Chapter 10: Aling Alice

289 33 6
                                    

IVAN

Kanina pa pabalik-balik si Yuki sa likod ng classroom. He was allowed to take the make-up exams. Madali siyang nakahabol sa mga major subjects like math and physics. Yuki is smart. Sisiw na halos sa kaniya ang mga subject na iyon. Naalala ko iyong nakita kong libro ng Trigo sa kama niya. He must have been studying at home; noong mga panahong hindi siya pumapasok.

I was wearing my headset as usual. Tinatangka kong libangin ang sarili ko sa mga piano music ni Yiruma, isang sikat na South Korean pianist.

"Ayaw nga namin, Yuki!" one of my classmates shouted from the back. Even with the thing plugged in my ear, I could hear that shout.

Inalis ko ang headset ko. Mas lalo kong narinig ang pinag-uusapa nila. There, in the back, was Yuki with his circle of friend. I can't remember their names dahil hindi naman kami bliocked section.

"Sige na, I'll do anything," I heard Yuki beg. Nakatalikod siya sa akin samantalang nakaupo sa back table ang mga kakilala niya facing him. "I just need to do it for PE class."

"Dear, I'm sorry, hindi ako magaling sumayaw," sabi noong isa.

"Tsaka ang baduy ng pinapagawa sa 'yo ng PE professor. Walang gagawa no'n," dagdag pa ng isa pa.

"Pare, humanap ka na lang ng iba. Busy kami sa mga parties. Nami-miss ka na nga ng barkada," hagikgik naman ng pinakamalaki sa kanila.

"I'll do it." A girl was raising her hand. "I'll be your special project partner if you go to my condo like we used to—"

"No!" giit ni Yuki. "You know I'm not like that anymore."

"Oh, come on, Yuki. Alam mo namang kaya ka lang kami kinakaibigan is because you give us your favors."

Nakita ko kung paano mabilis na napayuko si Yuki. I could only see him making a fist. Marahan siyang napalingon sa direksyon ko. When he saw me looking at him, mabilis siyang lumabas ng classroom. Then I saw how his friends laughed at him.

Napabuntong hininga ako. I looked at the paperbag filled with children's books na ipapaabot ko sana kay Yuki para maibigay niya kay Kite.

Pero paano ko siya kakausapin when he is like this?

Maybe I should let him cool off?

Tama, Ivan. Hindi mo na problema ang pinagdadaanan ni Yuki.

Napatingin ako sa sketch pad ko. Naalala ko ang pinapagawa ni Andi. I packed my things and went out of the classroom. I went in the direction of the mango tree.

Pinagpatuloy ko ang sketch. I have my reference na kinuha ko sa internet. Tsaka ko na idra-drawing ang mukha ng characters. Naguhit ko na ang katawan ng lalaki na nakahiga sa ilalim ng dalawang lalaki sa lababo. 'Yong sa lalaki na lang sa ibabaw ang kulang.

"Do you mind if we practice here?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Yuki sa harapan ko. That's the problem when I'm daydreaming. Hindi ko napapansin ang nasa paligid ko.

Nakayuko siya sa akin. The sunlight is shining behind the back of his head. Ramdam ko ang mahinang ihip ng hangin sa puno ng mangga, which made the air sweeter.

Hindi ako makasagot. He was about to look down towards my sketch nang bigla kong isinarado ang sketchbook ko.

"Sure," sabi ko na lang. I looked the other way, tryng my hardest not to see his gummy smile.

I noticed this beautiful girl na mukhang mahiyain. She is standing at the back of Yuki. Nakatirintas ang buhok niya at may pink na hairclip. Wala siyang dalang bag. Muli akong napatingin kay Yuki and then I noticed na nakasukbit sa balikat niya ang bag ng babae na kulay pink at may keychain pa na Keroppi.

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon