulang mag-init ang kanyang pakiramdam. Bagay na ngayon lamang niya naranasan. Para bang napapaso ang kanyang kaloob-looban sa init na nadarama. 

Nais niyang masilayan ang mukha ng lalaking nakararamdam siyang ng kakaibang pakiramdam ngunit hindi nito magawang tumitig sa kanyang direksyon. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, ilang minuto pa ay baba na siya sa harap ng kanilang tahanan. 

"Para po!" Pasigaw na sabi niya at dali-daling bumaba ng bus. Pagkababa niya at pag-alis ng bus ay unti-unting guminhawa ang kanyang pakiramdam. Tila ba nagkunwari lamang ang kanyang katawan sa naramdaman niya kanina sa bus. Ipinagkibit balikat niya na lamang ito at mabilis na pumasok sa kanilang tahanan.



⋆ ˚。⋆୨♡୧⋆ ˚。⋆

Hello! For my future readers, I hope you'll like my story. You can leave comments whether a suggestion, appreciation, conclusions (about the story), or if you wanna be mentioned in the next chapter. I hope we all get along well. Shooting my shot this time cause this plot has been bugging my mind for several months now. I hope you guys will like it. I'll try to post updates as fast as I can so that you can enjoy the story without getting  'bitin.'  Love y'all!

༝༚༝༚



Crimson EyesWhere stories live. Discover now