Ilang minuto rin kaming nanatili sa harding ng yumaong Regina. Pumasok kaming muli sa loob ng palasyo upang sabay-sabay kami ng kanyang pamilya na magtungo sa bulwagan na katabi lamang ng palasyo. Ayon kay Wren, sa mga bulwagan palaging gianaganap ang mga pagtitipon.
Marami na rin ang mga mamamayan na naroroon nang dumating kami. Dumeretso muna kami ni Levan sa isang silid na nasa ikalawang palapag ng bulwagan upang mamahinga dahil isa-isang tatawagin ng Rex ang kanyang mga anak at ang pinakahuli ay ang anak na may itinakdang kapareha sa kanya upang ganapin ang pag-iisa ng kanilang dugo.
"You're so beautiful, my love." Ani Levan habang marahang hinahaplos ang aking mahabang buhok. "I can't believe that you're mine."
"I'm not yours, Levan." Sagot ko na kinasimangot niya. "I'm not your wife, and you don't own me. We're not even married yet."
"I will marry you. I will marry you in every way possible." Sagot niya.
Hindi na'ko nakasagot pa dahil nagsimula na ang Rex na tawagin at ipakilala ang kanyang mga anak. Nag-umpisa ito kay Von na siyang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Sumunod naman si Riven, ang pangalawa sa pinakabata sa kanilang apat. Sumunod din si Wren at pagkatapos ay kami na.
"Nais kong ipaalam at ibalita sa inyo, na ang ating Prinsepe Levan ay nahanap na ang itinakdang babae sa kanya." Panimula ng Rex. "Aking ipinapakilala sa inyo si Calistine, ang Regia ng ating Prinsepe Levan."
Sabay kaming lumabas ni Levan. Nakatungtong kami sa isang mahabang carpet habang kami ay pinanonood ng napakaraming bampira. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad at nakaramdam ako ng kaba kasabay ang pagsakit ng ulo.
"Are you okay, hon?" Nag-aalalang tanong ni Levan. Tumango lamang ako biglang tugon. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang presensya na minsan ko ng naramdaman dito sa mundong ito.
Sa wakas ay narating namin ang dulo kung saan naghihintay ang Pamilyang Romanov. Uupo na sana ako nang bigla akong makaramdam ng hilo. Mabuti na lamang ay nasalo ako ng aking kapareha.
"Calistine, what's happening?" Tanong niya habang naka-alalay sa akin. Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw ang bunsong Romanov.
"Ama! Ang mga bruha ng Crovenian!" Sigaw ni Wren at mabilis na nakakilos ang kanilang ama.
Naghiyawan ang mga bampira at halos silang lahat ay nagsi-alsa.
Agad na gumawa ng proteksyon si Levan para sa'kin kaya naman nawala ang aking pagkahilo. Si Wren naman ay nag-umpisa ng magsalita ng lenggwaheng hindi ko maintindihan habang ang Rex ay gamit ang kanyang kapangyarihan at itinataboy ang mga bruha. Nagpatuloy sa paggawa ng protreksyon si Levan hanggang sa masakop ng kanyang kapangyarihan ang bulwagan. Gano'n din ang ginawa ng dalawa pa niyang kapatid.
"Huminahon ang lahat!" Sigaw ng Rex kaya naman tumigil ang lahat ng nasa bulwagan. "Ang mga bruha ng mga Crovenian ang isa sa ating mga kalaban. Ang kanilang hari ay pilit na kinakalaban ang kahariang Romanov kaya naman higit na kailangan nating pag-isahin na ang dugo ng magkapareha upang magbigay ito ng lakas at panangga laban sa mga masasamang bampira."
"Paano maipag-iisa ang kanilang dugo? Hindi ba't isang tao ang itinakda sa ating Prinsipe?" Tanong ng isang mamamayan. Hindi sumagot ang Rex at nag-umpisa ng magbigay ng basbas para sa aming magkapareha.
"Bilang isang Rex ng Kahariang Romanov, ay binibigyang basbas ang pag-iisang dugo ni Prinsepe Levan at ni Regia Calistine upang mas lalong lumakas at tumibay ang panangga ng kaharian laban sa masasama." Gamit ang isang punyal ay hiniwa niya ng kaunti ang kanyang palad at ipinatak ang kanyang dugo sa isang gintong kopita na mas malaki sa ginamit namin kopita kanina.
Lumapit si Levan sa gintong kopita. "Ako si Levan ang Regio ng Kahariang Romanov at taos puso kong tinatanggap ang itinikdang babae para sa'kin." Saad niya at humiwa ng kaunti sa kanyang palad saka ipinatak ang dugo sa gintong kopita.
Sunod akong lumapit sa gintong kopita. "Ako si Calistine, ang babaeng itiniknada para kay Levan ang Prinsepe ng Romanov at taos puso ko siyang tinatanggap bilang kapareha." Sambit ko. Humiwa ako ng kaunti sa aking palad at ipinatak ang aking dugo sa gintong kopita kung saan naroon ang dugo ng Rex at ng aking kapareha. Sabay na nagningas ang aming mga mata. Lumabas din ang aming mga pangil na siyang ikinagulat ng mga mamamayan ng Romanov. Dahil akala nila ay isa lamang akong tao.
Pagkatapos kong ipatak ang aking dugo ay nagsimulang magliwanag ang dugo na nagsisimbolo ng aming pagtanggap sa isa't isa. Ang liwanag nito ay lumaganap sa buong bulwagan at buong Kaharian ng Romanov.
Ayon sa Rex ay ito ang pinakahihintay nila. Ang makapag-isa ang dugo ng Regio ng Romanov sa kanyang kapareha dahil mapapalakas nito ang pwersa ng kaharian lalo na laban sa mga bruhang Crovenian.
Pagkatapos magliwanag ng buong paligid ay nagsipalakpakan ang mga nasa loob ng bulwagan. Namangha din ang mga tao rito at patuloy na hinihiyaw ang Kahariang Romanov.
'I wanna kiss you right now.'
Nagulat ako nang marinig kong bumulong sa akin si Levan. Lumingon ako sa aking paligid ngunit malayo-layo siya sa'kin. Tama ba ang narinig ko? Baka nama'y masyadong siyang nasa isip ko kaya akala ko ay narinig ko siya.
'This is real, honey. You can read my voice in your mind and I can hear yours too.'
Inis kong hinanap kung nasaan si Levan at nakita kong nakangiti siya sa'kin mula sa malayo at agad naman siyang lumapit sa akin.
"Hi there, beautiful." Bungad niya at inirapan ko lang siya.
Beautiful, beautiful. Mukha mo! Pasalamat ka at gwapo ka, kung hindi baka kinotongan na kita.
"I know that I'm gwapo, honey." Aniya sabay kindat. Oo nga pala't naririnig niya ang nasa sinasabi ng isip ko. "When are you gonna let me kiss you?" Tanong niya habang nakanguso pa.
Bahala ka sa buhay mo.
Alam kong nabasa niya ang sinasabi ng isip ko kaya naman iniwan ko na siya at lumapit na lamang sa gawi nila Wren at ng mga tagapaglingkod na abala sa kanilang gawain.
Isang tradisyon din ng Kahariang Romanov ang pamimigay ng halamang gamot sa mga mamamayan nito na tiyak nilang magagamit. Dahil isang diwata si Wren ay higit siyang nakatutulong sa kaharian upang makapagbigay lunas sa kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng mga halamang gamot ay dinadasalan at inaalayan ni Wren ang mga ito ng lunas gamit ang kakayahang ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
Naging masaya ang pagtitipon sa bulwagan lalo pa't alam nila na mas ligtas na sila sa Kahariang Romanov matapos ang pag-iisa ng dugo namin ni Levan.
Habang abala ako sa pagtulong sa pagbibigay ng halamang gamot ay lumapit sa akin si Levan.
'Honey, just let me kiss you, please.' Aniya mula sa kanyang isip.
May ginagawa ako, Levan. Tigilan mo nga muna ako.
Aabutin ko na sana ang isang halamang gamot upang iabot sa isang bampira nang bigla niya ako hatakin palabas ng bulwagan. Dahil siya ay isang bampira ay napakabilis ng kanyang kilos. Narito na kami ngayon sa isang maliit na kubo na pahingahan sa hardin ng yumaong Regina.
"Levan, why did you do that?" Inis na tanong ko.
"I just wanna be with you. I just want your kiss." Nagmamakaawang sagot niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at siniil siya ng isang mabilis na halik ngunit hindi niya ako hinayaan na maihiwalay ko ang aking labi mula sa kanya.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...