YUKI
Umaambon pero nagsisimula nang tumirik ang araw.
Hindi kami masyadong makakilos sa buong Eastampton. Panay ang tingin sa kanya ng mga tao. Crowds would form wherever we went.
Sa totoo lang ay inaasahan kong dudumugin si Ivan ng maraming tao nang bumalik siya rito sa Eastampton. But his cousins hired someone else, aside from me, to look out for him. At siguro dahil sa taong ito na isa na rin niyang body guard, wala nang nagtatangkang lumapit kay Ivan kahit na mga babae.
"Subukan niyong lumapit, pagtatadyakan ko kayo!" sigaw ni Greg. Nasaharapan namin siya. Maangas ang kanyang lakad. Sa record niya sa pagiging basagulero, wala talagang magtatangkang lumapit kay Ivan.
"Yes, po. Maayos naman po siya rito," radyo naman ng isa pang lalaki sa aking likod. His name is Rohan. He's been working for Ivan's cousins too. "The media outside has been under crowd control."
Ivan is back in his old Eastampton uniform. Nakasukbit ang bag niya sa balikat ko. Kanina pa niya pinipilit agawin ito pero nagmamatigas ako. Mula noong dumating kami rito, sinesermonan na niya ako dahil tutol siya sa pagiging bodyguard ko. But I kept on insisting that I'd be guarding him kung ayaw niyang alisin ko ang kapatid ko sa prestihiyosong school na pinagdalhan niya.
"Can you guys take care of things from here?" tanong ni Ivan sa dalawang bantay namin.
"Oo, ako bahala." Nilalagatok pa ni Greg ang mga kamao niya habang nakaharap sa mga kumpol ng tao na sampung metro ang layo sa amin.
"Yeah, you go ahead, boss. Do what you have to do," tugon naman ni Rohan.
Bigla akong hinila ni Ivan. Ipinasok niya ako sa fire exit sabay takbo paakyat. He started laughing as we were running upstairs.
"Saan mo ako dadalhin?" ani ko.
"To our spot."
"Mango tree?"
"Oo."
"Pero paakyat tayo. Nasa ground ang spot natin."
"Dami mong tanong Yuki-no-baka."
This is the first time in days that I have seen him laugh. The movement of his beautiful hair as we ran upstairs slowed down time. Ang maganda niyang ngiti became brighter as light from the exit door shone on his face. He looked back at me while tilting his head sideways, acting all cute.
When we reached the rooftop, wala nang ulan. May mga puddles pa na nagkalat, pero malapit na ring matuyo ang mga ito.
"Doon!" Ivan pointed at a bench. Nasisilungan ito ng ilang bahagi ng taas ng puno ng manga mula sa ground floor. Sapat lang ang taas ng puno ng manga para umabot rito sa tuktok ng ikatlong palapag. The leaves kept it dry.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Did you just—" Hindi maipinta ang ngiti sa aking mukha. He obviously just had this place remade.
May bagong bench at may maayos na flooring sa sahig. Halatang kakapintura lang ng bench na iyon ng brown. Sobrang lago ng mga dahon ng puno sa ibabaw ng bench kaya hindi ito nabasa ng ulan. Marahan niya akong hinatak paputa sa harapan nito. The flowers from the mango tree are now turning into mango fruits na nakasabit na tila mga palamuti sa palibot ng bench.
It's a picture-perfect view. May brown na bench sa gitna. May malalagong berdeng dahon ng puno sa likod at taas nito. May mga nakalawit na padilaw nang bunga ng manga sa palibot.
"Sorry," saad ni Ivan. "I wish I could have done better. Hindi na kita masosolo kasi sa ibaba. Ito na lang ang alam kong lugar na pwede kitang..." He was blushing as he continued, "...maangkin."
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...