YUKI
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa kuwarto ng boyfriend ko?"
I woke up to the voice of a girl. Ang matinis niyang boses ang siyang nagpamulat sa mga mata ko. Unit-unti ko siyang naaninag. Nakasuot siya ng pink na tank top at itim na fatigue cargo jeans. May suot pa siyang sumbrero at halatang hinihingal siya na tila galing sa work out. Nakatayo siya sa side ko ng kama. She was tapping her left feet to the floor, habang naka-cross arms, at nakataas ang isang manipis na kilay.
Agad na bumalikwas si Ivan at inikot ang kama malapitan lamang siya.
"Emerald! Tara, let's have breakfast downstairs." He held Emerald's hand. Ivan was still wearing his shorts at sinimulang hatakin si Emerald palabas ng kuwarto.
"Sino siya, babe? Bakit tabi kayo matulog?"
"Wala kasi akong master key ng ibang bedrooms. Dito lang siya pwedeng matulog kasi mainit sa sala."
Akmang tatayo na ako. Ayokong makahalata si Emerald sa namamagitan sa amin ni Ivan. Isinantabi ko ang mga napag-usapan namin kagabi. Hindi pa panahon para malaman ng fiancee niya ang meron sa amin. Paniguradong eskandalo ito. Sa kanya, sa mga So. Nakakahiya sa Daddy niya at sa iba pa nilang kamaganak. Agad kong inayos ang sarili ko. Nagtatalo na silang dalawa when I approached them. Iniisip ko na ang sasabihin ko. I will just tell her that I'm a bodyguard who has to make sure of his fiance's safety. Hindi ko muna uunahin ang sarili ko. Babalewalain ko muna ang mga pagtatapat namin kagabi sa isa't isa.
Tama. Sa ngayon, isa lamang akong...
"He's just my silly bodyguard, babe. Kailangan niya lang akong bantayan," bulalas ni Ivan. Pero panay tanong pa rin si Emerald. I was about to open my mouth when Ivan started kissing Emerald's lips to shut her up.
Time froze in front of me. Ang mga halik niya sa babaeng ito ay nauwi sa mainit na laplapan. Kitang-kita ko na may emosyon ang bawat paggalaw ng mga kamay ni Ivan sa mukha ng kasintahan nito. Every second of it was in slow motion.
May parang napunit sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.
Bakit ganoon?
All of those words last night came crushing down in my gut. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. He's just my silly bodyguard. Para akong naging bato ng marinig iyon sa bibig ni Ivan Boselli.
Panaginip lang ba lahat ng mga sinabi niya last night? Panagip lang ba ang mga magagadang salitang lumabas sa malalambot niyang labi? Kahit ang mahagkan ko ang mga labing iyon, pawang ilusyon lang ba ang lahat? Panaginip lang ba ang pagpupuyat namin kanina? O baka naman ay napasarap ang tulog kaya ganoon na lamang kaganda ang panaginip ko.
Habang kumakalas sila sa paghahalikan, kusang pumatag ang kilay ni Emerald. She then looked at me and gave me a smile.
Pero, ni matignan ako ay hindi kaya ni Ivan Boselli. Sa pintuan siya humarap.
Gusto kong lumuhod. I was like playing tag-of-war with my tears. Gusto kong lumuha pero alam kong wala akong karapatang makaramdam ng ganito. My gut is twisting.
Para akong nalulunod.
My heart started squeezing. May masakit na bahagi nito na lalong kumikirot sa bawat pagtibok habang pinapanood ko sila.
I wanna grip my heart and pull it out of my chest. That was the only way I could stop the pain.
Gusto kong yakapin ang sarili ko sa mga oras na ito habang marahan silang tumatalikod. Nakatayo lang ako habang isinasandal na ng babae ang ulo niya sa hubad na balikat ni Ivan bago sila magtungo sa pinto.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...