YUKI
Us having sex? I didn't dare. Neither did he.
After kissing him, idinantay niya ang ulo niya sa mga bisig ko. We were facing each other. I started brushing his hair. I ran my thumb through it. His other hand was under my face, caressing it.
Nakatitig lang ako sa kanya. Now my fingers went down his forehead, brushing his cheeks, making a line going to his cherry-red lips.
"Why do you love me?" Words came out of my mouth voluntarily. "Why do you love me, Ivan?"
I felt his lips at the tip of my finger curving upwards, kasabay sa pagngiti niya. "Because you're the nicest person I know."
I kept playing with his cheeks, pinching them this time like a baby's butt.
"Talaga?"
"Because you're a hard-working kuya."
I giggled. I just let him continue.
"Because you freed the birds, Yukihero."
"What birds?"
"Iyong mga binili mo sa palengke at pinalipad mo sa pond."
Oh yeah, he was there that afternoon. "Anybody would free those birds, Ivan."
I moved my fingers to his eyebrows. Naramdaman ko ang pagsasalubong ng mga iyon.
"No, not everyone is as nice as you."
"I'm not nice, Ivan."
"I won't argue with you on that. Basta alam ng puso ko, mabuti kang tao."
Pareho kaming natahimilk. We were counting every ticking of the clock to time this wonderful night together. He would look at me at some point, as if he were hesitating to ask me something.
"Ako, mahal mo ba ako?" he finally asked out of nowhere.
I'm afraid of that question. I'm more afraid of answering it. Hell, I'm most afraid if he's the one asking it.
I felt claws cramping my stomach. Twisting it, pumping every gastric acid back to my throat.
Hindi na ko nagpaligoy-ligoy. Sinagot ko siya gamit ang mga salitang bumabagabag sa puso at utak ko.
"Natatakot akong mahalin ka, Ivan. Masisira ka sa akin. Ang pamilya mo. Ang pinaghirapan ninyo ng tatay mo ay guguho sa oras na malaman nilang iniibig mo ang isang gaya ko. Ang daming homophobic sa mundo, Ivan. Hindi lang sa Pilipinas. Kahit saang comment section tungkol sa mga LGBT sa social media, tadtad iyon ng mga komento mula sa mga taong isinusuka ang mga bakla. Ayokong sumbatan ka ng mga taong akala'y sila lang ang mahal ng Diyos. Higit sa lahat, ayaw kong malaman ng lahat na ang isang kagaya ko ang mahal mo. Para sa kanila, parusa sa mula sa langit ang kondisyong mayroon ako. Para sa maraming tao, masusunog ako sa impyerno sa kabilang buhay at sa sobrang lala ng kasalaan ko ay sinisumulan na akong parusahan dito sa lupa kaya ako may ganito. Ayaw kong danasin mo ang lahat ng iyon, Ivan. Lalo na ang mga naransan ko. Ayaw kong layuan ka nila sa mga gym dahil may karelasyon kang may HIV. The number of times they would complain whenever my sweat wets the bench. Ang pag-iwas nila sa cubicle na ginagamit ko sa banyo. Ayaw kong pagdaanan mo ang lahat ng panghuhusgang iyon. Babatikusin ka ng mga taong akala mo'y malinis. Pagkakaisahan ka nila. Walang magtatangol sa iyo. They would eat you up like they scored a good point in heaven for every bad thing they would say about you. Ayaw kong madamay ka sa nangyayari sa akin. Nakakapagod."
Bigla akong hinalikan ni Ivan sa noo. Niyakap niya akong bigla. Isnubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya. "I'm sorry you have to go through all of that, Yuki."
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...