IVAN
Natatawa ako sa reakyon ng nakahubad na si Yuki.
He looks silly right now. Kilalang-kilala ko na siya kahit may takip ang mukha niya. Akala niya siguro hindi ko siya mamumukhaan. Ang hugis ng kanyang balikat. Ang gupit ng kanyang buhok. Mula sa hulma ng kanyang anino na lagi kong pinagmamasdan sa tabi ko kahit noong hindi pa kami malapit na magkaibigan, hanggang sa dulo ng nanginginig niyang tenga sa mga oras na 'to.
"Can I sit here?" tanong ko sa first year student. Nakita ko kung paano silang lahat nakangiti sa akin. Nilayuan nila ang bakanteng upuan to give me space.
"Oo nga pala". I told my self. Hindi na ako ang simpleng Ivan. Kilala na ng lahat na ako ang anak ni Dante So. Honestly, I don't like it. I've expected that people would treat me special when they found out about it, which is isang bagay na iniiwasan ko nang mahabang panahon.
Hindi ko na lang sila pinansin. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Yukihero. Plinano ko ang lahat ng ito. I told him that I have a chemistry lab today dahil alam kong may binabalak siyang ganito.
Sa harap niya mismo ako nakaupo. I'm just a few feet away from him now. Less than two feet siguro. The distance between my head and his knee is just a few breaths away. Ang totoo niyan ay nahihiya rin ako tignan siya. I could feel my heart pumping more blood through my vessels. The increase in my blood circulation has caused my body to heat up. This has never happened before. Pinagpapawisan na ako as I slowly inch closer to him. Hindi ko rin magawang hawakan ang paint brush ko nang maayos. Nanginginig pa ito sa aking kamay as I tried to face the canvas in front of me. Huminga ako nang malalim. Ipinikit ko ang aking mga mata bago ko itinapat ang mukha ko sa kanya.
The only thing he's wearing now is his mask and that bowl of fruits between his legs. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. He's not totally nude. I was hoping that the first time I see him naked is after ko siyang pakasalan.
Kasal agad, Ivan? Tangina.
Inalog ko ang ulo ko. My eyes opened like gumamela flowers as I took a look at him for the first time.
Kala ko, kaya kong huwag magbigay ng kahit anong reaksyon. I planned to pretend that I don't know him pagpasok ko sa kuwartong ito. But he looks so enchanted. I'm like looking at a legendary warrior sculpted from the purest of gold.
"You look a-amazing," mga salitang hindi ko napigilang lumabas sa bibig ko.
Parehong namula ang mga balat namin. I saw how his ears turned red, and I knew he was blushing behind his mask. Napayuko naman ako para hindi niya makita ang kulay-mansanas kong pinsgi.
Patapos na ang mga kasama ko. I only have 30 minutes left to paint him for this class. I'm not supposed to be here, but my long absence from school tasked me with getting extra subjects to make up for my missing units.
Pumasok si Miss Dee. Binati ko siya. There were only 15 minutes left. Tapos na ang iba sa amin when suddenly, a few of the students noticed how fast my hands moved. They decided to watch me work since most of them are already done.
"Teka lang, kararating niya lang bakit parang patapos na agad siya?" sabi noong isa.
"Dude! He's so good, kuhang-kuha niya iyong legs ng model at 'yong dibdib." Another one kept looking at Yuki, then back to my work to compare the two.
"He's not even looking at the model, pare!" bulalas naman ng isa sa likod ko.
"I don't need to," bulong ko. Hindi na ko nagpaliwanag pa.I just need one glance at him to immortalize his godly silhouette in my head.
Sapat na ang isang iglap para gawan ko ng masterpiece si Yukihero Azukawa.
The time to draw him was done, and he immediately ran towards the dresser, habang tinatakpan ang harapan niya. Doon siya nagtago while waiting for us to leave. While he was there, sinimulan nang bigyan ng score ni Miss Dee and mga gawa namin. Pinagkakaguluhan nila ang likha ko at hindi ko na pinansin ang markang nakuha ko. Hindi naman importante sa akin ang score na 100 na isinulat ni Miss Dee sa taas ng drawing ko, dahil ang atensyon ko ay nakadikit sa dresser na pinasukan ni Yukihero.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...