Chapter 1: The Deal

1.2K 48 30
                                    

IVAN

"Sumimasen. Ala jowa deska?"

Sana noong unang beses niya akong tinanong ay sinagot ko na agad siya.

"Boselli." Umalingawngaw sa tenga ko ulit ang boses ni Yukihero Azukawa. He is half Japanese, pero alam kong hindi siya marunong magsalita ng Hapon.

Araw-araw, tinatadtad niya ako ng mga salitang banyaga na wala namang sense. Mga salitang inimbento niya lang para magpapansin.

Hindi ko siya iniintindi dahil sa nakasalpak sa tenga ko.

"Boselli!"

"Ano?" kunyaring tanong ko pero narinig ko naman at gets ko na tinatanong niya ko kung may jowa na ako. Obyus naman na gusto niyang ipamukha sa akin na wala pa akong girlfriend hindi kagaya niya na marami nang natikman sa buong Eastampton.

"Ala jowa des?"

Inikutan ko siya ng mga mata. Nilakihan ko siya ng butas ng ilong ko. Wala ako sa mood makipagkulitan sa kaniya. Ako lang ata ang hindi pumapatol sa kakulitan ni Yuki kahit na sikat siya sa buong Eastampton.

Gwapo si Yuki, part time model at madalas na nude model namin sa painting class. He doesn't mind getting naked for school. I've never seen him naked though. Lagi kasing magkasalungat ang schedules namin at natataong wala ako sa school for an event when he poses as a model in class.

Pumasok ang teacher and nagsimulang magturo. Natapos ang klase nang hindi ko na naman pinapansin si Yuki.

We have a 30-minute brake. Karamihan sa mga estudyante ay nagsilabasan to do their own business. Yuki immidiately took off noong mapansin niya sigurong wala siyang mahihita sa akin. He will probably be back here for the next class dahil magkaklase rin kami sa subject na iyon.

"Ivan!" aligagang sigaw ng bestfriend kong si Andi na biglang pumasok sa classroom ko. She's from the opposite side of the campus. At sa itsura niya ngayon, mukhang pumayag na siya sa proposal ko.

It started with a deal. The only way for Andi to help me in courting her cousin Emerald from the states, the prettiest girl in her family, was through a huge fucking favor.

Sabi ko gagawan ko siya ng drawing na maganda. But Andi, the fujoshi that she is, has something else in mind. Andi asked me to draw a Boys' Love  manhwa. The erotic kind. She's been bugging me the entire summer about it.

Worse, she was very particular with the details. "Ivan, ganito, dalawang maskuladong lalaki ang magkapatong sa ilalim ng lababo."

"Maria Andrea Dimahulugan, I know I'm an arts major. At alam kong you have liked my anime drawing since grade school but this is just..."

"Oh, wait! Make it Bara Manga na lang." She is not listening. Naliligaw na naman siya sa sarili niyang mundo. Her hazel eyes sparkle habang nagtatalon sa harap ko. "Make it beefy, tapos maraming pawis..."

"If you won't shut up, I'll kiss you," biro ko kahit alam nyang hindi ko siya type.

"Stop making that kind of joke. Alam ko namang isa kang asexual. Hindi sex or physical fratures ang drive mo sa pakikipagrelasyon. Even if you threatened me that you'll kiss me, hindi uubra sa akin iyon, Ivan Boselli!"

My name is pronounced as Ai-vhun not Eee-van. I was named after the famous psychologists: Ivan Pavlov. It's also my mom who chose my name. Though, my mom died a long time ago.

I'm an ace. O iyong tinatawag na asexual. Yes, we exist. Kami iyong mga taong nakikipagtalik pa rin naman pero hindi iyon ang motibasyon namin sa paghahanap ng life partner. I prefer a relationship that centers on emotional bond.

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon