YUKI
"This is fucking crazy!" Panay ang lakad ni Andi sa harapan ko. We were under the mango tree. She has been fidgeting while phasing back and forth. "Ano ba kasi ang naisip niya dancing in front of people like that?"
Hindi ko siya pinapansin. Sa ulo ko ay umiikot ang mga napanood ko sa TV kaninang umaga. Dinala ko si Andi rito sa tagong puwesto namin ni Ivan dahil walang masyadong nakakaalam ng lugar na ito.
Kanina pa ako pinagbubulungan ng mga tao. Napakaraming nangyari sa loob lamang ng 12 hours. Hindi ko sila masisisi. The second fucking son of Dante So danced with me---a nobody, at the gymnasium yesterday.
"I fucking hate you, Ivan Boselli!" sigaw ni Andi sa langit.
"Hoy! Tumahimik ka nga!" Hinahatak ko siya paubo sa bench. Pero panay ang sabunot niya sa kaniyang buhok at nagtatalon pa rin sa galit.
"Hindi ka ba naiinis sa kaniya? Iniwan niya tayong dalawa rito na wala man lang paalam!"
"He did talk to me yesterday—"
"He did?" Kusang umupo si Andi sa tabi ko. "What did he say? Did he explain how he got the number of my cousin at naging finacee na niya agad?"
"That's why I brought you here. I was hoping you knew, Andi."
She immediately checked her phone. Tila may hinahanap siyang kung ano. She looks so frustrated, kaya ibinulsa na lang niya ito at bumalik siya sa paggulo ng buhok niya. "Hindi koooo alaaaamm, Yuki!"
"Is there a way we could talk to him?" usisa ko. Ang totoo niyan ay gusto kong ibalik kay Ivan ang lahat ng ibinigay niya. Wala naman talaga na akong pakiaalam sa personal life ni Ivan dahil labas na ako roon.
Sa totoo lang, mas gusto ko nga na sa ibang tao siya mapunta.
"Look!" Inangat ni Andi ang cell phone niya sa mukha ko. "I sent him tons of messages, and I've been calling him, but inactive na ang line niya." She took back her phone, swiped into something, sabay lapat muli ng screen sa mukha ko. "Even his social media accounts are deactivated!"
Ako naman ang napayuko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko dahil sa panghihinayang.
"I know that. I fucking know that!" I blurted out. "I have been stalking Ivan's social media accounts for as long as I can remember at kagabi ko pa sinusubukan kontakin siya roon. What I hate about this whole things is, kung kelan na siya wala, tsaka ako nagkaroon ng lakas ng loob na i-message siya sa lahat ng platform pero wala na, he deactivated them all. Even his fucking number. I've been his seatmate for so long and I never got the fucking courage to ask for his freaking number—"
Natigilan ako sa sinasabi ko. Nakalimutan kong may kasama pala akong ibang tao. And it's the girl that has been shipping me with Ivan.
Andi was staring at me with her almost bloodshot eyes and a grin on her face. "Did you just confess your feelings for my bestfriend?"
"No."
"Ha!" Napatayo siyang bigla. "You just fucking did!"
"I never said I liked him."
"Oh, Yukihero Azukawa. You said more than that!"
"You got it all wrong—"
"Oh my God! Oh my God! All this time, my ship has been sailing even before I built it. This just totally made my day."
"No, no, Andi. Listen. I only like him as a friend."
"Mukha mo!" She's not listening. Normal na sa akin ang mga kagaya niya. Mga taong kumikilos base sa imosyon. God, I miss Ivan. He's the only person who thinks twice before opening that mouth of his.
"I'll help you," she finally said.
"Help me with what?"
"I'll help you contact him."
"You can do that?"
"Fujoshi powers, remember?"
May inilabas ako sa bag ko. It was the letter that came along with the package from Ivan. Inabot ko sa kausap ko.
"O, ano 'yan?"
"Just read it."
I gave her a few minutes. Lalong nadagdagan ang ngiti sa mukha niya.
"This is great news! Makakapag-aral na ang kapatid mo."
"Help me return it."
"Ha?" The way Andi said it, nakabuka pa ang bunganga niya. "Bakit?"
"Hindi ko deserve ang tulong niya matapos niya—" I was about to say matapos niya akong iwan, but I cut myself off. "That's why I'm asking if you know his house, his real house; hindi 'yong apartment na tinitiis niyang tirahan."
"I changed my mind." Andi jumped away from me. Ibinulsa niya ang sulat. "Hindi kita tutulungan."
Tinangka kong agawin ang sulat, pero mabilis akong naiiwasan ni Andi. I guess I'm really not feeling well lately.
"Ivan has no reason to help me and my brother" ani ko. "Ayaw kong magkautang ng loob sa kaniya."
"Idiot!" Lumapit sa akin si Andi at binatukan ako. "Para sa kapatid mo'to! Don't deny him a better future because of your pride."
"Pero kahit na. I don't see the need for Ivan's charity work."
"Umupo ka, I need to tell you something." Inabot sa akin ni Andi ang sulat. Niyaya niya ako pabalik sa bench. "I've known Ivan Boselli-So since we were in grade school."
Sa aming dalawa ni Andi, siya naman ang nakatingin sa malayo. It's my turn to watch her speak.
"He never called his father Daddy. Sir Dante always thought his children to call him Tatay. Kahit si Kuya Gabriel, ganoon din ang tawag sa kaniya. As everyone knows, Sir Dante came from humble beginnings. Kaya nga siya na sikat, unlike other tycoons here in the country and across the globe. Sir Dante drilled to both his sons the idea of being grounded. And that actually had a big impact on Ivan. To the point na he insisted to his tatay na when he goes to college, it will be at his own expense at gusto niya rito sa Pilipinas—"
"Why are you telling me all of this?"
"Manahimik ka nga muna, Yuki. Patapusin mo muna ako. The point is, I think Ivan sees his father in you."
Natulala ako sa sinabi ni Andi. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o matutuwa ako. I find it beautiful to hear that Ivan sees his father in me. Pero iyon lang ba talaga ang tingin niya sa akin ni Ivan?
Awa. Tama, naawa siya sa akin. Mas tama ngang sigurong iyon na lang isipin ko.
But why the hell does it hurt so much?
Biglang napatigil si Andi sa pagpapaliwanag. "Oh, shit! Bakit ka umiiyak, Yuki?" Aligagang bunakalkal ni Andi ang bag niya. Inabutan niya ako ng tissue at sinimulan niyang haplusin ang likod ko.
"I dunno," I whispered. "I don't know why it won't stop."
That day, I cried my heart out. Pero hindi ko alam kung bakit. Andi was just there, consoling me. Hindi ako humahagulgol, kusa lang pumipiga ang mga tubig mula sa mga mata ko.
Ganito ko ba talaga kamahal si Ivan Boselli?
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...