Chapter 34

3 1 0
                                    

Ilang minuto ring katahimikan ang lumipas bago kami pumasok sa bahay. Si Papa ay naiilang parin, siguro ay nahihiya kay Mama.

"Would you like to eat some adobo, Cal?" Tanong ni Mama kay Papa. Alam kong namiss nila ang isa't isa pero dahil sa hiya ni Papa ay hindi man lang nila nayakap ang isa't isa kanina.

"Ahh... Sure, sweetheart—C-Celine." Nabubulol na sabi ni Papa. Namiss ko tuloy ang mga panahong bata pa ako at 'sweetheart' pa ang tawagan nila.

Napaka-corny nila at hanggang ngayon ay gano'n parin sila.

"Sure sweetheart." Panggagaya ni Tiya kay Papa na masama ang tingin sa kanya.

"Anyway, Celine we would like to tell you something." Ani Tiya kaya naman nagmadali si Mama na ihain ang pagkain ni Papa na hanggang ngayon ay namumula parin sa hiya.

"Go on, I'm all ears." Nakangiting sabi ni Mama.

"C-Cali is pregnant." Pangunguna ng Tatay kong hindi parin matingin nang maayos kay Mama.

"Oh My God, what?!" Gulat na gulat si Mama sa kanyang narinig. "Ohh, My Calistine is not a baby anymore, righr sweetheart?" Animo'y nalulungkot na sabi ni Mama.

"Where's Levan then?" Tanong ni Mama na kaming lahat ay napatahimik.

"You know him, Mom?" Takang tanong ko. Dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi niya ito na-meet.

"Of course I do, he healed me." Aniya at taka kong binalikan ang mga nakaraan.

Kaya ba maraming pagpapahiwatig si Mama noon? Dahil alam niyang dadalhin ako ni Levan sa mundo ng mga bampira?

"He asked for your hand, Anak. He said that he had to learn how to properly ask for your hand in a human way." Dagdag ni Mama. Halo-halo ang nararamdaman ko dahil sa aking narinig.

Pumasok tuloy bigla ang mga alaala naming dalawa na nais ko ng kalimutan.

"The adobo tastes to good, sweetheart." Masayang sabi ni Papa na may sariling mundo sa pagkain.

"Of course, no one does it like me." Ani mama na may masayang ngiti sa labi. "Going back to Lev—" Mabuti na lamang at biglang tumunog ang doorbell. Lahat kami ay lumabas upang tignan kung sino iyon.

"Raymond." Tipid at mahinang sabi ni Papa. Walang ano-ano ay agad siyang lumapit kay Mama at hinapit niya ito sa baywang.

Napatingin naman ako kay Tiya na halatang pinipigilan ang tawa dahil alam niyang nagseselos si Papa.

"What brought you here, Raymond?" Nakangiting bungad ni Mama sa kanya.

"Ohh, I didn't know you were with your family. I guess Cal is back now." Napakamot ulong sabi niya kay Mama. "I just drove by to drop this paperworks that you have to sign."

"Oh, that's so thoughtful of you." Puno ng sensiredad na sabi ni Mama. "Would you like to join us for lunch—"

"Oh, sweetheart. About Levan—" Sabat ni Papa habang nakahapit parin sa baywang ni Mama.

"I'm good, thanks for asking though. See you arouns, Cel." Sagot naman ni Tito Raymond at pagkatapos ay nagpaalam na.

"You didn't have to be so obviously jealous, Caldemir Crovenia." Pang-aasar ni Tiya.

"Right? I thought he was never gonna touch me until Raymond passed by." Pilyong sabi ni Mama habang may mapaglarong tingin kay Papa.

"I was just shy, Sweetie." sagot ni Papa na hindi na makalakas sa pagkakayakap kay Mama. "I miss you so much, Celine." Aniya habang hinahalpos ang buhok ni Mama.

Nakangiti akong pinagmamasdan sila. Sana ay p'wedeng ganito na lamang kami palagi. Walang kailangang umalis, walang kailangang maiwan. Kung saan ang lahat ay maaaring manatili. Sana nga'y gano'n lang kadali.

"I miss you both so much but I know your responsibilities, Sweetheart." Maunawang sabi ni Mama.

"Guess what, Mom? I'm staying here for good." Masayang sabi ko at kunot-noo siyang tumingin sa'kin.

"What about your mate, hija?" Mataray na sabi niya kaya naman bigla akong natahimik.

"Remember the family that I've told you, Sweetie? That family that killed my mom? It's Levan's family." Paliwanag ni Mama at halos mahulog ang panga niya sa pagkakanganga.

"Ohh... The reason why you had to leave us." Wala sa sariling sabi niya.

Mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong pa at pumasok na lamang kami sa loob at tinapos ang pagkain. Nakaupo kami ngayon sa sofa, hindi na ito iyong luma na madalas kong tinutulugan kapag pagod ako sa mga raket ko. Si Calissa naman ay wala ng tigil sa pangangalkal sa bahay, nalibot na rin niya ang kwarto ko. Habang si Tiya Calista naman ay kausap si Mama tungkol sa aking pagbubuntis. Si Papa naman ay ayun, nakayakap parin sa asawa niya habang binubuklat ang mga magazine kung saan naroon si Mama.

"Gosh, Kuya. Apakalandi." Naiiritang sabi ni Tiya na ikinatawa naman ni Mama. "I've never seen him like this before, what did you do to him, Celine?" Natatawang sabi ni Tiya.

Si Papa naman ay walang pakialam sa pinag-uusapan nila. Nakayakap lang siya kay Mama habang ang isang kamay ay binubuklat ang magazine.

"Calistine, when do you want me to visit you again? I can have Calista take over my works for a day or two." Pagbabago ng usapan ni Papa.

"Wow, Kuya." Tanging sabi na lamang ni Tiya.

Umakyat ako upang tignan si Calissa kung ano ang ginagawa sa kwarto ko. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita ko sa kanya. Suot suot niya ang pulang swimsuit na iniregalo sa'kin ni Hexine noong birthday ko.

"Calissa, why are you wearing that?" Tanong ko sa kanya.

"I think I look good in it, can I have this?" Aniya at kamot ulo na lamang akong tumango sa kanya.

Humiga muna ako sa aking kama si Calissa naman ay kung ano anong kinakalikot sa kwarto ko.

"You didn't tell me that you are this obsessed with Levan, girl." Aniya habang nakatingin sa isang board kung saan maraming nakadikit na kung ano ano.

Taka akong tumingin doon at may nakasulat na 'Yael Levan's' doon. Bakit hindi ko ito napansin noon?

"Gosh, that guy. How dare he write that?" Sabi ko na lamang saka bumalik sa pagkakahiga.

"Cali, you didn't tell me that it's so much fun to be here. Just look at your things, they're full of color!" Namamanghang sabi niya.

Ito kasi ang unang beses na nakalapag siya sa mundo ng mga tao at nasisiguro ko ring hindi ito ang huli.

Crimson EyesWhere stories live. Discover now