YUKI
Pinagmamasdan ko lamang si Ivan para sa kaniyang magiging reaksyon. Nakatayo siya sa harapan ko na tila prinoproseso ang lahat. I watched as his chest rose and fell. Tanging kaming dalawa lamang sa lugar na iyon. Siya, ako at malamig na hangin na hudyat na paparating na ang gabi. I could see the strand of his beautiful brown long wolf-cut hair dangle on his forehead as the afternoon wind passed by. I love his eyes. His amber eyes shine like the golden surface of a pond as the sun sets.
I guess he is in his own universe again. Wala siyang reaksyon. Nakatulala lang siya sa akin na tila naliligaw na naman siya sa kawalan. Lagi siyang ganito. There are times in class that he does not bother to talk to anyone because he is busy with his own world. Malalim na tao si Ivan Boselli. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He would process a thought before opening his mouth, para hindi makasakit ng damdamin ng iba. Sometimes, kung alam niyang wala namang kabuluhan ang lalabas sa kaniyang bibig, panananatilihin na lamang niyang nakasarado ito.
Sa mga oras na ito, alam ko, pinipili niyang mabuti ang mga salitang ihahandog niya sa harapan ko.
But he is taking too long.
"I should go now, Ivan," was the last thing I said. Hindi ko na siya hinawakan pang muli. Iniwan ko siya sa hardin habang nakatayo at sinusundan lang ako ng tingin.
I went back to school and packed my things. May mga taong nagbubulungan sa paligid ko, habang naglalakad ako patungong gymnasium. Hindi na bago sa akin ang mga bulungan. I have come to peace with the fact that people love to gossip about things that they think they are experts at.
"Yuki!" It was Andi. She was running towards me from the soccer field. Hawak niya ang ibang gamit ni Ivan. "Have you seen Ivan?"
Tinalikuran ko siya agad. But she kept running past me, hanggang sa harangan niya ang dinadaanan ko.
"You guys are going viral!" She showed me her phone. Students from the gymnasium recorded us on video while we were dancing on the stage.
I walked past her. Hindi naman na bigdeal sa akin ang maging trending. Madalas ko nang nirerecord ang sarili ko para sa iba kong trabaho.
"Yuki, teka lang." Hinahabol pa rin ako ni Andi. "Hindi puwedeng mag-viral si Ivan—"
"Pabalik na si Ivan," saad ko habang naglalakad palayo. Sa mga oras na ito, tila naiwan din sa garden ang utak ko. "Hintayin mo na lang siya riyan."
***
I'm back at my house. Nakahiga ako sa lower bed ng double deck namin ni Kite. Kite is busy playing outside. Nakatulala ako sa mga singit-singit ng ilalim ng mga higaan ni Kite. Doon ko iniipit ang mga piraso ng papel ng drawing ko ng mga mukha ni Ivan. My adopted mother taught me how to draw when I was young. At dahil rin sa kaniya, ay pinili ko ang kursong gusto ko.
In the small pieces of drawings on top of me were Ivan's beautiful, detailed face. Karamihan sa mga ito ay naka side-lying pose. Mga palihim kong guhit ng mukha niya habang lumalawlaw ang maganda niyang buhok sa maamo niyang mga mata sa classroom.
I would sometimes talk to him in a lively way. Gaya ng mga paraan ng pakikipag-usap ko sa ibang tao sa classroom. But that kind of approach doesn't seem to work for him.
One day, I realized na hindi ko kailangang magpanggap na masayahin sa harap ni Ivan Boselli.
Hindi ko siya kliyente.
Hindi siya gaya ng mga iba kong classmate na I had to offer my services so I could earn money for my tuition. Oo tama, hindi ganoon si Ivan. So I opened up to him one day after getting punched at Alamasen Bar. I showed him how vulnerable I am. Damn, that was a first. Hindi ko lang inakalang mas pakikisamahan niya ako when I showed him the weak, fragile, sheepish Yuki. The real Yukihero Azukawa.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...