Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang pag-iisa ng dugo namin ni Levan. Mabilis itong nakarating sa mga karagtig naming kaharian. May mga dugong bughaw ang nagpadala ng mga regalo sa amin. Kung titignan ay ang pag-iisang dugo namin ay parang kasal na mundo ng mga tao.
Ang Regia ng Kahariang Allardes naman ay niregaluhan kami ng isang puting kabayo. Mga kabayo rin kasi ang pangunahing gamit rito bilang transportasyon.
Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o hindi nang malaman ko ang isinisimbolo ng isang puting kabayo sa mundo ng mga bampira. Ayon kay Von, ang mga ito raw ay sumisimbolo ng fertility. Kung saan pinaniniwalaan nila na makatutulong ang puting kabayo kung nais mong magdalang tao. Sa edad na bente-tres, hindi ko alam kung handa na ba akong maging ina. Lalo pa't hindi naman ito ang kinasanayan kong mundo. Tiyak na mahihirapan akong lalo kung magiging isang ina ako.
"Hi, Ate Cali!" Bungad ni Wren habang papalit siya sa'kin at may dalang isang koronang gawa sa bulaklak.
"Hello, Wren. Kumusta ka?" Sambit ko. Pagkatapos kasi ng pag-isang dugo namin ni Levan ay bigla na lamang nanghina si Wren. Maaaring dahil sa paggamit niya ng kanyang kakayahan. Sa murang edad niya kasi ay higit itong nahihirapan, lalo pa't hindi rin biro ang mga kakayahang mayroon siya.
"I'm good, Ate. I have something for you." Masayang sabi niya pagkatapos ay inilagay niya sa ulo ko ang koronang bulaklak na hawak niya. "I'm super excited na for you & kuya's wedding, Ate. I'm giving you this flower crown that symbolizes that you're soon to be one of the Romanov's Regias. It's gonna be you & I soon." Masayang litanya niya habang inaayos ang koronang inilagay niya sa ulo ko.
"Ikaw talaga." Naisagot ko na lamang saka pinisal ng kaunti ang kanyang kanang pisngi. "Gusto mo ba akong tulungan na buksan ang mga regalong natanggap namin ng Kuya mo?" Tanong ko.
"I would love to!" Tumatalon na sambit niya.
Nagsimula kaming magbukas ng mga regalo. Ang mga iilan dito ay mga palamuti na magkapareha kami ni Levan. May mga kasuotan din na napaka-elegante. Habang nakatingin sa mga regalo at pinipili ang susunod na aking bubuksan, may isang nakapukaw sa aking atensyon. Ang lagda na nakalagay rito ay parang pamilyar ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita.
Binuksan ko ito at tinignan kung ano ang laman. Isa itong napakagandang palamuti o pang-ipit ng buhok. May mga bato itong kulay lilac. Gano'n ba kasikat ang mga Romanov na pati ang paborito kong kulay ay nalaman nila?
"Wow! That is so beautiful, Ate." Bulalas ni Wren nang makita ang hawak ko.
"Do you wanna try it on?" Tanong ko at tila kumislap ang kanyang mga mata sa kanyang narinig at masaya siyang tumango. "It look so good on you, Wren." Aniko matapos kong mailagay ito sa kanyang buhok.
"It's so cute, Ate. Salamat." Sagot niya habang nakatingin sa salamin.
Ilang minuto rin kaming nagbubukas ng mga regalo nang dumating si Levan. Nagtungo kasi ito sa kanyang ama upang mapag-usapan ang nangyaring paglusos ng mga Bruhang Crovenian.
"I missed you, baby." Bungad niya at kaagad yumakap sa'kin. "Wren, what are you doing here? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka?" Nag-aalalang tanong niya sa kanyang bunsong kapatid.
"I'm okay now, Kuya." Mataray na sagot niya.
"Are you sure?" Paninigurado niya. "Your headpiece is so cute." Aniya nang mapansin ang suot nitong palamuti sa buhok.
"Yes, I am—this is Ate Cali's. I think lilac is her favorite color 'cause I always see her wearing that color." Sagot niya habang nakaturo pa sa suot kong lilac na kasuotan.
"You guessed it right." Natatawang sabi ni Levan.
"Ano nga palang balita tungkol sa mga lumusob na bruha?" Tanong ko habang abala sa pagbubukas ng natitirang regalo.
"It was a bit stressful. These witches are crazy. Crovenian Kingdom is where witches come from." Pagpapaliwanag niya habang ako ay nakikinig lamang. "Crovenians has the blood of witches. The women in there use their ability to heal their fellow vampires. There are some that abuses their ability—just like the witches that invaded our ceremonias."
"At ang mga Romanov naman ay may lahing mga diwata, tama?" Tumango naman siya bilang sagot sa aking tanong.
"But not every woman in this kingdom possess the ability of Naiads." Dagdag niya. "Naiads are powerful, hindi lahat ay nakakakuha ng kanilang mga kakayahan. Isa na si Wren sa mga maswerteng nakakuha sa mga kakayahan ng mga ito."
"'Cause I'm a lucky girl, Kuya." Pakikisali ni Wren sa usapan. "Look, I am the only Regia of the Romanov Kingdom, but Ate Cali will be one as well." Aniya.
"Okay, Wren. Okay." Pagsuko na lamang ni Levan dahil sa katarayan ng kanyang kapatid. "Anyway, Cali. Bukas pala ay inaanyayahan tayo ng ama na dumalo sa pag-eensayo upang higit na mas may kakayahan tayong laban ang mga bruha. Lalo ka na dahil hindi mo pa rin nakukuha kung ano ang kakayahang mayroon ka." Sambit niya.
"Sa tingin ko ay kailangan ko nga talaga ang mag-ensayo." Sagot ko sa kanya. "Gusto kong makatulong sa kung ano man ang pagdaraanan ng kahariang ito."
"Thank you, Cali." Aniya at muling yumakap sa'kin.
"Gosh, Kuya. You're so touchy to Ate Cali, ah." Pagrereklamo niya dahil halos hindi na maalis ang kamay ni Levan mula sa pagkakakapit sa'kin.
"Oh, c'mon, Wren." Inis na sabi ni Levan habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanyang kapatid. "You know that a vampire's love is eternal, right?" Tanong niya rito at napairap na lang ang Regia ng Romanov.
"Whatever, Kuya Levan." Aniya naglakad papunta sa pintuan ng aming silid. "I'll go ahead, Ate." Paalam niya saka kumaway sa'kin pagkatapos ay lumabas na.
"Parang kasalan ba talaga ang pag-iisa ng dugo rito sa mundo ng mga bampira?" Wala sa sariling tanong ko at medyo natawa naman si Levan dahil dito.
"Yes. Basically, on a wedding, the only difference is that the whole family will cut themselves and will mix their blood to ours and that symbolize that our family accept our marriage. Also in a royal family of vampires, each regios & regias will bless the bride and groom with their power. This symbolizes that their power will protect our marriage." Mahabang paliwanag niya habang tumatango lamang ako.
"I see, ang dami niyo naman palang ka-emehan." Sambit ko at ayan na naman ang nakakunot niya noo.
"Ka-emehan?" Nahihiwagaang tanong niya.
"Basta." Sagot ko na lamang at hindi na siya nagpumilit pa.
YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...