YUKI
"Itigil niyo iyan!" Kasunod na pumasok ni Mama Tess ang mga naglalakihan niyang tauhan.
Pinakawalan ng mga tauhan ni Treb si Aldrin. Agad naman akong sinaklolohan ng mga katrabaho ko. Kumuha si Treb ng kumot at itinakip sa akin. Akmang itatayo na ako ni Treb upang dalhin sa labas.
"Saan niyo siya dadalhin? Naka-duty pa iyan sa akin!" bulalas ng duguang si Aldrin. May pasa ang kanyang kanang mata mula sa suntok ni Treb.
"Hindi na, gago! Binaboy niyo siya! Wala kayong respeto!" sigaw ng katabi ko.
"Tangina mo, Alarcon! Nasa kontrata iyan na pinirmahan niya."
"Pero wala sa kontrata ang gangrape na gagawin mo, tarantado!"
Panay lang ang bangayan nina Aldrin at Treb. Wala pa rin ako sa wisyo dahil sa pinainom sa akin. Ang huli kong naalala ay inalalayan ako ng mga kaibigan ko sa isang private room at doon pinalipas ang epekto ng gamot.
***
"Ayos ka lang?" Nasa kuwarto ako ni Treb. Nandoon rin si Mommy Tess kasama ang iba kong katrabaho.
"Oo, medyo." Nakabihis na ako paggising ko.
"I will buy you out." Tumayo si Treb at lumapit kay Mommy Tess. "Magkano po ba para ma null and void ang kontrata niya?"
"Wala naman na pong bisa ang contract niya kasi may boyfriend na siya," singit ni Luis, iyong isa sa mga katrabaho ko.
"His boyfriend will be wed next week to a girl." Sobrang lamig ng pagkakasabi ni Treb. Gumuhit sa lalamunan ko ang natuyong laway na nilunok ko.
"How did you know?" I asked.
"It doesn't matter," he answered.
"Aldrin Gargasgar is demanding an auction to buy his contract. And whoever wins, Yuki would get to spend the night with him," paliwanag ni Mommy Tess.
Napatakip na lang ng mukha niya si Treb. "Wala na siyang karapatang mag-bid! Binaboy niya ang staff ninyo!"
"I understand that you are upset, Mr. Alarcon. Pero matagal nang investor ng M.I.C.E.S. si Aldrin Gargasgar and losing him would have a huge impact on us."
"Fine! Kelan ba iyang bidding na iyan at nang matapos na ito?"
"In two hours po, Mr. Alarcon. Sa Grand Phoenix Hotel sa BGC."
***
Matapos ang dalawang oras ay nasa BGC na kami. Hinatid ako ng mga tauhan ng M.I.C.E.S. Ang lugar na pinagdalhan sa akin ay tila isang theater room. Sobrang laki nito na daig pa ang isang sinehan. Madilim. Pinaupo nila ako sa gitna ng entablado. Hindi ko maaninag ang mga upuan sa harapan ko pero ramdam kong maraming nakatingin sa akin.
The spotlight shone on me.
I heard Mama Tess' voice beside me. May kaunti siyang paliwanag sa mga nanonood. Matapos pa ang ilang minuto ay binalikan na niya ako.
"Bidding starts at one million pesos!"
Napalunok ko ng laway. I'm familiar with their bidding system. Matagal nang pinapangarap ito ng mg tauhan ng agency namin. Isang gabing pagpapaubaya at kapalit ay magandang buhay pagkatapos. Ito ang pinaka-gist ng kontrata. One of the ways to overrule it is when two or more clients fight over you and buy you from the company. Ang kapalit nga lang noon ay kailangan mo silang pagsilbihan ng isang gabi. Half of the total bid would go to me. The rest will go to the corporation.
Kahit may pasa pa sa tagiliran ko, inisip ko na lang na mapag-aaral ko na si Kite hanggang kolehiyo sa perang makukuha ko. Hindi ko na kailangang pagsilbihan si Ivan matapos nito. Hindi ko na kailangang magpanggap na hindi ako nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko na kailangang makita si Ivan Boselli.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...