Chapter 23

4 4 0
                                    

Ngayon ang araw kung saan sinusukatan na akong ng mga magagaling na mananahi ng Crovenian para sa gaganaping pagtitipon sa Kahariang Allardes. Kagaya ng nakasayanan ay lilac parin ang sayang susuotin ko.

Nagsimula na silang sukatan ako at matapos ang ilang minuto ay natapos din. Sumunod na si Papa at ang mga anak ni Auntie Calista. Narito rin si Maverick at ang kanyang ama upang magpasukat. Pagtapos na raw kasi ng pagtitipon sila uuwi ng Sulvinian kaya naman dito sa Crovenian na lamang nila napag-isipan na magpatahi ng kasuotan para dito.

"Can you make my dress a little revealing in the back?" Tanong ni Calissa habang siya'y sinusukatan.

Ilang minuto pa silang nagdiskusyon tungkol sa kanyang susuotin bago siya tuluyang matapos na sukatan. Sumunod na ang mga natitira pang hindi pa nasusukatan. Nagpaalam muna ako sa kanila at sinabing magpapahangin lamang sa labas.

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo patungo sa labas ng palasyo upang magpahangin. Nagtungo ako sa isang maliit na pahingahan katabi ng isang puno na may kulay rosas na bulaklak. Ayon kay Papa, ito daw ang sumisibolo sa pag-ibig niya kay Mama. Itinanim niya raw ito matapos niyang bumalik mula sa mundo ng mga tao.  Simbolo na ang punong ito ay pagmamahal niya ng lubos sa aking ina. Kaya naman napayabong ng punong ito. Tiyak kong miss na miss na rin ni Papa si Mama.

Habang pinagmamasdan ko ang puno ay may mga paru-parong dumapo rito. Kulay lilac ang mga paru-parong ito kaya naman labis akong nasisiyahan na makita sila. Iginawi ko ang aking kamay upang hawakan sana ang mga ito ngunit mas dumami ang mga ito kasabay ng saglit na pagliwanag ng aking kamay.

Akala ko ay namalikmata ako kaya naman sinubukan ko itong muli. Sa pangalawang pagkakataon ay may mga paru-paro muling lumitaw. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

"It looks like you're slowly revealing your powers, 'nak." Sambit ni Papa na nakangiting nakatingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at muling ipinakita ang kakayahang aking natuklasan. Isa sa mga kakayahan ko ay ang mga paru-paro. Napaka-interesenteng kakayahan.

Yumakap sa'kin si Papa at marahang hinaos ang buhok ko.

'I'm proud of you, Calistine. Your mom raised you so beautifully." Aniya saka humalik sa aking noo.

"Miss na miss ko na siya, Papa." Tanging sabi ko sa kanya at bahagyang tumulo ang aking luha.

"I know you do, Calistine. I really miss her too, but we have a purpose here. Kaya tayo narito ngayon." Aniya habang nakatingin sa aking mga mata.

Siguro nga ay tama siya. Kaya siguro ako narito ngayon dahil may gagampanan ako bilang isang bampira. Dahil kailangan ako dito sa mundong ito. Siguro ay isa ako sa mga magpapabago sa mundong ito. Kung saan walang kaharian ang may hidwaan sa sino man. Kung saan walang pamilya ang magkakagulo. Kung saan mapayapa at nagkakaisa ang bawat kaharian at mamamayang naninirahan sa mundong ito.

Sana nga ay mapabago ko ito.

༝༚༝༚

Maaga akong nagising dahil mag-aaral akong muli tungkol sa mga halamang gamot. Pagkatapos no'n ay mag-eensayo kami nila Calissa ng sayawin para sa gaganapin pagtitipon. Ayon sa kanya ay mayroon pormal na sayawan sa bawat pagtitipon na nagaganap sa Allardes. Kaya naman kailangan naming paghandaan iyon.

"Regia, paghaluin mo ang dalawang dahong ito gamit ang mortar at pambayo. Pagkatapos ay lagyan mo ito ng langis mula sa dahon ng gumamela." Utos ni Medela Teresita na agad ko namang sinunod.

"Sige po, Medela." Sagot ko sa kanya.

"Ang halamang gamot na iyan ay makatutulong kung ikaw ay nasugatan gamit ang punyal na pilak." Paliwanag ni Medela Teresita tungkol sa kagamitan ng halamang gamot na aming ginagawa. "Ipahid mo ang tinimplang mga dahon at langis ng gumamela sa sugat mula sa punyal at kusa itong maghihilom."

"Wow, ang galing po pala ng gamit na ito." Namamanghang sabi ko habang patuloy na pinaghahalo ang mga dahon at langis.

"'Yan ay isa sa mga halamang gamot na palagi kong ginagawa dahil nakamamatay ang sugat mula sa pilak na punyal kung hindi ito gagamutin." Dagdag niya sa kanyang mga pagpaliwanag. "Bilisan mo na riyan upang mag-umpisa na tayong dasalan ang mga halamang gamot na ating ginawa upang mabigyan ito gabay at bisa." Ganito palagi ang aming ginagawa sa t'wing matatapos kaming gumagawa ng nga halamang gamot.

Ayon sa kanya ay kailangan raw namin itong dasalan bago gamitan upang maging mas mabisa ito kapag ginamit. Kaya naman patuloy kong inaaral ang libro ng mga Lamia upang mas matuto pa sa mga ganitong bagay.

Nang matapos kaming dasalan ang mga ito ay kumuha ako ng dalawang bote ng mga halamang gamot na aming ginawa. Ilalagay ko ito sa aking silid upang ito'y aking maidala sa t'wing kaming aalis ng palasyo. Dahil sabi nga nila sa mundo ng mga tao, 'I am ready.'

Tinulunhan ko munang magligpit si Medela Teresita at ayusin ang mga bagong gawang gamot. Ako na rin ang nagsara sa maliit na silid na nagsisilbing aming pwesto sa t'wing nag-aaral sa paggawa ng halamang gamot.

Hinatid ko na rin siya sa kanyang tahanan. Si Medela Teresita ay nakatira kasama ang mga mahistrado. Sila ang mga katulong ng hari sa paggawa ng mga kasunduan at batas na makapagpapabuti sa kapakanan ng kaharian. Ang aming nga mahistrado ay pawang mga kababaihan, kaya naman kinupkop nila si Medela Teresita at sa kanila manirahan.

Pagkatapos kong ihatid si Medela Teresita ay napagpasyahan ko ng bumalik sa palasyo. Oras na kasi upang magpahinga at kailangan ko pang maghanda dahil bukas na ang gaganaping pagtitipon.

Kailangan ko na ring ihanda ang aking mga gagamitin at dadalhin sa Kaharian ng Allardes. Malayo kasi ito sa aming kaharian kaya naman kailangan na doon kami magpalipas ng gabi dahil delikado ang paglalakbay sa dilim. Lalo pa't hindi pa ako gaanong sanay sa mundong ito.

Pag-akyat ko sa aking silid ay wala na akong sinayang na oras. Inayos ko na ang lahat ng bagay na kailangan ko dalhin para bukas. Pagkatapos ay napagpasyahan kong maligo.

Habang naliligo ay naalala ko ang unang beses na naligo ako sa mundong ito. Sa silid ito ni Lev at bigla na lamang siyang pumasok dito at naghubo ng katawan. Hindi ko parin mapigilan ang matawa sa t'wing naalala ko ito.

Nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw dahil dito. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil sigurado akong wala itong magandang patutunguhan. Sapat na sa'kin ang pag-inom ng dugo mula sa matataas na kalidad ng hayop. Hindi man ito kasing-tamis kagaya ng sa aking kapareha ay sapat na rin ito upang ako ay mabuhay.

Napagpasyahan ko ng umahon matapos ang ilang minuto. Nagsuot lamang ako ng isang puting pantulog at saka nahiga upang magpahinga.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now