Chapter 2: The Exhibitionist and the Racist

564 39 17
                                    

IVAN

The hand is always the hardest to draw. It's so complicated. Any deviation in the angle of the finger can totally change the meaning of the entire hand. Also, unlike any part of the body, the hands have been known to be a symbol of communication. Kung nakataas ang hintuturo at hinlalato, you are making a peace sign. Kapag hinlalato lang ang nakataas, it's instigating a fight.

"Naliligaw ka na naman sa mundo mo?" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Yuki sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito, Exhibitionist?"

"I'll pretend I didn't hear that." Yuki rolled his eyes. He looks silly. Nakasuot siya ng male corset vest. Walang siyang inner shirt. "Bigyan mo 'ko dalawang tequila, tsaka isang espresso martini."

Pinagsalubong ko ang mga kilay ko. Itinago ko ang drawing ko sa ilalim ng counter sabay balik sa cabinet ng mga alak at itinimpla ang gusto niya.

"Since when have you been working here in Almasen, Boselli?"

"It's none of your fucking business, Azukawa."

Kahit maingay sa bar, I can hear his distinct laugh. Pinipigilan ko siyang lingunin habang inaabot ko ang bote ng tequila sa bandang taas.

Nakatingkayad na ako pero hindi ko pa rin maabot ang dulo. Kung bakit pa kasi may nakasira noong stepping stool last week. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito.

Naririnig kong gumagalaw si Yuki sa likod ko. "You need help?"

"Kaya ko 'to."

I am now jumping at napapagalaw ko na pababa ang bote. Kakatalon ko, I dragged it so hard that it went flying down, almost hitting my face.

I closed my eyes bago pa ko magka-black eye dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Oops!" sabi ng boses ni Yuki na ngayon ay halos nasa mukha ko na. I slowly opened my eyes. Yakap niya ko habang hawak sa itaas ng ulo ko ang bote sinalo niya. "Muntikan na. We don't want your pretty face bruised, do we?"

In the darkness of the Almasen bar, the flashing lights were enough for me to see how white his teeth are. His military brushed, undercut hair enhances his porceleine skin. Sa laki ng ngiti niya, parang nakapikit na ang chinito niyang mga mata.

Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko. "Thanks," naiirita kong tugon sabay bawi sa boteng hawak niya. Napalingon ako sa counter. "How did you get here so fast?"

"Tinalon ko ang lamesa."

So that's where the sound earlier came from.

Ngayon ko lang napansin na mas matangkad siya sa akin ng ilang inches. Lagi kaming magkatabi sa classroom in some of our subjects pero ngayon lang kami nagdikit nang ganito.

"What are you looking at?" he asked then he jumped right back to the other side of the counter.

"Anong height mo?"

"Six-flat. Why?"

I was thinking of my drawing. I'm sizing him up. Siyempre hindi ko pwedeng sabihin iyon sa kanya kaya I thought of something else, "'Di ba, most asians are... you know... short."

"You are so racist."

"No, I'm not. It's a fact. I'm just wondering lang kung bakit ang tangkad mo, Azukawa."

"Inggit ka lang kasi hindi ka nag Star margarine at Milo noong bata ka."

Tanginang 'to. "Hoy, for your information. I'm five-nine. Decent size for a half Italian like me."

Kinuha niya ang alak na inihanda ko. He took one sip at the martini then gave me a funny look.

"Racist," he said again.

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon