Chapter 12: Pare

279 29 11
                                    

IVAN

This is my first time walking on a roof. Medyo nag-aalangan pa ako kung sasama ba ako sa kaniya. I have a bad feeling na isang maling hakbang lang ay puwede akong mahulog sa loob ng bahay ng ibang tao. Manipis ang yerong gamit nila rito sa kanila Yuki. If my tatay found out what I'm doing right now, paniguradong papauwiin niya ako sa amin.

"Sabi naman sa'yo huwag ka nang umakyat dito." Yuki was holding my hand. Sa bawat yerong lumalagutok, ramdam kong mas pinipisil niya ang kamay ko. "Bumaba na lang kaya tayo?"

"Ayoko nga. Minsan na nga lang ako makapunta rito. Pagbigyan mo na ako."

"Kulit mo rin, ano?"

I actually like it, kapag naasar siya. I dunno, but this version of Yuki at home is totally different from the Yuki at school. Walang bahid ng Eastampton sa kanya.

"Oops!" My foot almost fell inside the roof.

"Sabi na kasing bumaba na lang tayo!" I like it tuwing na-ii-stress siya sa akin.

Nginitian ko lang si Yuki. He looks so cute when upset. Walang angas sa mukha niya. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang magkasalubong ang mga kilay niya.

"Ayos lang ako. Malayo pa ba tayo, Yuki?"

"Dito na, puwede na rito."

We sat on the most stable part of the roof. Magkatabi kami sa bubong ni Yuki. I invited myself to his house mula nang manggaling kami sa pond kanina. I decided to stay a little longer, dahil wala naman ako klase kinabukasan, just a game of soccer that I have to attend. Noong una ay nag-aalangan pa siya nang yayain ko siyang umakyat sa maninipis na yero. Pero ngayon, ito siya at katabi ko habang may tag-isa kaming tub ng ice cream. Inilibre ko siya ng icecream kanina para mawala ang inis niya sa akin. To be honest, I still dunno why he became mad when I talked to Angel this afternoon.

"Kakaiba itong trip mo, Yukihero Azukawa. Ibang-iba ka sa bahay ninyo."

"Anong kakaiba? We're just eating ice cream."

"Ayon na nga, kakaiba ka. Icecream instead of beer, pare."

"Pare?" Natatawa siya habang inuulit ang huling sinabi ko. Nakataas pa ang kaniyang kilay.

"Yeah, pare. Magkaibigan naman tayo, kaya isa ka na sa mga pare ko, Yukihero."

"Hindi bagay. Ayokong tawagin mo akong ganoon, Ivan."

"So ano? Bro?"

"Muntanga ka, Ivan."

"Dre? Short for compadre?"

I could hear him muttering something pero hindi ko marinig. But I'm pretty sure na naiinis na siya sa mga pinagsasabi ko.

"Honey," I said in jest.

Nawala ang pagkabugnot sa mukha niya. Nakatulala lang siya sa akin. His grumpy face turned into his brother's cute little face.

"Honey," pag-ulit ko. "'Honey cake' 'yung flavor ng ice cream na binili mo sa 7-Eleven."

Napatingin siya sa ice cream tub niya. Inusisa niya ang akin. "Macapuno," he said as if he was calling me.

Pareho kaming natawa.

"Well. Ice cream flavors are definitely not going to be our nicknames," saad ko.

Then we were quiet. I am enjoying my macapuno while he is munching on his honey cake.

"Dito ka ba palaging tumatambay, Yuki?" tanong ko. I figured dahil wala naman ibang pwedeng tambayan sa bahay niya sa loob.

"Oo. Gusto ko rito, simple lang. Tsaka mahangin dito. Madalaing magpalipad ng saranggola. Dito kami madalas ng kapatid ko."

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon