Chapter 7: Hero

339 33 13
                                    

IVAN

He's an idiot. Tinuloy niya ang suggestion na binawi ko.

Pinanindigan ni Yuki ang pag-ako sa pagiging anak ng mga So. Ilang beses ko siyang kinausap upang bawiin ang sinabi ko, pero nang maranasan niyang may mapapala siya mula roon, sinakyan na lang niya ang mga akala ng mga tao. He was allowed to take the class despite his absences because of it. And this was all my idea.

Hanggang sa isang araw, I saw his back while he was walking a few meters in front of me.

"Yuki, saan ka pupunta?"

Hindi niya ako pinansin habang lalapitan ko sana siya sa corridor. Nakayuko lang siya na tila nakatulala sa kawalan habang naglalakad sa malayo. He looks upset.

He's like this again: malayong-malayo sa masayahing ugali niya noong nakaraan.

"Yuki?" Kinawayan ko pa siya. Pero mukhang hindi niya ako naririnig kahit sobrang lakas ng boses ko.

Mabilis siyang naglakad papunta sa isang pamilyar na direksyon sa labas ng Eastampton. I could see a few college students running in the same direction. It was as if may shooting ng pelikulang magaganap. There was this one student who was about to run past me, but I grabbed his bag strap upang tanungin, "Anong meron? Saan kayo pupunta?"

"Hindi mo ba alam? Hinamon si Yuki ng one-on-one basket ball ng grupo ni Greg!"

"Ha? Bakit daw?"

"Hindi rin namin alam."

Kilala sa campus si Greg. May itsura siya, mukhang artistahin. Pero kung anong gwinapo niya, ganoon namang kasama ang ugali niya. Siya ang typical bully sa mga Japanese anime na hindi nakabutones ang itaas ng uniform at tadtad ng hairspray ang buhok. Miyembro siya ng isang gang. Tatlo lang sila actually, mga almost drop-out at palaging naghahanap ng mapagtritripan sa loob ng klase.

Mayabang si Greg. Anak kasi ng barangay chairman sa isang lugar malapit dito kaya naghahari-harian sa labas ng campus. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kaniya ni Yuki.

Pero habang tumatakbo ako ngayon kasama ng ibang estudyante, hindi ko mapigilang kabahan para sa kaklase ko.

I reached the basketball court.

Mali ako, hindi ito one-on-one. It's three-on-one. Lahat sila ay nakasando, nasagitna si Yuki habang pinagpapasahan ng tatlo ang bola.

"O! Walang tutulong diyan ha!" sigaw ni Greg. Dinuro niya kaming mga nanonood bago muling itinuro si Yuki. "Mayabang 'to kahapon, e. Sabi niya kaya niya kaming tatlo."

Nakatulala lang ako sa puwesto ko. Mahigpit na bilin ng tatay ko na huwag akong sasali sa kung anumang gulo sa campus dahil paniguradong ipu-pull out niya ako sa Eastampton sa oras na mapatawag siya sa Dean's office.

I was just there. Biting my lips. I was staring at the three students as they played around with Yuki. Yuki was trying his best to score, and he was not a bad player. Mabilis niyang nahahabol ang mga kalaban niya at dahil sa tangkad niya, he could either steal the ball while they were dribbling.

But his height was not enough. And there were three of them. Wala pang dalawampung minuto at basang-basa na ng pawis si Yuki pero parang wala lang ang lahat sa mga kalaro niya.

"O, asan na ang yabang mo?" bulyaw ni Greg. "Akala ko ba anak ka ng mga So?"

Tahimik lang si Yuki. Nakayuko siya sa gitna ng court habang hinahabol ang hininga niya.

"Wala pala 'to, e! Nakakalusot sa mga school tardiness niya dahil akala ng mga tao, may impluwensya siya, trapo naman pala!"

Hindi sumasagot si Yuki. Narinig kong nagbubulungan ang mga taong nasa likod ko.

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon