Chapter 26

4 4 0
                                    

Magkakasama na kami ng mga Crovenia's at Sulvinia's. Nakaupo kami sa isang bilog at malaking lamesa. Katabi ko rin si Maverick bilang siya ang aking date ngayong gabi. Maya-maya pa ay nagsimula ng magsalita ang Regina ng Allardes.

"Magandang gabi sa lahat ng dumalo sa aming taunang pagtitipon. Maligayang pagbisita sa Kahariang Allardes. Ikinagagalak kong makita ang mga dughow bughaw mula sa iba't ibang pamilya." Pagbati ng napakaputi at napakagandang Regina ng Allardes. Regina Suzette ang kanyang pangalan ayon kay Calissa. Sila daw ay mga Heremus o mga diwata ng disyerto.

"Ang aking anak, Regia Sandra ay maghahandog sa atin ng isang awitin habang kayo ay kumakain ng mga pagkaing aming inihanda para sa inyo." Pumanik ang Regia ng Allardes at nagsimulang kumanta. Siya ang Regianh nagregalo sa amin ni Levan ng puting kabayo.

Nagsimula kaming kumain habang kumakanta ang prinsesa. Napakaganda ng kanyang tinig kaya naman nakapapawi ng pagod ito. Ipinaghain pa ako ng pagkain ni Maverick.

"Thank you, Mav." Pasasalamat ko at napangiti siya.

"You're the only one who calls me Mav." Aniya at napakunot naman ang aking noo sa kanya. "I mean, they've always call me Maverick or Rick." Dagdag niya. Tumango-tango lamang ako at ngumiti bilang sagot.

Sa gilid ng aming kinaroroonan ay nakaupo ang pamilyang Romanov. Si Levan ay nakatingin na naman ng masama sa aming gawi, partikular sa bulto ni Maverick.

'Nagseselos ba siya?'

'Fuck—yes, Calistine. I am freaking jealous.'

Pagsagot niya sa akin. Nakabukas pala ang aking isip kaya naman narinig niya ang sinasabi ng aking isip. Nag-iwas lamang ako ng tingin at bumalik sa aking pagkain.

'Why do you keep ignoring me, my love?'

Patuloy lamang siya na kinakausap ako mula sa aking isipan at pinipili ko na lang siyang hindi pansinin. Patapos na ako sa aking pagkain ng magsalita siyang muli.

'Is that your new man? Tell me he's not, baby.'

Napalingon ako sa kanyang gawi at nakakunot noo parin siyang nakatingin sa amin.

'Levan...' pagsuway ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya. Kaya naman hindi ko na siya masyadong pinansin pa. Napatingin ako sa gawi ni Wren na masayang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at kumaway masaya naman siyang kumaway pabalik sa akin.

"Pa..." Pagtawag ko sa aking ama. Lumingon siya at hinintay ang susunod kong sasabihin. "Is it okay if I talk to Wren? Please, papa." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tumango. "Okay, sige na. Make sure it's only Wren. Siya lang ang kakausapin mo sa mga Romanov at wala ng iba." Paalala niya at mabilis naman akong tumango bilang sagot.

Kinawayan ko si Wren at inayang lumalit sa akin. Nagpaalam muna siya sa Rex ng Romanov bago lumapit sa akin.

"Ate Cali!!" Masayang tawag niya sa akin at yumakap.

"Hello, Wren. I missed you." Sambit ko at niyakap siya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay saka kami lumabas ng bulwagan kung saan ginaganap ang pagtitipon.

"Ate, I'm so sorry of what happened to your Lola." Bungad niya sa'kin ng makalabas kami sa maingay na bulwagan. "I just found out when you left the palace." Dagdag niya. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi.

"It's not your fault, baby. It's just your Kuya and I cannot be together anymore." Paliwanag ko sakanya na ikinalungkot niya.

"We miss you being around." Malungkot na sabi niya. "Kuya has not been drinking any since you left. He's gonna kill himself." Nagulat ako sa mga sinabi niya.

Kung gano'n ay hindi pa rin ito nakaiinom mula nang lisanin ko ang kanilang kaharian. Kaya pala napakalungkot at pagod ng itsura nito.

"Oh My God, why is he torturing himself?" Alalang tanong ko kay Wren na nilalaro ang mga halamang nasa gilid ng palasyo.

"I don't know, Ate. He said that he's only gonna drink and feed from you." Sagot niya na pailing-iling pa. "I don't understand him, Ate. He knows that you cannot be together anymore. He's hurting himself."

"Can you tell him that he has to take care of himself? Us being not together is not the end of the wor—" Aniko at pinutol naman niya ang mga sasabihin ko.

"It is for me, Calistine." Aniya mula sa aming likuran.

"Kuya..." Bulalas ni Wren.

"I have to go, Wren. Thank you for your time." Sambit ko na lamang at nagmamadaling naglakad palayo ngunit hinatak niya pabalik ang aking braso.

"Are you not going to talk to me, Calistine?" Tanong niya habang masusing nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko.

"T-There's nothing to talk about, Levan." Pagmamatigas ko sa kanya.

"Fuck! There is, Calistine. There is." Pagdidiin niya at pilit ako pinapatingin sa kanya. "You're my mate."

"I am your mate but that doesn't mean that we have to be together. We can't, Lev. We cannot." Sagot ko sa kanya. "You cannot keep hurting and torturing yourself into thinking that we are gonna be together again. 'Cause we are not, 'cause we cannot." Mahabang litanya ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagbabadyang pumatak.

"But I love you, Calistine. I will do everything to make you mine again." Pagmamakaawa niya habang hawak ang aking mga kamay.

"Levan, please. We can't be together. Your family had taken the life of a Crovenia. That is enough reason why we cannot be together." Paliwanag ko sa kanya habang umiiyak. "Because of that, my father had to leave my mom and I. Because of that, we had to suffer alone."

Hindi ko na hinintag pa ang mga susunod niyang sasabihin dahil nagpasya na akong bumalik sa loob ng palasyo. Habang naglalakad ay pinunasan ko ang mga luha kong walang tigil sa pagpatak.

Napakadaya nga naman ng tadhana. Kung kailan nahanap mo na ang mamahalin mo ng lubos. Kung kailan nakabuo na kayo ng pagmamahalan ay saka naman hindi kayo maaaring magkatuluyan. Dahil ang tadhana na mismong ang humahadlang dito.

"We're about to do the formal dance, Calistine." Kinikilig na sabi ni Calissa. Pansin niya kasing masusing nakatingin ang aking ama sa'kin. Kaya naman iniba niya ang usapan upang mabaling ang atensyon nito sa kanya. "I'm so excited for you, girl! It's your first formal dance as a vampire." Dagdag niya habang inaayusan ang aking buhok.

Sinesenyasan niya ako gamit ang mata. Marahil ay halatang namumugto ang aking mga mata dahil sa pagluha. Bumukong siya sa'kin habang nagkukinwaring inaayusan ang aking buhok.

"Are you okay, Girl?" Tanong niya at tumango lamang ako bilang sagot.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now