Chapter 1

22 6 0
                                    

Maagang gumising si Cali dahil may naka-schedule siyang project ngayon para sa isang brand na nagpapa-layout sa kanya. Kaya naman kumain na siya at naligo upang maagang makapagsimula. This is how Calistine starts her day whenever she has a project to do. She makes sure that everything is in place so that she can work properly. Before she starts doing her work, she will take care of her mother. 

"Mama, kamusta naman ang lagay mo ngayon?" Nakangiting tanong ni Calistine sa kanyang nakaratay na ina.

"Mas maayos kaysa kahapon, anak." Sagot nito habang nakangiti ang nakahawak sa kanyang kamay. Mahal na mahal niya ang kanyang ina at gagawin niya ang lahat upang mapagaling lang ito.

Itinagilid niya ang katawan ng kanyang ina upang malinis ang mga sugat nito sa kanyang likod mula sa pagkakahiga nito sa kama. Marahan niyang itinaas ang damit na suot nito at pinasadahan ng tingin ang mga sugat ng kanyang ina. Kagaya ng nakagawian ay nilinisan niya ito. 

"Maraming salamat sa pag-alaga sa akin, anak. Hayaan mo, darating din ang araw ay masusuklian ko ang lahat ng sakripisyo mo para sa akin." Ani ng kanyang ina. "If I'm not in this position right now, I know you'll be successful by now seeing how hardworking you are." Her mom started to cry.

"Ma, don't say that. It will never be your fault. Besides, si Dad ang dapat sisihin. He's the one who lef-" Hindi na hinayaang pang matapos ng kanyang ina ang kanyang sasabihin.

"Don't blame him, anak. You know, he has his own reasons and soon, you'll understand why he left us." Calistine couldn't understand how her mom can just easily forgive her dad for leaving without any reasons at all. She hates her dad. She hates her dad for letting them suffer alone and for no being there for them when they needed a father and a husband. 

"Ma, hindi ko ho maintindihan. Pasensya na, pero ilang taon na but he never gave us answer. I don't know why you're still defending him until now. He left you, he left us when we needed him the most." Huminga siya ng malalim para pigilan ang luhang nais kumawala mula sa kanyang mga mata. 

"Anak, I know, but are you not curious why I never got mad at him for leaving us? Cause I know he has reasons and I can't wait for you to find out by yourself why he chose to leave us." Sinapo ng kanyang ina ang magkabila niyang pisngi at marahang ngumiti ito sa kanya. "Just trust me, anak. He's coming and by the time he comes, all your questions will be answered."  

Ngumiti siya sa kanyang ina. Kinumutan niya ito at nagtungo na siya sa kanyang silid upang umpisahan ang proyektong kailangan niya ng masimulan. 

Nag-umpisa siyang gumawa ng layout para sa mga posters ng brand. Natapos niya na kasi ang paggawa sa logo ng brand na ito kaya naman inumpisahan niya ng gawin ang iba bang layouts para maaga niya itong matapos. Ilang oras din ang ginugol niya at natapos na rin niya ang iilang posters na ip-post ng brand sa kanilang launching day. Sa ganitong paraan kumikita si Calistine, dahil magaganda ang kanyang gawa, marami na ring tao ang may tiwala sa talento niya. May mga iilang client pa siya na nagreregalo sa kanya ng mga mamahaling kagamitan upang magbigay ng gratitude para sa kanya. Ang iba naman ay nirerekominda siya sa mga kakilala ng mga ito upang magkaroon siya ng panibagong client. 

Pagtapos niyang i-save ang mga layout na kanyang ginawa para sa brand, inumpisahan naman niya ang isang layout na matagal na niyang sinisimulan. Ito kasi ay ipapasa niya sa isang contest international. Ang mananalo kasi rito ay may pagkakataong magtrabaho sa ibang bansa sa iilang sikat na kompanya bilang graphic designer. Kaya naman hindi ito pinalampas ni Calistine. Nais niyang makarating sila ng kanyang ina sa ibang bansa dahil doon niya gustong ipagamot ang kanyang ina. Naniniwala kasi siyang higit na mas magagaling ang mga ospital roon kaysa dito. Dahil sa hindi na ata mabilang ni Calistine ang mga ospital na kanilang pinuntahan upang magkaroon lang ng malinaw na findings sa sakit ng kanyang ina.



Kinagabihan ay nilinisan niyang muli ang kanyang ina pagkatapos kumain. Naglinis na rin siya ng kanilang bahay dahil maaga pa siyang aalis bukas para makapag-apply ng ibang trabaho. Naisip niyang maghanap ng trabaho bukod sa pagiging freelance graphic designer upang mas mabilis siyang makaipon. Marami kasi siyang nais bilhin at isa na roon ang palitan ang kama ng kanyang ina upang hindi na ito masyadong mahirap sa paghiga. 

Pagtapos niyang hintaying makatulog ang kanyang ina, nagtungo na siya sa palikuran upang makaligo. Mabilis lang siyang naligo at nagtungo na sa kanyang silid. Inayos niya ang iilang kopya ng kanyang resume para bukas. Habang nag-aayos ay nakarinig siya ng tunog mula sa kanyang cellphone. 

'Girl, mag-apply ka rin dito sa work ko. Nawalan kasi kami ng isang cashier.' Text mulang kay Hexine, ang matalik niyang kaibigan. Nagreply siya rito at nagpasalamat. 

Humiga na rin siya sa kanyang kama habang gamit ang kanyang cellphone. Mabuti nalang kahit anong mangyari ay laging nandyan para sa kanya si Hexine. Lalo na sa mga panahong may mga lalaking nais siyang pormahan. Ayaw niya kasi sa mga kalalakihan. Simula nang iwanan sila ng kanyang ama ay nagsimula din siyang masuklam sa lahat ng kalalakihan kaya naman laking tulong ni Hexine sa kanya dahil ito ang tumataboy sa mga ito.

Hindi rin kasi maipagkakaila ang angking kagandahan ni Calistine, napakaputi ng kanyang balat, mahaba ang kanyang itim na buhok, at ang labi niyang mamula-mula. Kaya naman maraming lalaki ang gusto siyang ligawan ngunit siya mismo ang kusang umaayaw rito. 


˚₊‧꒰ა ☆ ໒꒱ ‧₊˚

Kinaumagahan ay maagang nag-ayos si Calistine. Nilinisan at pinakain niya muna ang kanyang ina bago siya umalis ng bahay. Ngayong araw ay magiging busy kaya naman inihanda niya na lahat sa isang lamesa ang kakailanganin ng kanyang ina bago siya umalis.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin siya sa plaza kung sa maraming maaaring pag-apply-an. Inuna niya ang isang fast food chain na may nakapaskil na hiring. Nagsubmit siya ng kanyang resume dito at sinabihang tatawagan na lamang siya para sa interview. 

Nakailan na rin siya ng mga pinag-apply-an, pinili niyang ihuli ang trabaho ng kanyang kaibigan upang sabay na rin silang umuwi. 

"Cali! Pasok, naroon ang manager namin at pwede kang magsubmit ng resume sa kanya." 

"Sige, puntahan ko lang. Thank you, Hexine." Sagot niya sa kaibigan at nagtungo sa kinaroroonan ng manager. 

Ilang minuto rin silang nag-usap ng manager at sinabihan siyang tatawagan na lamang siya para sa interview. 

Crimson EyesWhere stories live. Discover now