YUKI
"Why do you have to transfer schools?" panulit-ulit na tanong ko simula nang dalhin niya ako sa kanyang condo.
Hindi ako pinapansin ni Ivan. I am drying my hair. He let me borrow his biggest yellow hoodie and pants after taking a shower.
"Are you hungry?" tanong ni Ivan. He took off his green coat. He is only wearing his long white sleeves and green slacks. May suot siyang brown na apron na may nakasabit na mini Keroppi stuffed toy sa bandang dibdib.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Boselli," giit ko. That's right, last name basis. I know how much he hates that. Sumandal ako sa kitchen counter while folding my arms. May nakapila pa akong banat sa kanya sa oras na hindi niya ako sagutin nang maayos.
"Sorry, alam mo namang hindi ako marunong magluto Yuki." Tangina, first name basis pa rin ang gamit ni loko. Hindi niya ako pinapatulan. He grabbed some onions, then pulled out a knife from the drawer. "Is Omelet okay, Yukihero?"
Halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa sobrang pagsasalubong ng mga ito. I was biting my lips dahil kanina pa niya iniiwasan ang tanong ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Why.do.you.have.to.transfer—"
Natigilan ako nang makita ko na baliktad ang pagkakahawak niya ng kutsilyo. Nasa taas ang talim nito habang sinusubukan niyang hiwain ang sibuyas.
"H-hoy!"
Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ivan. "Bitawan mo ang kutsilyo."
"But I wanna cook—"
"I said, bitaw."
He let go.
Kinuha ko ang dalawa niyang kamay. Kinandado ko sa mga palad ko. "Tell me, Ivan, why do you have to transfer?"
"Why do you want to know?"
"Because hindi ko matatanggap na ako ang dahilan!"
"No, you're not."
"Then, why?"
Mabilis kaming nakarinig ng katok sa pinto.
Aligaga akong hinila ni Ivan papunta veranda ng kanyang condominium unit.
"Stay there!" he commanded.
Isinarado niya ang salamin ng veranda. Dahil basa pa ang aking buhok, mabilis akong nilamig nang umihip ang malakas na hangin sa 30'th floor. Isinarado ni Ivan ang kurtina mula sa loob. Gumilid ako sa veranda, nakadikit ang tenga ko sa glass door, habang inuusisa ang mga nangyayari sa loob.
"Where is she?" sigaw ng isang babaeng pumasok.
She?
Kitang-kita kong nang-aamok na pumasok ang isang babaeng may slit sa kanyang long red gown. Naka puson ang kanyang buhok at may chopstick pa na nakatusok. "Where is she, Ivan?"
"Wala siya rito. Umuwi na nga kayo!" Pinipigilan ni Ivan ang babaeng nakapula. Kasunod namang pumasok ang isang babaeng naka silver at may mga dangling earrings pa.
"Camille, I'll check his room. Go scan the bathroom!" sigaw ng pangalawang babae.
"Wala nga siya rito, Ate Jasmine!" rinig kong sigaw ni Ivan. Panay pa ang dabog ng kanyang mga kamay at paa na tila naiinis sa mga bisita niya.
"No one is here, ate!" bulyaw noong Camille.
"Baka nasa ilalim ng sink!" sigaw ng Jasmine.
As if I'd fit in there.
Nang wala silang makita roon ay sabay silang lumapit kay Ivan. Pinapanood ko sila sa labas. Mukha silang masusungit. Tila letrang M sa kanilang noo ang maninipis nilang kilay. They were looking in my direction. Nang magtama ang mga tingin namin ay mabilis akong yumuko.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...