Chapter 1

153 12 0
                                    

When Fate Reunite Us Again 

Evelyn Letizia Andres

"Aray ko naman!" Bigla akong napasigaw sa sakit dahil may malaking langgam pala yung inuupuan kong malalaking bato ngayon. 

Nakaupo ako ngayon sa mga patong-patong na mga bato sa harap ng Pau Falls. 

I really loved this view. Super nakakalma siya dahil sa tahimik ng lugar. Palagi din naman akong nakatambay dito kapag gusto ko mapag-isa, magdrawing, o kaya ay kapag marami akong iniisip at hindi ako makatulog.

Sa ngayon ay nagdadrawing ako sa science journal ko ng orchids dahil mukhang bagong tubo pa lamang ito. I enjoyed drawing flowers and plants in my science journal because I feel like I'm really a scientist and it is my way of relaxing. 

"Hala siya, pudpod na pala yung colored pencils ko. Hingi muna kaya ako ng konting pera kay Mama. Konti pa lang yung naipon kong allowance eh." Bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako makakakulay ng maayos kapag hindi colored pencils ang gamit ko. Isa pa ay mas ginaganahan ako magdrawing kapag bago yung mga art materials ko. Balak ko pa naman lumipat ng puwesto dahil may nakita akong mga periwinkle banda sa may farmhouse namin. 

"Ate ko! Ate ko! Ate!" Narinig kong sigaw ni East, nakababata kong kapatid. 

"Nandito ako East!" 

"Ate tawag ka ni Mama sa may farmhouse, tulungan mo daw siya doon sa tinatahi niya para daw matapos na."

"Bakit tinatapos na ni Mama? Akala ko ba sa susunod na linggo niya pa kailangan yun?"

"Ate, di ka ba nakikinig sa usapan nila kagabi habang kumakain tayo? Ngayon bibisita yung dating supplier nina Mama sa farmhouse tapos plano niya daw iregalo yung tinatahi niya ngayon."

Sa sobrang pagod at busy ko ata noong nakaraang araw ay nawala na ako sa sarili ko at hindi ko na narinig na may bisita pala kami ngayon. Halos wala kasi akong tulog ng mahigit tatlong araw dahil nga tinatapos ko yung mga lab activities ko pagkatapos ay yung mga readings ko pa sa major subjects ko. 

Nakakahiya pa kay Mama na siya na gumagawa nung pananahi dahil nangako ako sakanya na ako ang tatapos ng mga iyon. 

"Teka East, tulungan mo ako ligpitin yung mga gamit ko." Utos ko sa bata kong kapatid. Di naman aangal yan syempre, wala siyang magagawa. 

"Tingin mo ba pahihiramin ako ng pera ni Mama kapag natapos ko yung mga tinatahi niya? Pudpod na kasi yung colored pencils ko." Tanong ko sa kapatid ko habang naglalakad na kami pabalik sa farmhouse namin. Malapit lang naman yung farmhouse namin sa Pau Falls, kaya nga palagi akong tambay dito eh. 

"Malay ko, di naman ako si Mama!" Pilosopong sagot ng kapatid ko. 

Kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil kahit kailan talaga ang ayos niyang kausap. Nagtatanong ng maayos yung tao tapos walang kuwenta yung sagot niya. Galing!

Nakabalik na kami sa farmhouse namin at napansin ko nga na naghahanda ang lahat ng mga trabahador namin para sa darating na bisita. Yung mga iba ay nagluluto ng ube at iba pang pagkain, tapos ang iba naman ay inaayos ang dekorasyon sa sala at sa lamesa. Ang iba ay naglilinis, at ang iba naman ay tuloy pa din sa pagdilig ng mga pananim namin. 

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon