Chapter 30

6 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas matapos ang naganap na pagtitipon sa Kahariang Allardes. Hanggang ngayon ay wala parin sa sarili si Calissa.

Matapos ang araw ng aming pagbalik sa kaharian ay labis-labis na sumama ang aking pakiramdam kaya naman ay hanggang ngayon ay namamahinga parin ako sa aking higaan.

Ngayon ay nagpapasyahan ni Papa na tumawag ng manggagamot upang ipatingin ang aking kalagayan nang sa gayon marapatan ako ng mga halamang gamot upang lunas.

Sa lahat ng araw na ako ay nagpapahinga lamang ay hindi nawala si Tiya Calista upang akong alagaan. Palagi din siya nagbibilin na alagaan ko ang aking sarili at hindi niya nakakalimutan na ipagdala ako ng iba't ibang prutas. Aniya ay kailangan ko raw ng masusustansyang pagkain upang ako'y higit na lumakas.

Ngayon ay nakatulog na lamang siya sa malambot at mahabang upuan sa tabi ng aking higaan. Hindi ko nga mawari kung bakit sobrang maalaga niya sa'kin. Tila mo'y ayaw niya man lang akong masugatan. Dahil dito ay labis ko tuloy na namimiss si Mama.

'kumusta na kaya siya?'

Pinahid ko ang aking luha na kumawala sa aking mga mata nang maalala ko ang aming mga alaala sa mundo ng mga tao. Gayunpaman, inisip ko na lamang na kaya ako narito ay dahil kailangan ako ng aming kaharian.

Kumatok ang isang tagapaglingkod kaya naman nagising si Tiya Calista. Sinabi ng tagapaglingkod na narito na raw ang isa sa mga magagaling na manggagamot sa aming kaharian.

"Pakisabi ay dumaretso na siya dito." Puno ng galang na sabi niya.

Tumango lamang ang tagapaglingkod at maya-maya pa ay dumating na nga ang manggagamot kasabay si Papa.

"Magandang umaga, Mahal na lingkod. Nararamdaman ko na ang kanyang presensya." Naguguluhan man ay ngumiti na lamang ako sa manggagamot.

Inayos niya muna ang lahat ng kanyang kagamitan at nagsimulang dasalan ang tubig habang pinapatakan niya ito ng iba't ibang uri ng lasing mula sa mga halamang gamot.

"Napakaganda mo, hija. Masayang balita ito para sa'yo." Buong ngiting sabi ng manggagamot.

"Salamat po." Sagot ko kahit naguguluhan parin sa mga sinasabi niya.

"Kumusta ang lagay ng aking anak?" Alalang tanong ni Papa. Nginitian lamang siya ng manggagamot at maingat na inihilig sa kanyang kamay ang aking palad.

Nagsimulang magliwanag ang aking palad at unti-unti lumitaw ang isang hugis ng paru-paro.

"Walang dapat ipag-alala, ang mga sintomas na nararanasan ng iyong anak ay normal lamang sa mga nagdadalang tao." Masayang sagot niya at halos mapasigaw ako  sa kanyang mga sinabi.

"Buntis ka?" Gulat na tanong ni Papa. Maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ng manggagamot.

"I-I don't know, Pa." Nalilito at nahihiyang sagot ko.

"Congratulations, Calistine." Masaya at nakangiting sabi ni Tiya Calista habang hinahaplos ang aking balikat.

Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol sa iyak. Hindi ito ang nakasaad sa aking mga plano. Paano ko na lamang bubuhaying ang bata kung hindi maganda ang relasyon namin ng kanyang ama?

"N-No... I can't..." Aniko habang umiiyak. Si Tiya Calista na ang kumausap sa manggagamot, umalis din ito matapos ang ilang minuto. "I can't let her have an incomplete family. N-No..."

"You can't tell the Romanov about this, Calistine! They don't deserve to know!" Mataas ang boses na sabi ni Papa kaya naman mas lalo akong napahagulgol.

"Caldemir!" Sigaw ni Tiya sa kanya. "You shouldn't yell at her! She's sensitive!" Sigaw niya rito at maingat na lumapit sa'kin saka hinaplos ang aking likod. "Don't worry, Cali. We're gonna figure this out."

"Calista, hindi pwedeng malaman ng mga Romanov ito! She can't be with hi—" Galit na galit na sabi ni Papa ngunit hindi na siya pinatapos ni Tiya.

"Oh, c'mon! Hanggang ngayon ba naman? That's what you're gonna think about? Calistine is pregnant, she needs him!" Pakikipagtalo niya kay Papa. "You don't know 'cause you're not the one bearing a child inside you. For once, can't you set that aside? For the sake of Cali and her baby!"

Hindi na sumagot pa si Papa at lumabas ng aking silid. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak lamang habang si Calissa at ang kanyang ina ay maingat akong pinapatahan.

"We will help you, Calistine. For the sake of your baby." Sambit ni Calissa at yumakap sa akin. "Shh... Calm down, that is not good for the baby."

"She's right, Calistine. You have to be strong for the baby." Pag sang-ayon ni Tiya Calista. "Mamayang gabi, we will help you sneak out and talk to Levan, okay?" Aniya na nagpabigla sa akin.

"W-What?" Wala sa sariling tanong ko.

"He deserves to know, Calistine. I know that you wanna see him too. You need him." Paliwanag niya.

Tama siya, kailangan din malaman ni Levan na nagdadalang tao ako. Kailangan ko siya upang maitaguyod ang bata. 

"We are with you, okay?" Sambit ni Calissa habang hinahaplos ang aking tiyan.

"You have to be careful, Calistine. You may not be aware but vampire's pregnancy takes only three months." Pangaral ni Tiya at tanging mga tango lang ang aking naisasagot. "And the baby is turning a month already. I'm guessing she was made the last time you had an intimate moment with him." Aniya.

Naalala ko ang mga oras na 'yon. Tiyak kong siya ay nabuo sa maliit na pahingahan sa hardin ng yumaong ama ni Levan.

"I'm so happy for you, Calistine! Finally, we are having a baby in this kingdom." Masayang sabi ni Calissa. "Sana, it's gonna be a girl so that I can do her hair." Kinikilig na dagdag niya.

"Thank you, Tiya, Calistine." Taos pusong sabi ko. "Kung wala kayo ay hindi ko na alam pa ang aking gagawin."

"Nandito kami palagi for you and the baby, my beautiful niece." Sagot ni Tiya at magkasabay silang yumakap sa'kin.

Ang nga sandaling 'yon ay tila ba napakatagal. Hindi ako makapaniwala na buntis ako, na may batang nasa sinapupunan ko. Ano kaya ang kanyang magiging hitsura? Kamukha niya kaya ang kanyang ama?

Matatanggap kaya siya ng kanyang ama? Paano kung hindi niya ito tanggapin? Paano kung ayaw niya rito?

Crimson EyesWhere stories live. Discover now