YUKI
Andi helped me in starting up Kite in his school. Noon ko lang nakitang ganoon kasaya ang kapatid ko. Everything was already prepared for him at school. Tipong inaasahan na siya ng mga teachers. Maging ang mga higher-ups ng paaralan ay mabuti rin ang pakikitungo sa amin.
Then I felt guilty. There's that constant voice in my head that keeps saying that I don't deserve all this help.
Hindi ko puwedeng iasa lahat kay Ivan patungkol sa kapatid ko. I left my other job mula noong nalaman ko ang tunay na pagkatao ni Ivan. Wala pang isang linggo, sinubukan kong maghanap ng part-time job. Pero hindi madaling makahanap ng trabaho lalo na ang malapit sa amin.
After job hunting for a week, I finally landed on one. Isang marketing job. Taga abot ng leaflet sa labas ng mga building.
"Oh, ganito ha. Commision based tayo," sabi ng nag-recruit sa akin. "Depende sa dami ng gagamit sa code ninyo sa leaflet and kita ninyo today."
We were wearing a mascot of Keroppi. We were handing out leaflets for a game application at malaki naman ang makukuha namin kahit maubos lang namin ang aming pinapamigay. Those who install the app will just be our bonus.
My first day was a disaster. Halos walang pumapansin sa akin. I felt so frustrated. Halos sinukuan ko na. Pero sabi ko sa sarili ko, "Mas maganda na ito kesa sa isa ko pang trabaho."
The next day, I was in Bonifacio Global City. Sa Highstreet ako na-assign. It was scorching hot. Ramdam kong basang-basa na ako ng pawis sa loob ng mascot ko.
I checked the temperature today and it's almost 40 degrees. I decided to drag down my costume. Foldable naman ito up to my waist. But I kept Keropi's head on top of me. Bale nakasando na lang ako ng itim, may frog costume sa bewang ko pababa, at ulo ni Keroppi ang nakatakip sa ulo ko.
"Uwa ̄ , kero ppide hatarai teru no ne? (Wow, you work for Keroppi?)." Nilapitan ako ng tatlong Hapon na turista. Agad nilang kinuha ang leaflets. They even scanned the application QR codes in front of me. Kahit papaano ay naiintindihan ko sila. I'm half Japanese. I'm one of those people who can somehow understand Nihongo, but hindi ko kayang magsalita nang dirediretso. "Kin'niku o mageru koto wa dekimasu ka? (Can you flex your muscles?)" Which I did. Nagpa-picture silang lahat sa akin na tila isa akong artista.
Nilapitan ako ng mas marami pang tao.
Then it hit me: This is a good gimmick, Yukihero!
The next thing I knew was that people were taking pictures of me as I posed for the camera. Wala pang kalahating araw ay ubos na ang pinamimigay ko.
I went home that day with a huge commission. Hindi man siya kagaya ng kita ko sa isa ko pang trabaho ay puwede na rin ito kahit papaano.
My gimmick has been good for a week. Sapat lamang ang isang linggo para mawala sa isip ko si Ivan. Life is going great. Hindi ko na siya iniisip.
Sometimes, napapadaan sa puwesto ko ang ibang taga Eastampton. Good thing I keep my head costume on. Ayaw kong pati ito ay ipamukha sa akin ng mga kabarkada ko.
I would dress in the frog mascot tapos magsasalita ako ng balikong Japanese para walang makakilala sa boses ko.
"Sumimasen (excuse me), do you wanna install our app deska?"
Mabenta ang barok kong Japanese. Sobrang benta. I was enjoying my shift, nang biglang may pamilyar na aninong dumaan sa harap ko.
It's Ivan. May kasama siyang babae.
Ivan was holding hands with a girl. Napakaganda niya. She is wearing a green dress. Siya iyong nakita ko sa TV. Ivan was wearing a coat and tie na kulay green din. They seem to be going to an event sa bandang Maybank Open Theater. Mukha silang nag-sho-shopping sa High Street along with their body guards.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romantizm"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...